34

70 11 2
                                    

Chapter 34

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 34

Abala ako sa pag-aayos sa aking sarili nang marinig ko ang katok ni Mama sa labas ng kwarto ko. Kaagad kong tinapos ang pagsusuklay ko at binuksan ang pinto nang sa gayon ay maharap ko si Mama.

“Bumaba ka na, kakain na tayo.”

“Yes, Ma. Sunod na po ako.” nakangiting sagot ko matapos ay umalis na ulit si Mama.

Muli akong humarap sa salamin ko para tingnan kung maayos na ang sarili, kasunod noon ay ang pagsisimula kong maglakad ngunit kaagad akong natigilan nang may mapansin sa book shelf ko.

“Bakit ang dami kong libro?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko, kaagad akong lumapit sa mga libro ko. “Kailan pa ako bumili ulit ng libro?” pinagmasdan ko ang mga libro sa harapan ko.

Nakakapagtaka na may mga bago akong libro at karamihan pa sa mga ‘yun ay mayroon na naman akong copy kaya talagang napapaisip ako kung bakit may mga bago akong libro ngayon. Naagaw ng pansin ko ang isang libro ni Sic Santos.

“At kailan pa ako umattend ulit sa book signing ni Sicario?” talagang nakakapagtaka.

Gusto ko pa sanang manatili sa harapan ng mga libro ko ngunit muli akong tinawag para kumain na. Kaagad na akong bumaba na malalim pa rin ang iniisip. Naabutan ko si Mama na abala na sa pagsandok ng pagkain niya, si Ate Kristine naman ay nag-abot ng kape kay Mama. Naupo na ako sa kanang bahagi ni Mama.

“Bakit ba ang tagal mo?” tanong sa akin ni Mama nang magsimula kaming kumain.

“Ma…” pagtawag ko. “Bakit ang dami kong libro?” natigil pa ako sa pagkain, nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Mama.

“Hindi ko alam sa ‘yo, Bella. Bakit sa akin mo itatanong eh libro mo naman ang mga ‘yun?” nagpatuloy siya sa pagkain.

“Ma, kapag bumibili ako ng libro ‘yung address ng shop niyo ang nilalagay kong address, ‘di ba, kaya for sure may alam kayo kung paano dumami ang libro ko.” deretsong sabi ko pa.

“Wala akong maalala na nag-order ka ulit ng libro, Bella.” seryoso ang tono ni Mama, mas lalo akong nagtaka.

Bumaling ako kay Ate Kristine na kasalukuyan ngayong kumakain na rin sa harapan ko, katabi niya si Kuya Robert na kararating lang.

“Ate Kristine, may alam po ba kayo kung bakit dumami ang libro ko?”

“Nako, Ma’am, wala po eh. Hindi pa naman po ako ulit nakakapasok sa kwarto niyo kaya hindi ko rin alam kung bakit.” mabilis na sagot din naman niya, bumaling ako kay Kuya Robert.

“Kuya Robert, nakita niyo po ba akong bumili ng mga libro?” madalas kasi ay siya ang kasama ko kapag dumaraan ako sa book store.

“Ma’am, matagal na po magmula noong bumili kayo ng libro kasama ako.” napalunok naman ako dahil sa sinagot niya.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now