kabanata 31

2.4K 67 0
                                    

Lumipas na naman ang isang linggo na hindi na hindi nagtatagpo ang landas nila Mallari. Kaya napagdesisyunan niya na puntahan ito. Ibabalik niya na ito sa mansyon.

Lagi syang tinatanong ni Grey kung kailan uuwi si Maalari, tanging ang salitang 'soon' lang ang isinasagot niya.

Sinadya nyang hindi pumasok ng Xladest ngayon. Nasa harap na sya ng bahay ni Mallari. Sinadya nyang tanghali na pumunta duon para siguradong n aroon na talaga ito. Hindi niya pa nakikita muli si Mallari simula ng umiwas ito. Masakit sa kanya na kaya ni Mallari na magpatuloy ng buhay kahit wala sya.

Bumaba na sya ng sasakyan at tyaka kumatok. Tatlong katok lang at may nagbukas na. Nagulat siya ng mapagsino ang lalaking nasa harap niya ngayon. Nakabawi lang sya sa pagkagulat ng tumalsik sya sa pagsuntok nito. Ang ama ng ina ng anak niya. Si Mr. Manuel Alcantara.

"Anong ginagawa mo dito?" Nangingitngit na sambit nito.

"Tay, sino yan?" Mula sa likod nito lumabas ang ina ni Mallari.

"Oh? Diba ikaw ang guro ni Mallari na naghatid sa kanya noon?" Aniya nito.

"Kilala niya ang anak natin?" Tanong ng Mr. Alcantara.

"Oo, guro sya ng anak natin."

"Yang lalaking yan ang dahilan kung bakit namatay si Gregina." Bulgar nito. Halatang nagulat ang babae sa narinig.

"Kung gayon sya ang nakabuntis sa anak mo nuon?" Hindi makapaniwalang sambit nito.

Hinarap sya muli ng ama ni Gregina at dinuro.

"Umalis ka na kung ayaw mong ipadampot kita sa barangay." Banta nito.

Tumayo sya at hinarap ito.

"Kailangan ko po makausap si Mallari." Sa wakas nakapagsalita narin sya.

"Umalis ka na at tantanan mo ang anak ko." Pumasok na ang mag-asawa at sinarhan na sya ng pinto. Kinatok niya ng kinatok ang pinto

"Ser, mahal ko po ang anak niyo!" Napasabunot nalang sya sa buhok niya.

Iisa ang ama ng dalawang babaeng minahal at minamahal ko...

.

.

Samantala ay napalabas naman ng silid nila ng kapatid niya si Mallari ng tawagin sya ng ama niya.

"Bakit po ta--"

"Lilipat ka na ng eskwelahang papasukan." Diretsong sambit nito.

"B-bakit po tay?" Nagtataka nyang tanong sa biglaang desisyon nito.

"Huwag ka ng magtanong, bukas din hindi ka na papasok sa Xladest."

"Pero tay--"

"Wala ng pero pero." Pagkatapos sambitin iyon ng kanyang ama ay pumasok na ito sa sariling silid.

Nagugulahan si Mallari. Wala syang kaalam-alam sa mga nangyari.

"Anak sundin mo nalang ang tatay mo." Sambit ng ina nya. Tinapik pa sya nito sa balikat.

"Nay, malapit na po matapos ang unang taon ko, tapos palilipatin po kaagad ako ni tatay. Hindi ko na po maintindihan. Ano po bang nangyayari?" Aniya.

Napabuntong hininga sya. Hinaya sya nito papaupo sa kanilang sopa.

"Pinapalayo ka ng ama mo sa lalaking iyon." Panimula nito. Mahinhin itong nagkwento.

"Kanino po?" Tanong niya. Atat na sya malapit. Kung bakit ba naman kasi ang bagal ni nanay magsalita e! Aniya sa isip.

"Naaalala mo ba ang guro mo na naghatid sa iyo nuon pauwi ng bahay ng minsang gabihin ka?" Ani nito. Biglang bumalik sa kanya ang alaalang iyon, si Darth ang tinutukoy tiyak ng ina niya.

Hindi sya nagsalita, hinintay lang niya magtuloy sa pagkwento ang kanyang nanay. Muling bumuntong hininga ito.

"Iyon ang lalaking, nakabuntis sa yumaong anak ng ama mo." Anas nito pagkatapos pumikit ng mariin.

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito, hindi niya kasi naintindihan ang tinuran nito.

"M-may kapatid kayo sa labas, si Gregina. At p-patay na sya." Pagbulgar nito.

Tila may sumabog sa kanyang buong pagkatao sa narinig. Nanlamig sya. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Para syang naestatwa sa narinig at tanging paghinga at tibok lang ng puso niya ang kanyang narinig.

"Ba-bakit po s-sya... namatay?" Gusto nyang makumpirma ang nabubuong konlusyon sa kanyang isip.

"Hindi kaya ni Gregina na magdala at magsilang ng saggol. Kaya ng malaman ng ama mo na buntis ito ay gusto nyang ipalaglag ang dinadala nito. Ngunit nagtanan ito at ang lalaking nakabuntis dito kaya hindi natuloy iyon. Nakita lang muli ng ama ang anak niya na wala ng buhay sa ospitap dahil mas pinili nitong buhayin ang sanggol." Litanya ng ina niya.

Dumadaan sa proseso ang utak niya sa mga narinig. Nagawa nyang pagtagpi-tagpiin lahat. At para lang sya pinapatay sa loob sa mga narinig, tila pinupukpok ng martilyo ang puso niya.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now