33

62 10 0
                                    

Chapter 33

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Chapter 33

“Huwag ka munang lalapit.”

Napa-upo dahil sa utos ng babaeng kaharap ko. Alam kong naguguluhan siya kung bakit may lalaki sa kwarto niya, maging ako’y hindi malaman kung paano ako napunta rito. Naging malalim ang paghinga niya, bakas sa mukha ang pag-iisip. Naguguluhan, pareho kami ngunit hindi ko na lamang pinahahalata.

“Paano ka napunta rito?” mahinahon ngunit madiin ang pagtatanoong niya, parang kaya niya akong kainin ng buhay.

“I-I don’t know.” pagsasabi ko ng totoo, hindi ko rin talaga alam.

May tinanong pa siya. Ang dami niyang tanong. Isipin ba namang may powers ako, sa ganitong panahon uso pa ba sa kaniya ‘yun? Tumayo ako para umalis na, pero pinigilan lang niya ako muli, ang dami niyang sinasabi, nakakarindi. Nakatayo pa rin ako sa harapan niya.

“You know what Ysabella---“

“Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka ‘no!” mabilis na sabi niya dahilan para matahimik ako.

Sa halip na sumagot ay itinuro ko na lang ang isang pangalan na nasa pader ng kwarto niya. Sa tingin ko’y ayun ang pangalan niya at tama ako. Muli kong sinabi sa kaniya na hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto niya, tapos ang isasagot lang niya sa akin, magic. Psh, ano siya, grade school student? Naniniwala talaga siya sa mga ganoong bagay?

Hinayaan ko na lang siya. Nagsimula ulit akong maglakad ngunit muli niya akong hinarang, napaangat pa ang kilay ko nang maramdaman kong inaamoy niya ako, ang lakas ng loob. Nagpumilit akong lumabas, pero ayaw niya akong payagan na lumabas sa kwarto niya. Hindi ko siya maintindihan.

“K-Kapag lumabas ka siguradong makikita ka ng mga tao sa ibaba, for sure nandoon si Mama at baka kung anong isipin niya kapag nakita ka niyang lumabas mula sa kwarto ko, kaya huwag ka munang umalis.” ang dami niyang sinabi.

“I see, so, anong gagawin natin?” nakita ko ang pag-angat ng kilay niya dahil sa sinabi ko.

“Hoy, ang bastos ng tanong mo!” hinampas pa niya ang dibdib ko, psh, pasimple pa.

Ako pa ang bastos? Siya ‘tong nag-iisip ng kakaiba sa sinabi ko. May sinabi pa siya at ilang sandali pa’y may narinig kaming katok mula sa labas ng kwarto niya, may boses din ng isang babae. Ginigising si Ysabella. Ito namang babaeng ‘to halatang-halata ang pagkataranta, pinapasok pa ako sa CR ng kwarto niya, pambihira.

“Huwag kang aalis d’yan hangga’t hindi ko sinasabi, okay? Okay!” utos  niya sa akin.

Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa trip niya. Narinig ko pa ang pag-uusap nila ng tao sa labas ng kwarto niya, Mama niya siguro. Ilang sandali pa’y umalis na ang kausap niya, tapos narinig kong may kinakausap si Ysabella, hindi ko alam kung sino, marahil ay may tinawagan. Natapos siya sa pakikipag-usap at muli akong hinarap, kaagad akong lumabas mula sa CR niya.

It Only Happens in the StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora