kabanata 17

3K 97 0
                                    

Kasalukuyang pinapatulog na ni Mallari si Grey.Maghapon lang silang nasa silid ng musmos, ni hindi na nga nya nagawa pang ihatid sa gate ang kanyang kaibigan nang umuwi dahil ayaw nyang masaksihan pa ang ginagawang kabalbalan ng ama ni Grey.

At nang maghapunan ay hinatiran nalang sila ng matanda ng pagkain sa silid.Binanggit pa nga ng matanda na kanina pa daw nakaalis si Daniella.Natatandaan na nya si Daniella, ito yung babaeng kahalikan ni Darth ng gabing mahuli nya ito, kaya pala pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Nang mahimbing na ang tulog ng musmos ay napagdesisyunan na nyang pumunta sa sariling silid para matulog narin. Hinalikan na nya sa noo ito at tumayo na.Nagulat sya ng makita nya si Darth pagkabukas nya ng pinto, ngunit hindi niya pinahalata.

"Mallari..."mahinang banggit nito sa pangalan niya. Sinara na nya ang pinto.

"Pwede ba kung may sasabihin ka ipagpabukas mo nalang.Inaantok na ako." Walang emosyon nyang sabi dito.Nilagpasan na nya ito at naglakad.

Napahinto siya sa gulat ng mula sa kanyang likod ay yapusin sya ng yakap ni Darth at isiniksik nito ang mukha sa leeg niya.

*Lubdub*

*Lubdub*

*Lubdub*

*Lubdub*

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Naestatwa sya sa kinatatayuan niya.

"Sorry..." Sabi ni Darth na nagsusukamo.Napapikit sya ng maramdaman ang pagdampi ng hininga nito sa bandang leeg niya.

Napakalas parin ng tibok ng dibdib nya .Mali ito! Sigaw niya sa kanyang utak.Kinalma niya ang sarili niya at tyaka nagpumiglas sa bisig nito ngunit mas hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa kanya.

"Kay Grey mo sabihin ang katagang yan." Malamig nyang sabi dito. Kumalas na sya dito ng maramdamang lumuwag ang yakap sa kanya nito.

Lumakad na sya, ngunit sadyang makulit ito dahil hinabol parin sya nito.Hinarap sya nito.At  muli ay nagulat talaga sya ng hawakan sya nito sa magkabilaang pisngi at tyaka walang pasabing ipadapo nito ang labi nito sakanya.

Hindi niya alam ang gagawin, Hindi sya makakilos.Hindi niya namalayang napapikit na pala sya ng wala sa oras.Unang beses sya nitong hinalikan sa kanyang mga labi , kahit dampi lang, nakaramdam sya ng saya sa kanyang dibdib.

Pero ng igalaw ni Darth ang sarili nitong labi, ay nagising sya sa reyalidad Pumasok na naman sa utak niya ang salitang Mali.Kaya bago pa maituloy ni Darth ang gagawin ay mabilis na tinulak niya ito at na sinampal niya.Hindi ito nakagalaw pagkatapos nyang ipadamo sa mukha ni Darth ang palad niya, alam nyang masakit iyon dahil medyo napalakas ang sampal niya dito.Kaya ngayon ay tinakbo na niya ang pagpunta sa kwarto niya.

Now, I should be the one who say sorry to you.. Nasabi nalang niya sa isip.Pagkasara niya ng pinto ng kanyang kwarto ay tumulo na lang kusa ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.Napaupo nalang sya at tyaka niya niyakap ang mga tuhod niya.Tanging paghagulgol lang niya ang tanging maririnig sa silid.

"Hi-Hindi a-ako... m-makahinga..."sambit niya habang tumatangis.Alam niya sa sarili nyang hindi ang literal na kahulugan nito ang nais ipakahulugan niya kundi ang nararamdaman niya kay Darth.Oo alam nyang may iba na syang nararamdaman para dito ngunit itinanggi niya lamang sa kanyang sarili.Bago sa kanya ang pakiramdam na iyon kaya natatakot sya na aminin sa sarili dahil baka isa lang itong karaniwang nararamdaman o nararanasan ng mga katulad nyang nagiging ganap na babae.

"Ba-Bakit ganito... ang na-nararamdaman ko*hik*...? A-ayoko ko nito..." Ani pa niya kasabay ng pag-agos ng mga luha niya dahil sa ibat-ibang emosyong gusto kumawala sa kabuuan niya.

Nasasaktan sya ngunit ayaw nyang paniwalaan ang nararamdaman nyang iyon.Pilit nyang inaalis sa kanyang sistema ang epektong hatid sa kanya ng lalaki.

Magdamag lang syang tahimik na tumangis sa apat na sulok ng kanyang silid.

Kinabukasan ay nakapagdesisyun syang hindi na muna ito pansinin at mukhang parehas pa sila ng naging desisyon nito.Ilang araw ang lumipas na hindi nagtagpo ang landas nila ni Darth. Isa, dalawang linggo na silang nagkikita.Umuuwi pa naman daw ito ng masyon, marahil ay sinasadya nitong umuwi kapag tulog na sila at maagang umaalis naman dito.Batay pa sa matandang kasambahay ay tinatanong pa daw nito kung tulog na sila kapag umuuwi ito.

At sa Xladest naman ay hindi rin niya ito nakakasalubong o nakikita sa faculty kapag inuutusan sya ni Miss Palma.Sya na daw ang nakasanayang utusan nito papunta duon.At mukhang wala rin itong alam sa nanggyari sa kanila ni Darth.

Sa bawat araw na lumilipas mas lalong bumibigat ang dibdib niya.Oo mabigat.Ayaw man nyang aminin sa sarili ay hindi niya maiwasang mag-alala dito.Tanging pagbuhos ng kanyang atensyon kay Grey ang pinanlilibang sa sarili.

Desyembre na.Malapit na ang bakasyon.At malapit na muling pag-uwi niya sa kanyang pamilya.Gustohin man nyang makasama sa pasko ay mag-ama ay wala syang magagawa.Hindi parin niya nasasabi sa mga magulay niya ang kanyang sitwasyon.

"Mommy..." Mahinang tawag sa kanya ng musmos.Kasalukuyan silang naglalaro sa sala.Pagkauwing pagkauwi niya ay inaasikaso niya kaagad si Grey lalo pat hindi pa nagpaparamdam si Darth.

Lumapit sya dito at tyaka kinalong sa kanyang hita.Nahabag sya ng makita ang malungkot nitong mukha.

"I-i missed... Daddy!" Sambit nito.

"Your daddy is just..." Putol nyang ani.Wala syang masambit dito dahil kahit sya ay... Wala.

"Where is daddy mommy?" Tanong pa nito.Maluluha na ito dahil nagtutubig na ang mga napakagandang mata nito.

"He is..." Saan nga ba? Kahit sya ay hindi rin alam kung saan ito naglalagi sa mga oras na iyon.Kung nasa campus pa ba ito o...

Bigla syang nakaramdam ng inis sa isiping baka nasa poder ito ng impokritang si Daniella.Medyo naiyukom niya ang kanyang kamao, bakit nga ba pumasok sa kanyang utak ang isiping iyon.

Natuon muli ang atensyon niya sa nakakandong na musmos ng magsalita muli ito.

"Ma-moomy...*sniff* I want*hik*...daddy!" Nataranta sya ng humagulgol na ito.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now