kabanata 49

628 19 0
                                    

Note: Reread chap 47 and 48 I add some parts there.

Nilalagpasan lang ni Grey ang babae kahit pa kita nya ang pagtitig nito sa kanya. Sinusundan siya ng mga tingin nito kung saan siya magpunta at pinagmamasdan maigi ang mga maliliit nyang galaw. He was annoyed. Ayaw na ayaw nya sa lahat ang pagtingin sa kanya ng matagal at malalim. Ayae nyang nakakakuha ng atensyon ng iba. Ngunit ayaw naman nyang magsalita pa ng hindi maganda. Napagsabihan narin kasi sya ng ama nya kagabi.

He knew what he did last night was very bad especially the woman. Hindi naman talaga sya ganon. He used to be silent. No care in his surroundings. Although he has friends, meron pa rin sya matatawag na espasyo para sa sarili lang nya. Yes, he isolate himself because he thinks it's good to be alone, no complications. Less interaction, less awkward moments for him.

Sa school naman nya ay ganun din. He is mysterious lonely guy kapag wala ang friends nya. At ok sya dun. Ngunit hindi pa rin talaga maiiwasan na magustuhan sya ng mga mayayaman nyang kaeskwela na lantaran ang pagpapakita ng paghanga sa kanya. He is only 11 for Pete's sake, and this rich girls are so aggressive.

Kaya noon pa ay hindi siya natutuwa rin sa mga babae, lahat kasi sila ay nakakairita. Yun lang naman ay sa kanya.

He doesn't care to everyone. Yun ang point nya.

...

Darth explained to Mallari that he told his son about her. Although he knew kung bakit ganon ang inasta ng anak. Hindi nya rin masisi ito. Dumating din kasi sya sa puntong iyon, kaya naiintindihan nya kung bakit. Kaya kahit alam nyang mali ay hindi nya nagawa pa itong pagalitan.

His son is always a good boy. Sadyang minsan mas pipiliin lang talaga nito ang mapag isa. He as a father, of course he respect his son's personal space.

Samantala batid nya ang pagmamasid ni Mallari kay Grey. Bakas sa mata nito ang pananabik mayakap at makasalamuha ang anak nya. Kahit ganun ang trato ng anak nya sa babae- parang wala lang ito- he knows darating din ang punto na magiging ok din ang dalawa. They just need some time.

Everything needs a time. Even him.

Naputol sya sa kanyang pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tumayo na sya at lumayo upang sagutin ang tawag.

...

Nakaupo lang sa sala si Mallari, panay ang sunod ng mga paningin nya sa bawat kilos ng anak. Hanggang ngayon nasasaktan parin kasi sya sa ginagawa nitong pag iignora sa kanya. Ngunit hindi na sya makatiis, nang makita nya itong naglabas ng libro at ibang gamit nito sa ekswela ay lumapit ma sya rito.

Lumuhod sya upang makapantay ito. Agad namang nalipat ang paningin nito sa ginawa nya kaya naman isang matamis na ngiti ang iginawad nya dito.

"Wanna help?" She offered.

"No. This is easy." He said cooly. Binalik na sa ginagawa ang atensyon.

Dahil makulit si Mallari, she insisted to do something. Tinignan nya ang ginagawa ng anak, mabuti nalang at math iyon. She is good in Math pa naman. Habang pinagmamasdan nya ang ginagawa ng anak nabibilib sya sa galing nito.

Mana sakin! Aniya sa loob loob.

"Did you know that there's a lot of solution to solve that problem?" She muttered.

"Yeah." Maikling sagot nito.

"Want me to show you?" Aniya pursigidong makuha ang loob ng anak.

"No thanks, tita Reena will tutor me later." He said.

"Ow ok. But maybe I can show you." Aniya sabay kuha ng papel at ballpen na nasa tabi nito. Ngunit nagulat sya ng hablutin nito ang mga hawak nya. Hindi sya nakagalaw dahil don. Naramdaman na naman nya sa loob ang pamilyar na sakit.

"I said I can. I don't need you. Please stop annoying me." He shouted. Agad nitong niligpit ang mga gamit nito at tumayo na. Paalis na sana ito upang iwan sya kahit hindi pa sya nakagagalaw ng biglang may dumating na bisita. Napalingon siya sa pinanggalingan ng mga iyon

It's Reena and the familiar woman. She already saw her, that is a sure thing.

Tumakbo si Grey upang lumapit sa dalawa at bumati. He kissed Reena and smiled to the other one.

"Where's your daddy young boy?" Reena asked.

Nang mapunta ang mga mata nito sa gawi nya ay nakita nya ang panlalaki nito. She smiled to Reena, but Reena doesn't. Hindi pa rin siguro makapaniwala na nandun sya.

"Daddy! Tita is here." Tawag ni Grey sa ama.

Nang mapadako ang paningin nya sa isa pang babae na inaalala nya pa kung sino, kitang kita nya ang diretsang paglapit nito kay Darth. Hindi lamang iyon, agad itong naggawad ng halik sa pisngi ng lalake.

Napaiwas sya ng tingin.

"Iris what are you doing here?" He said.

"I miss you Darth so much. Why aren't you seeing me?" Malanding sambit nito.

Hindi nya nakikita ang ginagawa ng dalawa ngunit naiinis parin sya sa usapan ng mga ito.

"We will go to study room Darth, para matutor ko na si Grey. Let's go?" Reena said. Tumango ang anak nya rito at sabay na silang umakyat. Ngunit bago tuluyang magpatuloy sa pag akyat nagkatitigan pa sila ni Reena ng matagal. Siya na ang unang nag iwas.

"Iris I have a lot of things to do." Narinig nyang sambit ni Darth. Agad namang napadako ang mga mata nya sa dalawa.

Nakalingkis ang babae kay Darth. And that made her irritated so much. Nang magkasalubong ang mga mata nila ay inirapan nya ito. Tumayo na sya upang iwan ang dalawa. Hindi makayanan ang nakikita.

Natatandaan nya na ang babae. Isa ito sa mga kalandian ni Darth.

Wow long term woman nya, huh! She said to herself.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now