kabanata 18

3.3K 103 3
                                    

"Uh! Bakit gising pa pu kayu Ma'am? Gabé na pu ah!" Anang ng matanda ng makita si Mallari  na nakaupo sa sala dis-oras na ng gabi.

"Ah! Hinihintay ko pa po si Darth e." Magalang na sagot niya dito.Naghikab sya pero dahil ayaw pa nyang matulog ay pinagsasampal niya ang magkabilaang pisngi niya.Pursigido sya na hintayin ang lalaki kahit abutin sya ng umaga duon sa kanyang pwesto.

" Nako! baka hendi ren pu omowe si Ser ngayun, matulug na lang pu kayu." Suhesyon nito sa kanya.Napatingin sya dito ng kunot-noo.At bakit naman ito Hindi uuwi? Tanong niya sa sarili.

"Paano nyo naman po nasabing hindi sya uuwi?Huwag nyo sabihing hindi na sya umuuwi ng ilang araw?" Tanong niya dito.Saan naman kaya naglalagi ang amo nito.Hindi kaya kayla Daniella sya tumutuloy? Nainis sya sa isiping iyon.Ilang araw na ba itong hindi umuuwi? Tanong nyang muli sa isip.

" Dalawang araw pa lang naman pu, ah segi pu matotolog na ulet aku." Anito.Dali- dali itong pumasok sa sariling silid. Halatang umiiwas ito sa maaring itatanong niya.

Lagot ka sakin Darth kapag Hindi ka ngayon umuwi! Aniya sa isip.

....

Nagtataka man si Darth kung bakit kasalukuyang natutulog sa sofa si Mallari ay nilapitan narin niya ito.Napatingin sya sa maamong mukha nito na ngayon ay mahimbing na nakapikit.Wala sa sariling hinaplos niya ang madulas itong buhok.Miss na niya ang dalaga.Ilang linggo na kasi niya itong iniiwasan.Inabala na lamang niya ang sarili sa paghahanda sa Christmas party sa Xladest nitong mga nakaraang araw.Kaya sa eskwelahan narin sya nakatulog noong isang araw at kahapon.

Pinagmasdan nya ito.Tila ata mas lalo itong nakakabighani sa kanyang paningin.Mas gumaganda pa ito.Nang mapadako ang kanyang mga mata sa bibig nitong nakaawang ay napahagikgik sya ng tahimik.

Plano niya sanang isara ang bibig nitong nakaawang.Ngunit hindi pa niya nahahawakan ito nang agad na dumilat.Napalayo sya konti at napatingin sa ibang direksyon ng magtama ang kanilang paningin.

"Nakauwi ka na pala.Anong oras na ba?"Aniya nito habang kinukusot pa ang mga mata pagkaupo.

"Ah... 3 am." Sagot ng Hindi parin nakatingin.Tumayo na sya at inayos ang sarili.

"Tsk... Ang aga mo umuwi ah!" Tila sarkastikong sambit nito.Napakunot sya dito.

"Why are you here? I mean, bakit dito ka natutulog?"tanong niya dito.Umupo sya sa kabilang sofa.

"I was waiting for you? Pero nakatulog na pala ako." Kaswal na anas nito.Mas lalong kumunot ang noo niya.Bakit naman niya ako hinihintay? Natanong niya sa isip.

"Why?" Tipid nyang tanong.

"Anong why ka dyan?" Pagtataka nito.

"I mean,Bakit mo ako hinihintay?"mahinang tanong niya dito.Pakiramdam niya namumula ang mukha niya.Nahiya sya sa sarili nang maisip na naturingang sya ang lalaki sya itong nag-iinit ang mukha't tenga.Gay! My ass...

"May gusto akong sabihin sayo." Panimula nito.Huminto ito sandali bago nagpatuloy.Hinitay lamang niya ito.

"Nami-miss ka na ni Grey.Lagi ko syang naabutang tahimik na umiiyak sa kwarto niya tuwing umuuwi ako galing sa school.Matamlay narin sya.He badly missed you so much.So I decided na lumabas tayong tatlo this weekend." Litanya nito.Nakaramdam sya ng kirot at lungkot sa dalawang dahilan.Una ay dahil sa anak nyang nangungulila sa kanya.At ang pangalawa ay hindi sya sigurado kung dahil ba sa ang anak lamang niya ang nakaka- miss sa kanya.Hindi ba sya nami- miss ng dalaga?

"Yun lang ba?" Walang ganang tanong niya.

"Nga pala dalawang linggo nalang natitira at bakasyon na." Mahina nitong ani.Nakita nyang napayuko ito pagkatapos sabihin iyon.Bigla syang kinabahan sa inasta nito.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now