kabanata 32

2.3K 62 1
                                    

Chapter 32

Hanggang ngayon ay hindi parin magawang paniwalaan ni Mallari ang mga nangyayari.Ang katotohanang sumampal sa kanya na syang kanyang kinahaharap. Para syang nabubuhay sa nakaraan na umuugnay sa kasalukuyan.

Simula ng bitawan ng kanyang ama ang utos nitong hindi na sya pumasok sa Xladest ay ayaw man nya ay wala syang nagawa. Bantay sarado siya sa kanyang ama.

Isang araw nalang at mag-iisang linggo na sya sa apat na sulok ng kanilang silid ng kanyang kapatid. At sa tuwing nag-iisa sya ruon ay ramdam na ramdam niya ang pangungulila sa kanyang mag-ama.

Hindi sila sayo! Mag-ama yan ng kapatid mong yumao.

Pamukha sa kanya ng kanyang isip. Napangisi sya sa sarili. Maging ang kanyang isip ay tutol sa kagustuhan nya.

Sa edad ng 17 nakakalokang isipin na ganito na kaagad ang kakomplikado ang kanyang dinadalang problema.

Bakit ba naman kasi nakita nya sa dis oras ng gabi ang musmos? Bakit kasi nakilala nya ang ama nito? Bakit ba kasi pumayag pa sya sa kagustuhan nito? Bakit pa kasi napamahal sya sa mag-amang ito?

Napamahal? Wow? Mahal ko na ba talaga sya?

Napailing sya. Muli, nasa 17 taong gulang pa lamang sya, bata pa lamang sya, hindi pa ganap na dalaga. Marahil ay ito na ang tinatawag ng mga kabataan sa panahon ngayon na "Puppy Love" At maraming naloloko dito.

Ngunit sa isang banda ay hindi nya maikonsidera ang kanyang nararamdaman na ganon. Magulo. Magulo sya, yun iyon.

Muli, ay may tumulong luha sa kanyang mga mata nang magbalik sa kanyang isipan ang mga masasayang araw na kasama nya ang mga ito. Sobra na ang pangungulila nya sa mga ito.

Ipinilig na lang nya ang kanyang ulo sa kanyang mga tuhod. Gusto na muli nyang makasama ang mga ito, kung bakit ba naman kasi masyado syang napalapit dito eh! Edi sana hindi sya nasasaktan ng ganito.

"Mallari, anak nandito si Olive. Binibisita ka." Narinig nyang tinig ng kanyang ina mula sa labas.

Hindi sya natinag. Narinig na lamang nya ang pagbukas at pagsara ng pinto hanggang sa maramdaman nya ang yakap ng kanyang matalik na kaibigan.

"Mallari, bestfriend kamusta ka na?" Malumanay nitong sambit.

"Itinaas nya ang kanyang kamay at tyaka itinayo ang kanyang hinlalaki bilang sagot.

"Ok? Ok ka ng lagay na yan? Parang di naman eh!" Tila hindi naniniwala sa sinagot nya.

Nag-angat sya ng ulo at tyaka nya inilabas ang isang pekeng matamis na ngiti.

"My god! Ang laki ng eyebags mo, ikaw ba yan, Mallari? O baka ibang tao ka? Sino ka huh?" Grabeng reaksyon nito.

"Aray huh!" Inda nito sabay himas sa ulo nitong binigyan nya ng isang bagsak na batok.

Kita ng nagdadrama sya tapos ay babanat ito ng ganun.

"Olive kung iinisin mo lang rin ako makakaalis ka na." Aniya bago yumuko muli. Naramdaman nya ang pagyakap nito sa kanyang likod.

"Hindi ka naman mabiro best, pinapatawa lang kita e. Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Malambing nitong tanong.

Ikwinento nya simula sa nangyari paglabas nya ng cr noon hanggang sa pagbabawal sa kanya ng kanyang ama na pumasok na sa Xladest.

Pagtataka naman ang makikita sa mukha ng kanyang kaibigan matapos nyang magkwento.

"Bakit? Bakit ka pinatigil ng tatay mo sa pag-aaral gayong First year ka palang at hindi mo pa natatapos ang taon?" Tanong nito.

Napabuntong hininga sya ng marahas.

"May inamin sa akin si nanay..." Pag-uumpisa nya.

"Ano?" Kating kating malaman ni Olivia ang sagot.

"May anak sa labas si tatay," Aniya.

"Oh, connect naman nun? Huwag ka namang pabitin friend!" Aniya nito.

"Yung a-anak ni tatay sa labas..... ang i-ina ni grey," Pahina nyang sambit ngunit sigurado syang narinig nito batay sa pagkagulat nitong ekspresyon at napanganga pa.

"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Don't make myself repeat it. Masaket." Aniya.

Masakit! To the point that I don't want to believe!




PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now