17

78 8 1
                                    

Chapter 17

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 17

“Sis, pang-KDrama ang datingan!” kinikilig na komento ni Laurie habang ikinukwento ko ang nangyari kagabi sa amin ni Dancel.

Nang dumating siya ng sandaling iyun, mas lalong bumuhos ang mga luha ko, hindi ko kasi inakala na darating pa siya. Nawalan na ako ng pag-asa, pero nang makita ko siya hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

Tila ba sa amin ang gabing ‘yun, sobrang saya ng puso ko habang katabi siya at nagpeperform ang paborito kong banda sa harapan namin, noon ay nababasa ko ang mga ganoon eksena ngunit noong nangyari na sa akin, halos sumabog ang puso ko sa sobrang saya.

“Nag-kiss ba kayo kagabi?” mabilis na tanong sa akin ni Laurie dahilan para kaagad ko siyang pandilatan ng mata.

“Shhh! Ang bibig mo, baka marinig ka niya.” pagsuway ko sa kaniya matapos ay nilingon si Dancel na natutulog sa kaniyang upuan.

Walang klase, hindi namin alam ang dahilan, may binigay na gawin, pero bukas pa naman ang submission kaya ang ending naging assignment.

“Ano ka ba, ang himbing kaya nang pagkakatulog niya.” sabi ni Laurie nang alisin ang kamay ko sa bibig niya.

“Kahit na, malay natin nagpapanggap lang ‘yan, ‘no.” depensa ko.

“So, ano na nga, nag-kiss ba kayo?” tanong muli niya ngunit ngayon ay pabulong na.

“Hindi.” pagsasabi ko ng totoo.

“Sis, ang weak naman! Hindi ba’t sabi ko kapag hindi nag-first move ang lalaki, tayo na dapat ang kumikilos!” bakas sa boses niya ang pagkairita.

“Hindi ko naman kayang gawin ‘yun, ‘no… at isa pa baka kung anong isipin niya kapag ginawa ko ‘yun.” depensa ko muli.

“Isipin na niya ang gusto niyang isipin, sure naman ako na ayun din ang gusto niyang mangyari at nahihiya lang siya sa ‘yo.” sabi pa niya ngunit hindi na ako sumagot.

Breaktime at napagdesisyunan namin na sumabay kina Lucas sa pagkain, niyaya kasi nila kami kaya hindi namin magawang tumanggi, isa pa excited na excited si Laurie.

Same position, kaharap namin ang naghaharutang Laurie at Lucas, may cake pa na dala si Lucas para sa aming lahat, tapos may binigay rin siya na para sa akin mismo, utang daw niya sa pangako niya sa akin.

Si Gav ay nililibang ang sarili sa pagbabasa ng isang libro. Tahimik, magsasalita lang kapag may itatanong sa kaniya.

Habang ang dalawa kong katabi ay hindi matigil sa pagtatanong tungkol sa akin at pag-alok ng pagkain na palagi kong tinatanggihan.

Doon umikot ang buong break time namin, sabay-sabay pa kami naglakad palabik sa mga classroom namin.

“Bye, Bebe ko Lucas.” huling paalam ni Laurie kay Lucas nang makarating kami sa room namin.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now