Kabanata 37

2.4K 71 2
                                    

"I want mommy *hik* huwaah! *sniff*." Halos madurog ang puso ni Mallari ng marinig nya ang paghagulgol ng musmos. Kahit nasa labas pa lamang sila ay rinig na nya ang ang pagtawag nito sa kanya. Kaya naman talagang napatakbo sya papasok ng bahay ni Reena, hindi alintana ang hiya sa kanyang dire- diretsong pagpasok.
Kita ang gulat sa magandang mukha ni Reena ng makita sya at si Darth. Kasalukuyang pinapatahan ni Reena sa bisig nito ang musmos.
Tinignan nya lamang si Reena at naintindihan na nitong kukunin nya ang humahagulgol sa musmos. Nginitian sya ni bago ibinigay ang kargang bata.
"Huhuhu!" patuloy na paghagulgol ni Grey.
"Grey baby, nandito na si mommy at daddy..." Maamo nyang sambit. Napahinto ito sa pagtangis at dahan dahang tumingin sa kanya.
"Mommy ko!" Masiglang sigaw nito ng masilayan siya. Tumalon pa ito payakap sa kanya. Niyakap nya rin ito pabalik ng sobrang higpit.
Sa kanilang likod ay kitang kita ni Reena ang masayang mukha ni Darth. At mukhang matino na uli dahil neat na muli itong tingnan. Nakapagtanggal na ito ng tumutubong bigote at nakapagbawas na rin ng buhok sa ulo nito. Nakakasilaw na muli ang liwanag sa napakagwapong mukha ni Darth. Napailing nalang tuloy ang kaibigang guro nito.
"I miss you mo- mommy *sniff* !" Aniya ni Grey sa kanya. Napakahigpit parin ng yakap nito sa kanya na tila natatakot na itong humiwalay sa kanya.
"I miss my baby, too." Sambit nya rito. Napakasaya niya ngayon sa isiping kumpleto silang tatlo.
"Hindi mo na kami iiwan ni daddy ah. Kasi daddy and I will cry again." Aniya nito na nagpatigil sa kanya. Ramdam nya sa tinig nito yung pangungulila sa kanya simula ng iwan nya ito noon.
"Ye-yes baby mommy will not leave you and daddy again. Sorry baby." Aniya. Hindi man sya sigurado sa sinambit nyang iyon ay inani nya nalang para hindi na mag alala at magisip pa si Grey.
Hindi muna sila umalis dahil nakipaglaro muna sa kanya si Grey. Halata rito na na-miss nito yung mga araw na nakikipaglaro sya rito at inaaruga nya ito. Nais nyang ibuhos ang lahat ng oras niya kay Grey at Darth ang pagmamahal nya dito sa bawat segundong lilipas. Sisiguraduhin nyang wala syang sasayanging oras.
...
Samantala habang abala ang mag- ina ni Darth sa paglalaro na mukhang walang balak ang mga ito na isali sya ay inaya siya ni Reena na magkape muna.
"Wag mo sayangin ang effort ko sa pagkumbinsi dyan kay Mallari. Nakakatakot pa man din ang ama nya. Isang beses ko lang gagawin yun at hindi ko na uulitin kailan man. Pangalagaan mo huh!" Aniya sa kanya ng kaibigan ng nakangiti. He's really thankful that Reena is his Bestfriend.
"Thank you Reena. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong nasa amin na uli sya. Tatanawin kong napakalaking utang na loob sayo ito. Para ko narin itong pangalawang buhay, you saved me." Aniya ni Darth na kakabakasan ng saya. Hindi rin maalis ang ngiting maaliwalas nito sa malarosas nitong labi.
"Kaibigan kita boy kaya gagawin ko ang magpapasaya sayo, you're like a father and brother to me. Anyway ano nga pala ang plano mo? Linggid naman siguro sayo na ayaw sayo ng ama nya at mukhang ililipat sya ng papasukang university." Aniya nito.
Napabuntong hininga sya. Pinoproblema nya rin iyan. Paano kung bawiin na nito si Mallari sa kanila? Paano kung ilayo nila ito sa kanya, sa anak nya at hindi na ipakita? Kakayanin ba niya? kakayanin ba ni Grey? A big NO!
Hindi na nya hahayaang muling mawalay sa kanya si Mallari. Hindi nila kakayaning mag-ama.
Nabalik sya sa realidad ng muling magsalita si Reena.
"What if itanan mo sya? Unahan mo na ang mga magulang nya sa paglayo sa kanya kaysa dumating muli sa puntong kunin at itago sayo nila si Mallari. Matanda ka na Darth at alam mo na ang dapat gawin. Kung kaya mo naman ng panindigan si Mallari why don't you try?" Mahabang suhesyon nito. Napaisip sya.
Yes! kayang kaya nyang patunayan sa mga magulang ni Mallari na kaya nyang buhayin at mahalin ito. Ang problema lang ay payag naman kaya si Mallari sa magiging desisyon nya.
Napahugot sya ng malalim na paghinga. Sumasakit ulo nya sa mga problemang kakaharapin nila sa hinaharap.
Napaisip sya. Sa hinaharap pa nga naman iyon bakit pinoproblema na nya. Inalis sya ang kanyang mga negative thoughts bagkus pinalitan nya ng mga positive at mga masasayang bagay na nais nyang magawa sa hinaharap.
He want her to be her wife legally. Yes he's planning to propose to her. He wants to marry her. But sa pagsapit ng eighteen birthday pa nito. And it's his secret for now. Napangiti sya sa isiping iyon.
"Hala ka Darth! malala na tama mo, ngumingiti ka nalang bigla bigla. Parang sign na iyan huh!" Pang-aalaska sa kanya ni Reena. Nanlalaki pa ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa nasisilayan. Napailing nalang sya ngunit hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi nya. He must be crazy! crazy inlove!
"Lakas talaga tama mo sa kanya. Iba epekto sayo oh! para kang baliw, kelan lang halos sirain mo buhay mo ngayon hindi maalis ngiti dyan sa labi mo." Aniya nito na tila nasisiyahan na sa naoobserbahan.
"Because I'm madly inlove with her." Direkta nyang sambit. Hindi na nangatal o nabulol ng sambitin iyon, talagang siguradong sigurado ito sa tinuran.
"Parang déjà vu. Ganyan ka rin noon kay Gregina right?" Turan nito dahilan para mabura ang nakakasilaw na ngiti sa mga labi ni Darth.
"Oh, I'm sorry--" hindi na nya pinatapos pa ito sa sasambitin nito.
"It's ok. She's part of my past now." Aniya.
"Yes I know that. But we can't deny the fact that she's Grey's mom. Answer me, do you still love her?" Tanong nito dahilan para mapigil ang paghinga nya. Matagal bago sya nakasagot dito.
"Yes, i do love her still..." Sagot nya na nagpataas ng kilay ng kaibigan nya.
"I love her because sya ang ina ng anak ko, unlike ng pagmamahal ko kay Mallari, i love her, because she's her." Sagot nya dahilan para mawala ang pagtataka sa mga mata ni Reena.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now