32

83 10 4
                                    

Chapter 32

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Chapter 32

Hindi ko alam kung masyado bang mabilis ang takbo ng araw o talagang hindi ko na lang namamalayan na isang linggo na pala ang nakakalipas magmula noong malaman ko ang totoong pagkatao ni Dancel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nananaginip ng gising, araw-araw.

Napapansin na rin ni Laurie ang pagiging wala ko sa sarili palagi, lalo na ang hindi namin pagpapansinan ni Dancel. Ang totoo ay ako lang ang hindi pumapansin kay Dancel, palagi niya akong kinakausap, inaalok na ihatid, pero patay malisya lang ako sa kaniya, ni hindi ko pa rin siya kayang tingnan ng deretso sa mata.

Alam ko na hindi magiging madali para sa akin ang ginagawa kong pag-iwas kay Dancel, sa bawat araw na lumilipas ay mas nadaragdagan ang sakit. Ang pagtawag niya palagi sa akin sa umaga at gabi ay hindi ko magawang sagutin dahil hindi ko kaya, mas lalo kong naiisip na bukas makawala ay malilimutan na namin ang isa’t isa.

Hindi nakalampas kay Mama ang nangyayari sa amin ni Dancel, maging siya ay nag-aalala na, napapagod na akong magsinungaling sa kaniya, nauubusan na ako ng sasabihin. Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang totoong nangyayari ay hindi ko magawa dahil binilin sa akin ni Mrs. Acosta na kailangan itong manatiling lihim sa pagitan namin, naiintindihan ko ‘yun dahil alam kong magiging magulo pa kapag nalaman ito ng marami.

“Bella… mag-usap naman tayo, please.”

Hindi ko magawang tapunan ng tingin si Dancel, nakatalikod ako sa kaniya, nasa student’s area kami at nang hindi ko malaman kung paano siya haharapin ay mas pinili ko na lang ang umalis at iwanan siya. Wala pa akong lakas ng loob. Hindi pa ako nakakahinga nang maluwag. Nadudurog ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

Ganito palagi ang nangyayari sa aming dalawa ni Dancel, minsan pa siyang nahuli na may binibigay sa aking sulat habang nag-eexam kami, akala ng teacher ay kodigo ‘yun kaya pareho kaming pinatawag sa office, mabuti na lang at nalaman nila ang totoo na isang sulat ‘yun para sa akin.

“Bella, kung may problema kayo ni Dancel, magsabi ka lang sa ‘kin ha, naka-usap ko siya at alam kong mahigit isang linggo mo na siyang hindi kinikibo… ano bang problema niyo?”

Nabaling ako kay Laurie, nasa loob kami ng Library, nalate ako kaya nagpalate na lang din siya. Abala ako sa pag-aayos ng libro habang siya ay naghihintay lang ng sasabihin ko.

“H’wag mo na kaming alalahanin, ayos lang kami.”

Napaiwas ako ng tingin, alam kong hindi ‘yun tatanggapin ni Laurie, pero nanahimik na lang din siya. Mabilis kaming natapos sa duty namin. Walang pagbabago sa takbo ng buong maghapon. Lalapitan ako ni Dancel tapos iiwas ako. Aalukin akong ihatid niya, tatanggi ako. Hindi ko kaya… hindi ko alam kung kailan ko kakayanin.

“Bella, tayo pa naman, ‘di ba? Hindi tayo nag-break, Bella, ‘di ba… tayo pa rin.” nakita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Dancel.

Napaiwas ako ng tingin. Iniwan ko siya sa harapan ng school, kaagad akong sumakay sa sasakyan namin, doon ibinuhos ang mga luhang hindi ‘ata nauubos. Nakakapanghina. Nakakabaliw.

It Only Happens in the StoriesМесто, где живут истории. Откройте их для себя