20

88 7 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 20

Hindi ako mapakali. Gusto kong lumabas, pero hindi ko magawa. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi lumingon sa tabihan ngunit hindi ko mapigilan. Wala naman siyang ginagawang kakaiba, pero natutukso ako na pagmasdan siya.

“Since foundation week na next week hindi ko muna kayo bibigyan ng activity, but after that bibigyan ko na kayo ng final project for this term.” anunsyo ni Sir Arturo na siyang nagsasalita sa harapan.

Narinig ko nang malinaw ang sinabi niya, ngunit hindi ko pa rin magawang isipin ang nasa tabihan ko. Hindi si Laurie, kun’di si Dancel. Pumasok na si Dancel mula sa pagkaka-absent kahapon, kaya heto ako at hindi mapalagay, gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko magawa.

Deretso lang ang tingin niya sa harapan kahit na wala namang mahalagang nandoon, hindi ko maiwasang sambahin ang nakakaakit niyang itsura niya ngayon, napakapayapa niyang pagmasdan.

“Okay, that’s all for today, have a nice day!” huling sabi ni Sir matapos ay lumabas ng classroom.

Kaagad ko namang inayos ang pagkakaupo ko nang makita ko si Dancel na bahagyang kumilos, mula sa peripheral vision ko ay nakikita ko na may kinukuha siya sa bag niya, matapos ay inilabas niya mula roon ang isang katamtamang laki na sketch pad.

Napitlag naman ako nang marinig ko ang pagbagsak ng lapis niya, ibinaba ko ang tingin ko para malaman kung saan napunta ang lapis niya at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko iyun na nasa ilalim ng lamesa ko.

Tila ba naestatwa ako dahil sa nakita ko. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ko, kung hahayaan ko na lang ba iyun doon o kukunin tapos ibibigay kay Dancel o kaya ay umalis na lang para siya Dancel na mismo ang kumuha noon. Kasabay nang mabilis na pagtibok ng puso ko ay ang pagtayo ni Dancel mula sa kinauupuan niya. Pakiramdam ko ay may naupuan akong super glue dahil hindi ako makagalaw mula sa pagkakaupo ko.

Ramdam ko na nakatayo siya sa gilid ko, gusto ko siyang tapunan ng tingin ngunit hindi ko magawang lumingon.

“Kukunin ko lang ang lapis ko.” sabi niya sa malumanay na tono dahilan para mas lalo kong maramdaman ang kakaibang tibok ng puso.

Ysabella, kalma, kukunin lang niya ang lapis niya kaya dapat normal lang ang kilos mo.

“O-Okay, sige, ingat---este, ano… sige.” hindi ko magawang magsalita nang maayos dahil sa kakaibang nararamdaman.

Tila ba gustong kumawala ng puso ko dahil sa mabilis na pagtibok nito, naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa mga sumunod na kilos ni Dancel. Naramdaman ko ang paglapit niya lalo sa akin at pagyuko para kunin ang lapis niya, tila ba nasa isa akong duyan sa harap ng mga bulaklak nang malanghap ko ang mabangong amoy ni Dancel, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapapikit dahil sa epekto ng amoy niya sa akin.

It Only Happens in the StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon