kabanata 54

671 20 2
                                    

"Maybe if you decided to marry him."

Paulit ulit sa kanyang isip iyon. Ganoon ba iyon? Kapag ba pumayag syang pakasalan ito ay tyaka lang ito uuwi. Ngunit naiisip nya rin na siguro ay kasalukuyan itong nagpapakasasa sa mga babae nito kung nasan man ito ngayon o kaya ay masayang masaya itong kasama si Olivia.

Bigong bigo sya nang malaman na sa pangwalong umaga ay wala paring Darth na umuuwi. Hindi na nya alam pa ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon.

"Ate ano ba, mukha kang may sakit. Ilang araw ka na daw ganyan sabi ng pamangkin. Ano nababaliw ka na ba sa pagkawala ng asawa mo?" Ani ng kapatid nya sa kanyang naiinis na, panay ang puna nito sa itsura at kilos nya. Umirap sya, wala syang gana makipagbangayan dito gayong alam nyang tama naman ito.

"Hindi ko sya asawa." Pagdidiin nya.

"Then don't act as if you are a paranoid one." Irap rin ang iginawad nito sa kanya.

Nasa unit na tinitirhan ng kapatid nya ngayon sila ng anak nya. Naglalaro ito at ang anak nya ng play station. Natutuwa naman syang makita kahit papaano na may nakakalaro na ang anak niya. Napansin nya kasi na mailap ito sa tao. At isang kaibigan lang meron ito. Mabuti nalang nakakasabay sila ni Miranda sa hilig nito.

Nabuburyo na sya sa malaking mansyon kaya napagpasyahan nyang bumisita sila ng anak nya dito. Iniiwasan nya rin ang pag iisip sa lalakeng kinaiinisan. Wala rin naman syang trabaho gayong hindi nya pa alam san mag a-apply. Naiinis sya sa sarili dahil limang buwan na siya sa Pilipinas ngunit ngayon nya lang naisip na wala syang trabaho at nakatagal sya. Mabuti nalang kahit wala rin syang trabaho ay may ipon sya kaya patuloy parin ang pagpapadala nya sa magulang nya kahit pa hindi nya parin ito nakakausap magmula ng umuwi sya.

Si Miranda naman nais na rin pauwiin ng magulang nila bukas kaya rin sila narito sa unit nito. Mabuti narin na pauwiin ito dahil wala naman na itong gagawin at may trabaho itong naiwan sa Samar. Ngunit mariin nyang sinabi dito na wag muna banggitin sa magulang nila na nandito na sya. She has a plan. At hindi dapat ito masira.

...

Samantala, tinawagan ni Darth si Olivia kinaumagahan. He is staying in a hotel for 8 days already. He wants to check on her.

"Hello sir? Kamusta ang misyon? Mission accomplished ba?" Bungad nito sa kanya. He sighed.

"Yes." Maikli nitong sagot.

"Well then, tamang tama lang pala ang pag uwi namin ng jowa ko mula sa napakahabang bakasyon." Anito.

"Yeah, thank you by the way."

"Nako sir, ako nga dapat magthank you. Hahaha! Thank you sa libreng vacation trip." Napangiti sya sa sinabi nito. He was very thankful to her.

"Nako sir, malamang nababaliw na si Mallari ngayon kakahanap sa atin. Nabalita pa sakin sa opisina ang tatlong umagang pagtawag nya doon." Dagdag pa nito.

Yeah, that is part of their plan. To make her think too much about him until she confess her feelings to him frustratedly. He can not wait anymore to see her. He misses her so damn much. Her soon to be wife.

"Sige sir, pabalik na kami ngayon sa Manila. Thank you again." She said at pinutol na ang tawag.

Napatingin sya sa malawak na dagat sa harap nya. Ang resort na tinutuluyan nya ngayon sa Samar ay ibang iba sa nakagisnan nya sa Manila. Kitang kita rin ang dami ng turista dito ngayon. Well hot season naman na kasi.

He was glad so much as he accomplished what he needs to do in the place. Ngayon ay isa nalang ang problema nyang kakaharapin, ang galit na babaeng naghihintay sa kanyang mansyon. He smiled. Naiimagine na nya ang nagbabaga nitong tingin sa kanya tila gusto syang gawan ng hindi maganda bilang ganti.

He can't wait to come home finally.

...

Upang malibang ang sarili, napagdesisyunan ni Mallari na mag-grocery muna sila ng anak nya bago umuwi sa mansyon. She think also to buy chocolate bars and such, she knew she needs sweets right now, ilang araw na kaya syang puyat.

Iniwan sya sandali ng anak upang hanapin ang gusto nitong bilhin. She was busy scrolling around ng mapahinto sa pamilyar na bultong nakatalikod sa kanya ngayon. Hindi sya maaaring magkamali, kahit pa mag isa ito roon.

Nang lumingon ito sa likod at makita sya, bakas sa mukha nito ang gulat sa pagkakakita sa kanya. Sa panlalaki ng mata nito ay halatang hindi rin nito inaasahan ang pagkikita.

"Uhm...hi... nandito ka rin." Anito na tila hindi komportable at hindi alam ang dapat sabihin.

"Yeah." Yun ang nasabi nya at agad na tumalikod. Ayaw nyang makaharap ito sa ngayon. She hates her so much. Kailangan nyang pigilan at kontrolin ang sarili at baka hindi sya makapagtimpi rito.

Why the hell she is here? Where is Darth? Are they together?

"Oh wait!" Hinawakan nito ang braso nya kaya napahinto sya sa tangkang pag alis. Marahas ang ginawa nyang pagtanggal sa hawak nito sa kanya. Tinignan ito ng nakakunot ang noo. Hindi na matago ang pagkairitang nararamdaman para rito. Nakangiting mukha naman ang nakita nya na tila nag-aasar pa.

What the fuck? She cursed in her mind.

"Darth left this, can you bring it back to him for me?" Nangingiti nitong sambit. Hindi na nito hinintay na kunin nya. Hinablot nito ang kamay nya at nilagay doon ang dala. Dali dali na rin ito umalis agad.

What just happened? Aniya sa isip.

Hindi nya ito natanong kung nasan ang lalake. Napatingin sya sa inilagay nito sa kamay nya, a boxer. Halos umusok ang ilong nya sa nararamdamang galit.

"Are you ok mom?" Nabalik sya sa reyalidad ng marinig ang boses ng kanyang anak. She don't know what to say and what to act. She was still shocked and angry so much. Just fuck!

Dapat masaya sya dahil sa wakas narinig nyang muli syang tinawag ng anak na ina ngunit hindi nya talaga maalis sa isip ang nakakalokong ngiti ni Olivia.

Nang gabi ring iyon ay umuwi na si Darth. Alas otso na ng gabi ng kumatok ang anak nya sa labas ng pinto nya upang ibalita na nakauwi na ama. Mabuti nalang at hindi na sya pinasok nito sa loob. Hindi nya alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng nangyari kanina. Nagkulong sya sa kwarto simula umuwi sila ng anak nya hanggang ngayon. Hindi na nya nagawang kumain pa ng hapunan, nakahiga lang sya sa kama nya silently. Feeling empty.

She can't sleep. Napira-piraso na lahat lahat nya ang boxer ngunit hindi parin sya makatulog, feeling unsatisfied. Gayon pa man wala syang ibang maramdaman. Hindi nya alam kung ano pa dapat ang maramdaman nya.

Mariing pagpikit ang ginawa nya nang marinig ang dahan dahang pagbukas ng pinto.

Kahit hindi nya tignan kung sino ang pumasok ngayon sa kwarto nya ay kilala nya na iyon. Wala namang ibang magtatangkang pasukin sya sa loob ng kwarto nya ng walang katok katok. At sa bawat yabag nitong naririnig nya, ay syang pagbilis ng pulso nya sa bawat segundong lumilipas. Palapit ng palapit din ito sa kanya, ramdam nya.

"Goodnight." That husky and sensual voice is very familiar to her ears. It always sent shivers down her spine despite of hurt she felt.

Agad din itong umalis pagkatapos nitong hagkan ang noo nya. Napatigil pa sya sa paghinga sa ginawa nito. At nang masarado nito ang pinto ay ganun nalang ang pag uunahan ng mga luha nya.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now