kabanata 4

4.2K 134 0
                                    

Magaan ang loob ni Mallari ng makalayo sa eskwelahan ng walang nakakakita sa kanya. Patawid na siya ng biglang may humintong Lamborghini sa harap nya. Nanlaki ang mata nya sa gulat. Muntik na sya roon. Kaya naman sa inis nya ay hinampas nya ng bag ng ang kotse.

"Hayop ka! lumabas ka dyan. Papatayin mo pa ko!" Sigaw nya rito. Dahan dahan namang bumaba ang tinted na bintana nito. Napasinghap sya ng makilala ito. Nakakalokong ngiti naman ang iginawad nito sa kanya.

"Here you are darling." Nakangisi nitong sambit. Nakita niya pa ang pagkagat nito sa ibabang labi. Napalunok sya. Ginigigil na sya nito sobra sa kakulitan nito.

"Ikaw na naman! Ayaw mo talaga akong tigilan. Sinabi ng wala kang mapapala sakin kaya pwede ba maghanap ka nalang ng iba!" Sigaw nya. Hinihingal pa sya pagkatapos ng sinabi nya.

"I'm sorry darling, but my baby wants nothing but you." He said mockingly.

Nauubos na ang pasensya nya sa lalake kaya naman plano nya nang murahin ito ng biglang may sumigaw sa likod ng kotse nito.

"Hoy! Humahaba traffic sa inyo!" Sigaw nito. Natakot sya sa madilim na tinging ipinupukol nito. Malaking mama ito kaya malamang kaya nitong durugin sya. Dumoble lalo ang takot na nadarama nya sa naiisip.

Narinig nya ang pagbukas ng kotse. Napalingon sya rito. Nangangatog na ang mga tuhod nya.

"Get in." Utos nito na agad niyang sinunod sa hindi malamang dahilan. Mabilis naman nitong pinatakbo ang sasakyan.

"Bakit mo ba ako dinala dito huh? Kung pipilitin mo na naman ako sa proposal mo pwes uulitin ko, ayoko!" Mariin niyang sambit ng mapahupa ang naramdaman kanina.

Napasuklay ang dalawa nitong kamay sa buhok. Napalunok naman sya. Pinipilit ang sarili na huwag maapektuham sa karisma nito. Patibong iyon sa kanya. His moves are smooth and breathtaking.

"Look, I really need your help. Marami na akong pinakilala sa anak ko pero wala syang nagustuhan kahiy isa bukod sa iyo. Ikaw lang ang gusto nya. He can't stop crying to me. He wants you, and he even called you to his dreams." Halata sa himig nito ang pagkaproblemado. Nakaramdam sya ng parang mabigat sa kanyang puso. Bumalik sa kanyang isip ang unang araw na nakita niya ang musmos.

Ngunit alam nyang hindi talaga ito maaari. Mabigat ang hinihingi nito sa kanya, at hindi nya naman kilala ang dalawang ito.

Nanigas sya sa kinauupan nya nang magulat sa ginawa nitong paghawak sa kamay nya. Dumako ang mata nya roon. Agad nyang binawi ang kamay at nag-iwas ng tingin. Ang bilis ng kalabog ng puso nya.

"Please!" Pagsusumamo nito.

"Ah-eh...".Hindi malaman ang dapat isagot dito. Naguguluhan sya.

Napalingon siya nang marinig ang pagtunog ng cellphone nito. Agad nitong sinagot ang tawag. Pinagmasdan nya ito.

He took my breath away swiftly. Aniya sa sarili.

Napalingon ito sa kanya kaya nagkasalubong ang mga mata nila. Agad naman siyang napaiwas.

"Yes. Why? What happened? Alright, I'm coming now. Thank you." Rinig nyang sagot nito sa kausap.

Nang matapos ang tawag ay agad syang nagsalita kahit hindi lumilingon pa.

"Kailangan ko ng umuwi. Ibaba mo na ko rito." Aniya.

"You need to come with me." He said without hesitation.

Napatingin sya dito sa inis.

"At bakit?" Naiirita nyang sambit.

"I need you. My son needs you." He said while not stop driving.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now