11

101 10 0
                                    

Chapter 11

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 11

Katatapos lang ng klase namin at palabas na kami ng classroom ni Laurie nang tawagin ako ni Dancel dahilan para matigil kaming dalawa.

“May pupuntahan ba kayo ngayon?” pagtatanong ni Dancel dahilan para mabuo ang malaking ngiti ni Laurie.

“Gagawin namin ‘yung photo manipulation na assignment ni Sir Arturo, bakit?” pagsagot ko naman kay Dancel.

“Saan, sa bahay niyo ba?” tanong niya muli.

Napalingon naman ako kay Laurie nang sagutin niya ang tanong ni Dancel.

“Sa Metamorphosis Café, bakit, sasama ka ba?” nakangiting sagot ni Laurie.

“Dancel, let’s go.” napalingon naman kami kay Keem na palapit kay Dancel.

“Susunod ako pagkatapos namin ni Keem.” nakangiting sabi niya. “I-tetext na lang kita, Bella, okay? Mabilis lang kami.” sabi pa niya sa akin.

“O-Okay.” nakangiti namang sabi ko.

“Nako, Dancel, ingat ka ha, uso kasi ngayon ‘yung mga sumisipsip ng dugo.” makahulugang sabi naman ni Laurie habang deretsong nakatingin kay Keem.

“May gusto ka bang sabihin, Laurita?” maangas na sabi ni Keem dahilan para mamayani ang inis ni Laurie.

“Ang kapal ng mukha ko na tawagin ako sa pangalang ‘yan!” sigaw naman ni Laurie dahilan para kaagad ko silang awatin ni Keem, maging si Dancel ay nagulat din sa mabilis na nangyari.

“Sige na, mauna na kayo, Dancel.” mahinahon na sabi ko.

“Tama! Tara na Eudi!” mataray naman na sabi ni Keem dahilan para magulat ako, anong tawag niya kay Dancel?

“Sorry about that, Laurie, pagsasabihan ko na lang siya.” sabi naman ni Dancel kay Laurie matapos ay nilingon si Keem na naglalakad na palayo.

“Magingat ka sa babaeng ‘yun, malakas ang kamandag noon!” sabi pa muli ni Laurie.

“Hindi kita ma-gets, pero sige mag-iingat ako, Laurie.” nakangiti namang sabi ni Dancel. “I need to go, para matapos ‘agad kami.” baling naman sa akin ni Dancel.

“Mag-text ka ha.” mahinahon na sabi ko sa kaniya.

“I will.” nakangiting sabi niya. “Kung gusto mo mag-video call pa tayo habang ginagawa namin ‘yung photo manipulation eh.” dagdag pa niya dahilan para maramdam ako ng hiya.

“Hindi na kailangan ano ka ba, sige na baka naghahasik na nang sama ng loob si Keem.” natatawang sabi ko pa bago tuluyang magpaalam si Dancel.

“Sis, ang ngiti mo mula rito sa QC abot hanggang Antipolo! Kilig na kilig ka naman!” pang-aasar naman ni Laurie nang magsimula kaming maglakad.

“Ang OA mo ha! Hanggang Antipolo talaga?” natatawang sabi ko dahilan para matawa rin siya.

Natigil naman kami sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harapan namin si Liam at Gab habang pababa kami sa hagdan.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now