24

70 7 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Chapter 24

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang September... and now it’s my birth month! Noong mga nakaraang araw halos bumalik lang sa normal ang mga pangyayari, back to maghapong pakikinig sa klase, at after clas ay hang out sa kung saan-saan. Palagi kaming magkakasama ng grupo ni Lucas, well syempre dahil boyfriend siya ng best friend ko kaya naman kung nasaan si Laurie ay nandoon din si Lucas kasama ang dalawang kaibigan niya.

Si Dancel ay walang pagbabago, gwapo pa rin at makalaglag panty ang presensya, kung hindi lang talaga ako nagpapabebe sa kaniya marahil nasagot ko na siya. Kagaya nang inaasahan, medyo hindi maganda ang atmosphere naming dalawa ni Liam, but I know he’s trying his best para maging comfortable ako sa kaniya, wala naman kasi kaming dapat na ipag-alala kaya dapat ay maayos lang kami. Gav is still the same.

Hindi naman na kami nagulat sa pagsalubong sa amin ni Sir Arturo nang bumalik kami sa klase, kagaya ng sinabi niya dati ay binigay na niya ang project namin para sa sem na ito, before sem break ang submission ng project, may one month pa kami para gawin iyun, kailangan maging seryoso dahil nag-integrate sila ni Ma’am Azure, at ang dalawang subject na iyun ay major o tinatawag na specialized.

Medyo naiilang lang din ako sa mga pagbati sa akin ng mga estudyante ng CSB, sigurdo ay dahil nga sa nakikita nila ang mukha namin ni Dancel sa Hall of Fame sa school, hays, kailangan ko na masanay.

It’s already 1 in the early morning, katatapos ko lang magbasa ng Wattpad story at abala ako sa pag-skin care ko, kailangan ko gawin ito para may panlaban sa gabi-gabi kong pagpupuyat. Habang abala sa pag-alis ng face mask sa mukha ko ay narinig ko na tumunog ang cellphone ko, mabilis kong inayos ang sarili at hinarap ang cellphone ko na nasa kama ko. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Dancel na siyang tumatawag. Naupo ako sa couch ko at humarap sa binatana na kitang-kita ang madilim na kalangitan.

“Akala ko ba’y tulog ka na?”

Katatapos lang naman mag-usap ni Dancel kanina, kasama ko siyang magbasa ng Wattpad story over the phone at noong natapos ako ay nakatulog na pala siya dahil hindi na siya sumasagot kapag tinatawag ko siya.

“Yes, I was.” mahinang sagot niya.

Napangiti ako.

“Okay, so, what’s your problem? Bakit tumuwag ka ulit matapos mo akong tulugan?” kunwari ay masungit na sabi ko ngunit ang totoo ay gusto ko lang magpalambing.

“I just call to say I love you.” malambing na sabi niya at napangiti pa ako lalo nang makuha ang kagustuhan.

Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil sa malambing na tono nang pananalita niya. He’s always like this, magigising na lang ako sa tawag niya tapos mag-a-I love you lang siya at hindi niya hihintayin ang sagot ko, uunahan niya ako sa pagpatay ng tawag.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now