kabanata 3

4.8K 139 0
                                    

Maagang binulabog ng kanyang kaklaseng si Olivia pagkapasok nya ng klase. Naiirita na talaga sya dito, ngunit ito lang rin kasi ang kaclose nya sa mga kaklase nya kaya pinagtyatyagaan nalang nya. Sige ang kwento nito sa ginawang make over sa sarili. Pimagmasdan nya ito. Totoo nga na may nagbago sa physical appreance nito. Halatang may gustong pagpagandahan. Nilibot nya ang paningin sa loob ng klase, naghanap sya ng gwapong posibleng rason bakit naging ganito ang babae. Ngunit bigo syang makakita. Wala naman kasing angat ang kagandahang lalake dito sa klase nya. Wala talaga.

Binalik nya ang paningin nya kay Olivia. Abala ito sa paglalagay ng kolorete sa mukha nito. Ang mahaba nitong buhok ay pinaikli ng bongga. Maiksi ang medyo hapit na damit din ang suot nito.

Natawa syang bigla. Paano ba naman ang awra nito ay tila mang aakit.

"Bakit ka tumatawa bigla?" Anito na nakataas ang isang kilay.

Umiling lang sya dito ng natatawa parin. Buti nalang hindi na ito nang usisa pa at bumalik na sa pag aayos ng mukha. Nagpatuloy nalang sya sa pag-aaral muli at hindi na muli itong pinansin.

Nasa kalagitnaan na sya ng binabasa ng bigla sya nitong inaya bumili ng makakain sa canteen. Inuna pa kasi ang pagpapaganda kesa ang kumakalam na sikmura.

"Ah sige mauna ka na, ayusin ko lang ang mga gamit ko tapos sunod ako." Aniya dito. Mabuti nalang hindi na ito tumanggi pa mauna. Mabuti nalang gutom.

Nang makarating sa canteen agad naman nyang hinanap ang kinaroroonan ng kaklase. Nagugutom na rin sya kaya sasabay na sya sa pagkain dito. Nakakakagutom kaya mag aral.

Kasalukuyan syang naghahanap kay Olivia nang dumako ang mga mata niya sa lalake na pamilyar sa kanya. Ang tindig nitong inukit ng napakagaling na iskultor. Naestatwa sya.

I'm dead! Aniya sa isip.

Ilang araw nya rin itong tinaguan. Ingat na ingat siya lagi at laging chinicheck ang paligid nya. Tapos ngayon nandito ito. At ganun nalang ang panlalake ng mga mata nya ng magtama ang paningin nila. Nakita nya ang gulat sa mga mata nito. Napasinghap siya, mabuti nalang nagawa nya agad makakilos. Agad syang tumakbo palayo sa canteen.

"Wait!" Rinig nyang sigaw nito.

"Oh my God! Ang gwapo ng boses ni sir!" Rinig niya pang bulung-bulungan ng mga estudyante roon.

Shit!

Ito na naman sya, tumatakbo palayo.

"Mallari!" Sigaw din ni Olivia.

Mabilis ang ginawa nyang pagtakbo ngunit tao lang rin sya, napapagod. Bumagal ang takbo niya ngunit hindi sya tumitigil kahit batid na ang sobrang paghahabol nya ng paghinga. Sa bagal nya, naabutan sya nito.

Shit!

"You won't stop so I'll stop you." He said behind. His hold tighten. Naramdaman na naman nya ang init na nanggagaling sa hawak nito. Nakakapanghina ngunit hindi sya papatinag doon.

"Ano ba? Lubayan mo nga ako!" Naiinis nyang bulyaw dito. Mabuti nalang walang tao sa bandang iyon ng paaralan. Lahat nasa canteen.

"You fooled my son. And now you are hiding and running huh." He said mockingly.

Hinarap nya ito ng marahas. Ipinakita nya ang galit dito.

"Ginawa ko yun para umuwi ang anak mo sa inyo, mabuti nga nakumbinsi ko sya dahil don e. You should be thankful, irresponsible father." She said mockingly. Ginaya nya pa ang tono nito.

"You still fooled him. And now he can't stop crying because of you. Paasa, tsk." Anito. Tumaas lalo ang altapresyon nya sa sinabi nito.

"Pwede ba, kung hindi kayo pabayang magulang edi sana hindi sya naghahanap ng ibang taong kakalinga sa kanya." Pang aakusa niya rito.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now