kabanata 21

2.9K 89 0
                                    

Natapos ng maayos kahit papano ang huli nilang labas.Kahit inis sya sa ama ng musmos ay masaya parin sya dahil napasaya niya rin ng sobra si Grey.

Hating gabi na. Pinapatulog niya na si Grey sa pamamagitan ng paghaplos sa buhok nito habang umaawit ng hmm.

Ngayon na ang uwi niya.Ayaw man nyang mahiwalay sa musmos dahil napamahal na sa kanya ito ay wala syang magagawa. Kailangan nyang umuwi sa mga magulang nya.

Napabuntong- hininga sya ng malalim.Hanggang ngayon ay hindi parin niya nasasabi sa kanyang nanay at tatay si Grey. Nakokonsensya na sya pero natatakot kasi syang baka tutulan ng magulang niya ito gayong nag- aaral sya.

Nang masigurado nyangahimbing na ang musmos ay humalik na sya dito bago tumayo.Hindi na sya magpapaalam dito dahil baka pigilan din sya nito.At alam niya sa sarili niya na pagginawa nito iyon ay hindi sya makaalis.

Lumabas na sya sa kwarto nito para kunin ang maletang naglalaman ng gamit niya.Nakaimpake na kasi sya kanina pang umaga bago sila umalis.

Nakita nyang nakaupo sa sala si Darth sapo ang mukha ng mga palad ng bumaba sya.Pakiramdam niya namomoblema ito.Natural, dahil paano nga naman ito magpapaliwanag sa anak kapag hinanap na nito siya pagkagising.

"Darth aalis na ako." Paalam niya.

Nang marinig iyon ni Darth ay nag- angat ito ng tingin.Tumayo at lumapit sa kanya.

"Kailan ka ba babalik? O should I say... Babalik ka pa ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Nagkasalubong ang mga mata nila.Nakikita niya sa mata ni Darth ang paghihirap at sakit.Nagsusumamo ang mga ito.Nag- iwas sya ng tingin.Hindi niya kayang makita ito na nahihirapan, dahil pati sya ganoon din ang nararamdaman.

Kailan nga ba? Makakabalik pa nga kaya ako? Tanong niya sa sarili.Maging sya ay hindi alam ang isasagot.

"Ewan ko, hindi ko alam..." Tanging nasagot niya.

Nagyuko sya ng ulo.Nagulat sya sa ginawa nito.Hinila sya nito sa isang kamay palapit dito.Saktong lumanding ang labi niya sa labi nito.

Nagulat ngunit kalaunan ay napapikit na sya.Nangungusap ang mga labi nito.Ramdam niya ang pagwawala ng mga mikro-organismo sa kanyang tyan.Ang takbo ng puso niya ay tila may hinahabol sa sobrang bilis.Nanlalambot ang mga tuhod niya.Humawak sya sa balikat nito bilang suporta para hindi matumba.

Ngayong araw ay napansin niya ang pagbago- bago ng nararamdaman niya.Kanina ay ang parang mamatay sya sa sobrang bigat ngayon nama'y para syang lumulutang sa langit.Nagbibigay ng sobrang kagalakan sa kaibuturan niya.

Si Darth ang naunang humiwalay ng labi pero ang noo nito ay isinandal sa noo niya.

"I love you." Mahina, malamyos, at tila paos na sambit nito.

Malinaw sa pandinig niya ang mga sinambit nito.Hindi niya alam ang isasagot.Pumikit nalang sya at nanahimik.

Kahit hindi magawang sumagot ay napangiti sya.Pakiramdam niya nagsasayaw ang mga anghel dahil sa saya.

"Its okey if you not answer me now.I'll wait." Aniya nito.

Dumilat sya at tinignan ito.

"May nararamdaman na akong kakaiba pero hindi ako sigurado.Kaya..." Aniya at muling dinampian ng sandaling halik ang labi nito.

"I know."

Nagkaintindihan sila sa pagngiti sa isa't isa.

Hanggang sa sakayan ng dyip lang sya nagpahatid kay Darth. Tutal ay hindi madadaanan ng sasakyan nyang dyip ang bahay niya.Gusto man sya nitong pigilan ay hindi na nito nagawa.

Unang araw palang ay nami- miss na kaagad niya ang mag- ama.Nag-aalala sya.Hindi niya maalis sa isip niya ang mga ito.Kung nagising na ba ang mga ito? Nakakain na kaya ang mga ito? May nag- aasikaso kaya dito? Ano kayang ginagawa ng mga ito ngayon? Napainom na kaya ni Darth si Grey ng gamot nito?

"Ano ka ba ate,mayaman sila.Tyaka hindi pababayaan nun ang anak niya." Sambit ng kapatid nyang nahihilo na sa kakalakad niya.

Kinalma nya ang sarili.Inisip niya na lamang na masaya ang mga ito ngayon.Naglalaro.

E paano kung lumalandi na naman si Darth? Biglang sumagi sa isip niya iyon.Natiim niya ang bagang niya at nayukom niya ang kanyang kamao sa inis.Iniisip pa lang niya na nakikipaglandian ito at napapabayaan ang anak nito dahil duon nag- iinit na ang dugo niya ano pa kanya kung totoo.Mapipilipit niya talaga ang leeg ni Darth kapag nangyari iyon.

Lumipas ang mga araw.Inabala niya ang sarili sa paghahanda at pamimili ng kung ano-ano kasama si Kelly.Si Olivia kasi sa bagong taon pa babalik sa Manila.

Ngunit kahit anong paglilibang ang gawin ay hindi parin nawawaglit sa isip niya si Grey at Darth. Dumating pa sa puntong umiyak sya ng gabi.Hindi sya makatulog kaka- alala sa mag- ama.Mabuti na lamang ay nandyan si Miranda- ang kapatid niya para patahanin sya.

Hanggang sa sumapit ang Disyembre 24. Mamayang gabi ay bisperas na.Gustuhin man nyang pumunta sa masyon para kahit sana batiin at ibigay ang regalo niya sa mag- ama man lang ay hindi niya magawa.Hindi sya makatakas sa bahay dahil maraming dapat again at baka rin kasi hindi na sya makauwi.

Hay! she terribly missed the two...

...

Halos hindi na alam ni Darth ang gagawin sa anak niya.Simula kasi ng gumising ito na hindi nakita si Mallari ay naging tahimik na ito, laging malungkot at sa gabi ay bago matulog ay iiyak habang sinasambit ang mommy .Hindi nga niya alam ang sasabihing paliwanag sa pag- alis ni Mallari dito.

Nag-aalala na sya sa anak niya.Kamakailan lang din ng atakihin ito ng sariling sakit.Sa tuwing nagtatanong ito kung nasaan at kailan uuwi ang kinikilalang ina ay laging " she'll be back soon." lang ang naisasagot niya.

Hindi lang naman ang anak niya ang nangungulila. Maging sya ay nararamdaman din iyon. Sa araw- araw na gumigising sya sa umaga ay lagi nyang hinahanap si Mallari, tapos madidismaya kapag naalala nyang umalis nga pala itoagmumukmok sandali at aaluhin muli maghapon ang anak niya.Araw- araw niya ng gawain iyon simula ng umalis si Mallari.At masakit iyon sa parte niya.

Mamayang gabi ay bisperas na.Isang umaga na namang wala si Mallari.Kanina pa sya gising ngunit hindi pa sya tumatayo sa napakalaki nyang kama.Nakahiga lang sya, naka- tingin sa kisame.Tulala sa kawalan.Hindi niya alam kung anong gagawin ngayong araw at ayaw niya rin kumilos.Pero dahil sa nag-aantay nyang anak ay tumayo parin sya.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now