kabanata 19

3.2K 97 0
                                    

A/N: I dedicated this part to the one who did the new cover of PFH..

THANKS LOT.


-------


Sobrang kagalakan ang nararamdaman ni Mallari ng malaman ang sagot ni Darth.Pakiramdam niya ay nabunutan sya ng tinik sa dibdib ng malamang isa lamang singit sa kanyang istorya si Daniella.Nang umakyat nga siya sa kanyang kwarto ay Hindi na sya nakatulog pa.Hinintay na lamang niya ang pagsikat ng araw.

Kasalukuyan syang nasa Xladest ngayon.Huling araw na nila ngayon at sa Enero na ang muli nilang balik. Naglalakad na siya ngayon palabas ng campus. Kasabay niya si Kelly dahil maaga ng nagbakasyon ang bruha nyang kaibigan na- si Olivia.

Hindi niya nakita si Darth maghapon marahil ay abala parin ito sa inaasikaso.

"Mall anong oras ka pupunta sa party?" Tanong ni kelly.

Kung hindi siguro nagtanong ang lalaki ay hindi niya pa maaalala.Nagsagawa kasi ng isang sarili nilang klase ng sarili nilang Christmas party.Mamayang gabi na iyon gaganapin.Ayaw niya sanang pumunta dahil tinatamad sya pero nahihiya sya sa mga kaklase dahil lahat pupunta.

"Huh? Ah! Siguro mga six na ng hapon.Nga pala wala pa akong pang-exchange gift, samahan mo naman ako bumili ngayon." Ani niya.Nginitian sya ni Kelly.

"Oo ba!"

"Mallari!" Napalingon sila ng sabay ng mula sa likod ay may tumawag sa kanya.

"Oh! Sir musta? Long time no see ah!" Aniya ni Kelly ng makalapit si Darth.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Darth sa kanya at kay Kelly dahilan para mapataas ang kilay niya.

"Uh its nice to see you again Mr.Barameda." aniya ni Darth na tila hindi komportable.

Napangisi si Mallari ng maramdaman niya ang tensyon ni Darth.Marahil ay naiilang ito dahil sa atraso nito.Nakita nyang parang medyo kinikilatis ni Darth ang mukha ni Kelly kung may bakas.Napailing siya.Tsk! Konsensya alert!

"Nami-miss ka na ng klase namin Ser.Ang boring kasi ng bago naming English teacher." Dada pa ni Kelly.

Nagulat siya ng bigla syang hatakin ni Kelly palapit sa kanya tyaka sya inakbayan.

"Diba Mallari?" Nakangiting sabi nito.

"Ah! O-oo... Hehehe! "

"Uuwi na ba kayo? Gusto nyo ihatid ko na kayo pauwi?" Napatingin sya kay Darth ng marinig iyon.

Kitang kita niya kung paano tignan ni Darth ang kamay ni Darth sa balikat nya.Nang magtama sandali ang mga mata nila ay dali- dali syang nag-iwas dahil nakita nya ang pagsama ng tingin nito sa brasong nakapulupot sa leeg nya.Aalisin na sana nya ang kamay ni Kelly sa balikat niya ng mas higpitan lamang nito.

"Gunggong ano ba? Gusto mong sapak huh?" Sita at babala niya sa kaibigan ngunit mas pinalawak lang nito ang ngiti sa mga labi.

"Naku! Ser salamat talaga kaso may pupuntahan pa po kami ni Mallari e. Diba?" Konswelo nito.Inirapan niya lang ito.

"Uh! Its okey.Maybe next time.So I'll go." Pagkatapos sambitin iyon ay tumalikod na kaagad si Darth.

Nakaramdam sya ng pag-aalala at kung anong mabigat sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan niya itong lumalakad palayo.Gustohin man nyang sundan ito ay hindi niya magawa.Tila napako na sya sa kinatatayuan niya.

Napabuntong hininga nalang sya ng hindi na matanaw si Darth.Naramdaman niya nalang na kinaladkad na sya ni Kelly kaya nagpatianod nalang sya.

"Sige ang tingin mo kay Ser mallari ah? Crush mo noh? Uy! Hindi kayo pwede." Inirapan nya si Kelly ng sambitin nito iyon at tinusok sya sa tagiliran. Crush? Psh...

"Sabagay gwapo si Ser, mana sakin.Pero hindi kayo pwede.Kasi una teacher natin sya, pangalawa mas bagay tayo." Walang pakundangang anas nito.Hangin ng ulo mo brad! Sarap putukin!

"Tss... Sinong niloko mo?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ayyiiee! Kinilig ka no? Hahaha! Ang pogi ko talaga." Pagmamalaki niya.Laki ng ulo nito, parang kokey lang ah!

"Loko. Halika na nga." Hinila na niya ito.

"Halikan? Hindi pa nga tayo.Uy! Hindi pa kita sinasagot ah!" Pahabol nito. Napailing nalang sya.

"May sapak ka na."

Halos hindi alam ni Mallari kung papasok na ba sya ng masyon o hindi.Kanina pa sya paikot-ikot- hahawak sa doorbell- tapos ay muling bibitiw at iikot muli.

"Oh! Ma'am kanina pa po ba kayo dyan?" Anas ni Manong Rico ng makita sya.

Pinagbuksan niya ito ng pinto.Ngiti lang ang naisagot niya dito at pumasok na. Dahan- dahan syang nagalakad papasok.Mahigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya.

Halos atakihin sya sa puso ng makita si Darth na nakaupo sa sofa pagkadaan niya.Walang mababakas na emosyon sa napakagwapong mukha nito.Tumayo na ito. Sandaling tinignan sya nito pero tumalikod din agad.Nakaramdam sya ng kung among mabigat na pumatong sa dibdib niya pagkatalikod nito.

"Uh... Darth, ano du-dumiretso na kasi ako sa party ka-kaya ngayon lang a-ako n-nakauwi..." Nauutal nyang paliwanag.

Nakita nyang napahinto ito.Lalapitan na sana niya ito ng magsalita ito.

"It's already past 11 midnight. Tss... Matutulog na ako." Sarkastikong anas nito bago muling naglakad paakyat sa taas.

Mabigat ang dibdib nyang nakatulog ng nagdaang gabi.

"Mommy, daddy let's go there!" Anas ni Grey at muli syang hinatak sa kung saan.

"D- darth di-dito-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumalikod na ito.Naiwan tuloy syang kasama ang musmos.

Napabuntong hininga sya. Simula pa kaninang umaga ay iniiwasan na sya ni Darth. Sa tuwing lalapit sya dito at kakausapin ay biglang tatalikod ito at lalakad palayo.

Hinanap ng paningin niya si Darth.Inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid.At gusto nyang takbuhin papalapit ito ng makita nyang nakikipaglandian ito sa isang sales lady ng isang shoes store.Malandi talaga ang hinayupak!

Hinatak niya ang musmos at dali- daling tinungo ang kinaroroonan ng malandi at higad.

"Hoy! Ikaw lalaki ka hawak- hawak ko ang anak mo samantalang ikaw nakikipaglandian dito. Hinayupak ka talaga!" Bulyaw niya pagkalapit na pagkalapit dito.

Nakita nyang nagulat ang babaeng sales lady sa pagdating niya.Nang tignan niya ito ng masama ay dali- dali itong umalis sa harap nila.Samantalang hindi niya alintana ang mga mata na nakatingin sa kanila.

"Mommy are you angry?" Tanong ni Grey.

Naramdaman niya paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Grey are hungry?" Biglang tanong ni Darth sa anak niya.Tumango ito ng marahan bilang sagot.

"Let's go eat then..." Hinawakan nito ang musmos at nagsimula ng maglakad.Pero bago ito makalayo ay narinig pa niya ang nakakalokong ngiting gumuhit sa labi nito.Napapadyak sya.Argh!

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now