Kabanata 35

2.3K 65 0
                                    

Kasalukuyan nyang pinupunasan ng bimpong nilublob sa maligamgam na tubig ang mukha ni Darth. Mahimbing na ito ngayong natutulog sa kama nito.

Medyo napagod din sya dahil mag-isa lang naman nya ito binuhat paakyat. Kahit nabawasan ang timbang nito ay mabigat parin. Ayaw nya na kasing abalahin ang ibang kasama nito sa mansyon.

Tahimik nyang pinagmamasdan ang napakaamo at napakagwapong mukha nito. Pansin nya sa katawan at mukha nito ang pagiging miserable. Kumapal na konti ang buhok nito, hindi na rin ito nagbabawas ng tumutubong bigote nito. At ang braso nito ay Hindi na kasing laki nung huling kita at haplos nya rito. Ngunit kahit nagkaroon ng pagbabago ay hindi man lang nabawasan ang kakisigang taglay nito at ang pagmamahal nya dito.

Napangiti sya sa isiping mahal nya ito. Sigurado na sya sa nararamdaman nya. Wala na syang pag-aalinlangan. Mahal nya ito sobra, yun ang katotohanan.

Ngunit alam nyang panandalian lang lahat sa kanila. Hindi sila maaaring magsama, bawal at Hindi pwede.

Ito ang asawa ng ate nyang yumao. At ayaw dito ng ama nya. Masakit mang isiping ngunit ayun din ang katotohanang pilit sa kanyang isinasampal ng sarili nyang isip.

Kaya susulitin nya na ang bawat oras na kasama nya ito. Ipaparamdam nya dito ang pagmamahal nyang walang kapantay sa bawat minutong meron sya.

Hindi nya namalayang nakatulog na sya sa bisig nito.

...

Nagising siya sa sikat ng araw na tumama sa mukha nya. Kinapa nya ang kama at napag-alaman nyang mag-isa lang sya run. Napadilat at upo tuloy siya ng wala sa oras. Dali-dali syang tumayo sa higaan at bumaba ng hindi man lang tumingin sa salamin ng sarili nya.

At nag-usok bigla ang ilong nya sa nakikitang eksena. Ke- aga aga nitong lumandi sa linta. At ang pesteng Daniella daig ang ahas sa pagpulupot kay Darth!

Mabilis nyang tinungo ang kinatatayuan ng dalawa. Hinatak nya ng malakas sa linta si Darth. Parehong nagulat ang dalawa sa ginawa nya.

Tinignan nya ng masama ang dalawa. Pero mas mabagsik ang pagkakatingin nya sa lintang ito na ngayon ay ngingiti- ngiti.

"Hindi mo nasabi sakin Darth na pulubi na pala dito sa Manson niyo, hahaha!" Aniya nito habang tumatawa ng mala- kontrabida sa isang palabas.

"Kapag Hindi ka umalis dito ngayon sa harap ko pagbilang ko ng tatlo, makakatikim na ng kamao ko. Isa, dalawa..." Mariin nyang sambit.

"Hahaha! Bye babe, see you later. Muwah!" Aniya nito na tila lalong nag-iinis.

Nang makalayas ito sa harap nila ay hinarap nya ang lalaking nasa tabi nya ngayon na ngingisi- ngisi.

"Ano? Kagabi lang magkatabi tayo sa kama tapos ngayon nakikipaglandian ka na sa babaeng yun, gusto mo talagang makatikim sakin noh!" Bulyaw nya. Pero imbis na matakot ito sa kanya ay mas lalo lamang lumapad ang ngiti nito.

Hinatak sya nito sa kamay paakyat sa kwarto nito na kinabigla nya. Pagkapasok nila sa kwarto ay hinarap sya nito sa malaki nitong salamin.

At nanlaki ang mata nya ng makita nya ang kanyang sarili sa malaking salamin na iyon.

Sobrang gulo ng buhok nya na animo'y sampung taong di nagsuklay. Ang mga mata nya ay sobrang singit dahil sa pamamaga. At linggid sa Kenya na naka-manipis lang sya na Sandi at walang panloob.

Mabilis syang napatakip sa kanyang dibdib gamit ang dalawa nyang kamay. Shit! Nakita na ba nito? Bakit ba naman kasi nagtanggal sya bago natulog eh, paano nangyari kagabi habang makatabi sila, nahawaka---

"You're so damn sexy..." Tila paos nitong sambit sa tenga nya. Nagtaasan ang mga balahibo nya sa katawan ng dumampi ang hininga nito sa balat nya at nang ipatong nito ang dalawang kamay nito sa magkabilaan nyang braso.

"P-pisti k-ka! huwag mo ko dinadaan saa style mong yan, makakatikim sakin!" Aniya dito ngunit sa kanyang loob ay nakakaramdam na sya ng kaba.

"Hahaha!" Tawa nito sa ekspresyon nya. Nanigas sya sa kinatatayuan nya ng pumulupot ang mga braso nito sa beywang nya.

Ramdam nya na ang paghihina ng tuhod nya at pamumula ng mukha nya. Daig pa nya ang nakakita ng multo sa paglaki ng mga mata nya.

Kaba? Kinakabahan sya? bakit?


PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now