26

72 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 26

“I want you to meet my parents, Bella.”

Halos mabuga ko ang iniinom kong milktea nang marinig ang sinabi ni Dancel. Kaagad niya akong inabutan ng tissue na nasa harapan namin, pinunasan ko ang bibig ko at gulat pa rin siyang hinarap.

“Ay, Sis, ibang level, baka mamaya sa altar ka na dalahin niyan.” narinig ko pang komento ni Laurie na nasa harapan namin ni Dancel, kaagad ko siyang binigyan nang nakaksindak na tingin para matahimik siya.

Muli akong humarap kay Dancel na katabi ko, nasa loob kami ng Metamorphosis Café dahil dito namin naisipan magplano para sa project namin sa dalawang major subjects, pero pakiramdam ko ay nawala sa isip ko ang totoong dahilan nang pagpunta namin dito dahil sa sinabi ni Dancel.

“Are you serious?” gulat pa rin na tanong ko kay Dancel.

“Yes, Bella. May problema ba?” napangiti pa siya sa sinabi.

Napakurap pa ako matapos ay pinakalma ang sarili, hinarap ko muli si Laurie na may malaking ngiti sa akin ganoon din ang katabi niyang si Lucas. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi ni Dancel ay humarap na ako sa kaniya.

“Okay, fine. I’ll meet your parents.” nakangiting sabi ko matapos ang isang malalim na paghinga.

Argh, hindi ko pa man nakilala ang parents niya ay kinakabahan na ‘agad ako, baka mamaya ay hindi nila ako magustuhan or worse paghiwalayin nila kaming dalawa ni Dancel kagaya sa mga nababasa ko, aish… bakit ba ang negative ko, well, sabi nga nila mag-isip na ng mga masasamang resulta para hindi na masaktan pa sa dulo.

“That’s great! Don’t worry, they’re nice and for sure magugustuhan ka nila.” nakangiting sabi pa ni Dancel dahilan para maging kalmado ako kahit papaano.

“Samahan kita mag-shopping, Sis!” pagsinggit naman ni Laurie.

“Ang sabihin mo, samahan kita mag-shopping!” natatawang komento ko pa sa kaniya matapos ay muling hinarap si Dancel. “So, kailan ko makikilala ang pamilyang Felix?” nakangiting tanong ko pa.

“Tomorrow night, uhm, we’ll have a dinner, actually alam na nila na makikipagkita ako sa kanila and sabi ko may surprise ako!”

Muli ay bumalik ang kaba sa aking dibdib, goodness, bakit ba pakiramdam ko’y manganganak ako kahit na hindi ko pa alam ang pakiramdam noon, basta ang alam ko kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Bago tuluyang sumagot at chineck ko muna ang araw bukas, and tomorrow is Friday, wow, so it’s official na pamilyang Felix ang kasama ko sa Friday night.

“What should I wear?” frustrated na tanong ko kay Laurie napaupo pa ako sa kama ko habang nakaharap sa bukas na closet ko.

Nang matapos kasi kami sa ginagawa sa coffee shop, nagpahatid na kami rito sa bahay namin, naisipan namin na tumambay dahil medyo wala na kaming solo bonding ni Laurie, pero ang totoo ay nagpapatulong ako sa kaniya para sa meet and greet with Dancel’s family bukas ng gabi.

It Only Happens in the StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon