22

67 6 2
                                    

Chapter 22

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 22

This is it, pansit! Ito na ang pinakahihintay na araw ni Laurie at ng mga estudyante ng CSB, ball is waving to us! Nag-wave back na naman ako, pero hindi ko mafeel ang excitement at hindi ko alam kung bakit. Mula pagkagising ko kaninang alas-nuebe ay hindi pa rin ako umaalis sa higaan ko, wala naman kasi kaming pasok at wala naman din akong gagawin kung hindi ang hintayin ang oras ng ball namin.

Wala ako sa mood sa mga lumipas na oras mabuti na lang at tinawagan ako ni Laurie nang magising ako para i-cheer up ako, as expected ay super excited siya, niyaya pa nga niya ako na magpunta sa isang parlor para daw magpa-fresh, pero napili kong magpa-home service na lang. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang tinawagan kong magfa-facial sa akin, napilitan lang ako na gawin ito dahil kay Laurie, push na push kasi siya na dapat ay pangmalakasan ang look namin ngayong gabi.

Ang mga dalawang oras na lumipas ay ginugol ko lang sa pagpapa-facial, pedicure at manicure na rin, hindi naman ako nagsisi sa ginawa ko dahil talagang naging fresh ang pakiramdam ko at kahit papaano ay nakaramdam na ako ng excitement para sa ball mamayang gabi. Nakatambay lang ako sa salas namin habang pinagmamasdan ang gown ko na kararating lang, tuwang-tuwa naman si Ate Kristine nang makita ang gown ko, ang dami pa niyang papuri na siguradong bagay na bagay raw iyon sa akin.

Mabilis na lumipas ang oras, ala-singko ng hapon nang dumating si Mama galing sa CSB, taon-taon kasi ay may party ang mga alumni ng school, hindi required pero kung hindi naman busy ay hinihikayat na umattend, at isa si Mama sa umattend doon. Napakaraming kwento ni Mama tungkol sa party nila, nagiging reunion na rin kasi iyun kahit papaano, tuwang-tuwa siya na makita ang mga dating kaklase na successful na rin katulad niya.

“Ano, excited ka na ba para mamaya?” nakangiting tanong sa akin ni Mama habang hinahaplos ang gown ko na nasa mannequin.

Sandali akong natahimik matapos ay nakangiti siyang tinapunan ng tingin.

“Yes, Ma. Last ball ko na ‘to eh.”

“That’s right, enjoyin mo lang ang gabing ito dahil magiging sobrang memorable nito para sa katulad mo.” nakangiting sabi niya matapos ay napalitan ng seryosong tingin ang emosyon. “Kumusta ang date mo? Susunduin ka ba niya rito?” natigilan naman ako sa tanong ni Mama.

Mabuti na lang at narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko dahilan para doon matuon ang atensyon ko.

From: Liam
Can’t wait for the ball. See you later! :>

May parte sa akin na ibang tao ang inasahan na pangagalingan ng mensahe ngunit napangiti na rin ako dahil sa effort ni Liam. Muli ay natuon ang atensyon ko kay Mama na tinawag ako. Inutusan na niya akong mag-ayos na dahil isa’t kalahating oras na lang ang natitira bago ang ball.

Habang abala sa pag-aayos ay halo-halong ideya ang nasa isipan ko, hindi ko alam kung saan dapat ako magfofocus. Hindi maalis sa isipan ko ang tanong ni Mama, hindi naman importante na may date ako ngayong gabi, matutuloy naman ang ball kahit wala akong date, pero bakit pakiramdam ko ay may kulang talaga.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now