kabanata 29

2.5K 75 0
                                    

"You're only eighteen, and Grey is five. Ang aga mo namang nag- anak." Hindi makapaniwalang sambit ni Dlight.

"Basta mahabang kwento." Nasabi nalang niya at sumubo na muli ng French fries.

Sa isang nakatayong burger shop sila tumuloy. Sa labas ng enchanted.

"How about your husband, how old is he?" Tanong nito muli. Sa totoo lang ay nakukulitan na si Mallari sa kakatanong nito.

"Twenty six." Maikling sagot niya.

"He's an asshole. Nasa tamang edad na sya, hindi man lang niya inisip ang magiging resulta nito sayo." Anito na tila alam ang kalagayan niya. Nakaramdam sya ng inis sa binitawan nito.

"Don't call him asshole, because he's not. Wala kang alam samin." Aniya. Lumagok sya ng tubig tyaka tumayo.

"Magba- banyo lang ako sandali." Paalam niya dahil nakaramdam sya ng pagka- ihi.

Napahinto sya sandali ng hawakan ni Dlight ang palapulsuhan niya.

"I'm sorry, for what I said."sinserong sambit nito.

"Pinapatawad na kita, basta wag mo na ulit sasabihan si Darth ng ganun. Bitawan mo narin ang kamay ko at naiihi na ako." Aniya. Mabilis naman nitong binitawan ang kamay niya.

Naglalakad na sila pabalik ng enchanted kingdom. Magga-gabi na at hindi parin sila nagtatagpo ng landas ni Darth. Sige nga ang pagkwe-kwento ni Dlight habang sya ay nililibot ang paningin sa kanyang paligid. Kalong- kalong niya sa kanyang balikat ang natutulog na musmos.

"Nag-aaral ka pa ba?" Tanong nito sa kanya dahilan para harapin niya ito.

"Oo, sa Xladest Academy. First year college." Sagot niya.

"Wow! Small world. I'm also studying in Xladest, taking CE. Ga-graduate ako this year." Anito.

"Ow, talag--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bumangga sya sa matigas. Dibdib ng lalaking may kaunting katipunuhan ang katawan. Pamilyar din sa kanya ang aroma nito.

"Mr. Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo. Can't you see, she's carrying her son." Bulaslas ni Dlight.

Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang pagpulupot ng isang braso nito sa beywang niya. Karga parin niya ang musmos kaya hindi niya magawang mamukhaan ito dahil nakaharang at madilim narin dulot ng paggabi.

"Did you enjoy the company of my wife and my son?" Ani ng baritong tinig. Mababakas ang diin sa bawat salitang binitawan nito.

Nagtaasan ang balahibo niya ng makilala ang may-ari ng tinig na iyon. Hindi sya pwedeng magkamali.

"Who are you?" Inosenteng tanong ni Dlight. Tanga lang huh! Hindi pa ba nya naintindihan yung sinabi ni Darth. Slow, hina pumik-ap nito. Anas niya sa isip.

"Darth Lucas Donovan." Pagmamalaking anas nito. Yabang!

"Parang pamilyar." Tila inaanalitika pa nito ang pangalan ni Darth. Teacher sya sa Xladest ano ba! Gusto niya yang sabihin sa slowpoke na ito.

"Iuuwi ko na ang asawa't anak ko." Diretsang sagot ni Darth dahilan para mapanganga si Dlight. Seriously, nagulat pa sya sa sinabi ni Darth.

"Wai--"

Hindi na pinatapos pa ni Darth ang sasabihin ni Dlight. Dali- dali sya nitong hinatak papunta ng pinag-iwanan ng kanilang sasakyan. Kinaladkad sya nito pagkakuha musmos.

Pagkapasok ng kanilang sasakyan ay mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan. Tahimik lang sila parehong tinahak ang byahe.

Ramdam niya ang tensyon namamagitan sa kanila sa loob. Kitang- kita niya sa gwapo nitong mukha ang galit. Nakaramdam sya ng takot.

Pagkarating sa mansyon nagulat sya ng hatakin sya pababa nito at kaladkarin papasok. Sasabihin pa sana nyang nakalimutan nila sa kotse ang musmos ng mag-utos na ito kay manang na dali- dali namang sinunod.

Lingid sa kaalaman ni Darth na nasasaktan si Mallari sa paraan ng pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. Napapangiwi lang sya.

Diretso silang pumasok sa kwarto ni Darth. Binagsak nito pasara ang pinto dahilan para magulat sya. Pagkasara ay itinulak sya nito pasandal sa pader.

"Ano ba! Kanino pa ako nasasaktan ah!" Naiinis nyang sigaw. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito.

"Ilang oras nyo akong pinag-alala at pinaghanap sa inyo, tapos yun pa ang maabutan kong eksena." Anas nito. Nakaramdam sya ng takot dito pero hindi niya pinahalata.

"Pwede ba Darth, ikaw unang humiwalay at hinanap din kita kaya wala kang karapatang magalit. Bukas na tayo mag-usap kapag malamig na yang ulo mo. Uuwi na ako." Aniya tyaka tumalikod.

Hindi pa man din sya nakatatalikod ay pinasandal sya uli nito at nagulat sya sa ginawa nito. Nasasaktan sya sa paraan ng pagdiin nito sa kanyang labi. Nagpupumiglas sya ngunit mas malakas ito kaya hindi magawang makawala.

Hanggang sa tinaas nito ang dalawang kamay niya gamit ang isang kamay nito. Ang isang kamay nito ay nararamdaman nyang humahaplos sa puson niya.Nagpupumiglas parin sya hanggang sa manghina na siya. Pumatak ang mga butil ng luha sa kanyang mata dahilan para mapahinto ng kusa si Darth.

Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig ng maramdaman ang basa sa mukha ni Mallari.Agad sya nitong niyakap ng mahigpit. Nagpupumiglas parin sya ngunit mas hinigpitan lang ni Darth ang yakap.

"I'm sorry babe, I'm sorry...!" Paulit-ulit na sinasambit ito ni Darth.

Napahagulgol nalang sya.

Hinatid sya nito hanggang sa sakayan ng dyip. Tahimik ang namayani sa mga nalalabi nilang oras para sa araw na iyon. Hindi kumukibo si Mallari, na syang kinakabagabag ni Darth. Bago pa bumaba ng sasakyan ay hinalikan pa ni Darth ang likod ng palad niya tyaka muling binanggit ang paghingi ng tawad nito. Walang reaksyon parin na mababakas sa mukha ni Mallari hanggang sa tahakin niya ang daan papauwi sa tahanan nila.

Nang nakahiga na sya ay duon lamang umagos ang kanyang luha. Dinaan niya sa pag-iyak ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Inaamin niya sa sarili nyang nakaramdam sya ng takot sa ginawa ni Darth kanina. Takot na hindi niya inaasahan.

Hinayaan na lamang nyang lumuha ang kanyang mga namumugto ng mata hanggang sa hatakin na sya ng antok.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now