kabanata 5

4.3K 132 2
                                    

Problemado ngayon si Mallari. Tadtad ang kanyang school papers ngayon dahil sa liban nya sa ibang klase nya. At para makahabol sa talakayan ay kailangan niyang tapusin iyon lahat ngayong araw. Kanya kahit uwian na ay nandoon parin siya sa silid aklatan ng Xladest Academy.

Ngunit hindi lang iyon ang kanyang problema dahil ang isa sa kanyang guro sa mga asignatura nya ay walang iba kundi si Mr. Darth Lucas Donovan. Ang lalaking ama ng musmos. Oo ito nga. Naalala nya pa ng unang beses itong pumasok sa loob ng silid nila.

Namutla sya ng pumasok ito sa kanilang unang klase nila at nagpakilala bilang kanilang guro.
Hindi magkamayaw ang mga kaklase niya sa kakatili hanggang sa magpakilala ito. Panay pa ang kakatanong ng mga ito sa personal nitong buhay. Mas lalong nagkagulo ang mga babae nyang kaklase ng malamang 27 palang ito at walang girlfriend.

Pero may anak. Aniya sa isip.

Tahimik lang sya sa kanyang kinauupuan hanggang sa matapos ang klase. Batid din nya na kahit kausao nito ang mga kaklase nya ay sa kanya nakapukol ang mga mata nito. At bago ito lumabas ng kanilang silid ay nagawa pa nitong kindatan sya nang magkasalubong ang mga mata nila. Agad namula ang mukha niya sa ginawa nito, ngunit naroon parin ang kabang nararamdaman sa tuwing malapit ito.

Samantala, ngayon halos dumugo na ang utak niya kakagawa ng school works niyang naiwan kahit pa kakaumpisa niya palang, paano ay napakarami. Wala rin syang kasama ngayon, pinauna na nya si Olivia kahit pa gusto syang sabayan nito umuwi. Isa pa iyon hindi rin sya tinigilan sa kakakwento sa kagwapuhan ng guro nila. Nakakainis at nakakarindi kasi alam nya iyon. Nakita naman nya e. Hinihingi pa nito ang opinyon nya. Pinahiwatig nalang nya na hindi kagaya ng tingin nila ang tingin nya dito. Ngunit sa loob nya alam nyang tutol sya doon.

At sa wakas natapos na din niya ang napakaraming gawain niya. Mag aalas-sais na nang matapos sya. Ipinasa naman kaagad niya ang ginawa sa guro sa faculty. Nahinto sya ng makita sa faculty si Darth. Gabi na at narito parin ito hindi umuuwi. Marahil ay marami ring tatapusin.

Napaangat ang tingin nito mula sa ginagawa papunta sa kanya. Agad syang napaiwas sa mga tingin nito. Naglakad na sya papunta sa mesa ni Ms. Palma at binigay na ang papel at nagpaalam na. Mabilis at nakayuko syang naglalakad palabas ng tawagin sya ni Darth.

"Wait me." Anito. Nakita nyang nag aayos na ito ng mga papel at kinuha na ang case nito.

"Reena gotta go. Umuwi kana rin." Paalam nito Kay Ms. Palma.

"Bye, ingat." Walang angat ulo nitong sagot. Mabilis na hinila sya ni Darth palabas ng kwarto na kinagulat nya ng sobra kaya nagawa nito ang gusto, ang kaladkarin sya papunta sa may parking lot ng eskwelahan.

"Get in." Utos nito sa kanya. Nagtataka man sya sa inasta ay hindi nya alam bakit sumunod nalang sya.

"Bakit?" Tanong nya ng hindi pa nakakapasok sa kotse.

"It's late already. I can drive you home." Anito. Pinagbuksan  pa sya nito ng pinto. Hindi na sya tumutol pa at pumasok na.

Tahimik nilang tinatahak ang kahabaan ng daan. Ngunit hindi nya alam kung alam ba nito ang daan papunta sa bahay niya.

"You need to go home everyday." Basag nito sa katahimikan. Napatingin sya rito nang marinig ang walang atubili nitong tinuran.

"What? Everyday talaga? Hindi ba pwedeng every weekends. may pasok ako remember?" Mabilis nyang sambit. Ramdam na naman nya pamilyar na kabavsa tuwing malapit ito.

"Grey wants you everyday. Gusto nya makita ka lagi. It's either you go in my house everyday or live with us." Anito. Natahimik sya sa sinambit nito.

"Remember? You promise to him." Dagdag pa nito.

Hindi niya naman nakakalimutan iyon pero kailangan pa ba talaga na doon sya tumira? Pwede naman siguro na dalaw dalawin nalang niya ang bata kapag may libre syang oras.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now