kabanata 56

750 23 1
                                    

Mabilis na itulak ni Mallari si Darth palayo sa kanya nang mahimasmasan. Hindi nya namalayan na nakababa na sa leeg nya ang mga halik nito at ang isang kamay nito ay marahang pumipiga sa isang dibdib nya. That was so close! Laking pasasalamat niya ng maagapan ito. Habol habol niya ang paghinga nang bumitiw rito. Galit sya rito at dapat ay hindi sya kumagat sa patibong nito.
Naguguluhan man sya ngayon sa nararamdaman ay ayaw nyang pangunahan ng tawag ng laman ang gumugulo sa isip at puso nya. She needs to control herself. She must!

Nagkatitigan sila. Wala man salita silang binibigkas tila ang mga mata naman nila ang nag uusap. Punong puno nang pagsusumamo ang mga titig sa kanya ni Darth kaya naman iniwas niya agad ang mga mata rito. Umisang Hakbang ito palapit sa kanya kaya naman napaatras siya dahilan para matigil ito. Inayos nya ang sarili at nilampasan ito. Walang pasubaling niliban niya ang kwarto at iniwan ang lalake roon.

Nais niyang iwasan ito. Hindi siya natutuwa sa nararamdaman para rito ngayon. Magulo at halo halo. Mabilis ang mga hakbang niya pababa ngunit bago pa siya tuluyang makalampas sa hagdan ay napahinto na siya dahil sa isang pasugod.

"Ma'am mahigpit na bilin sa amin na huwag na kayong papasukin rito." Ani ni Mang Rico na guwardya sa labas. Hawak hawak nito ngayon ang babae na nagpupumiglas.

"let me go! You bitch! Who told you to come back? You don't need here anymore. Go back to hell. You ruin everything, you ruin my plan for us. I will kill you so you will disappear completely." Sigaw nito at agad siyang sinunggaban. Sa gulat niya ay hindi niya nagawang makalayo agad dito.

Mabibigat na sampal ang iginawad nito sa magkabilang pisngi niya na nagpamanhid sa kanya. At kahit pinipigilan ng mga katulong ito at ng guwardiya nila ay nagawa pa itong hatakin ang buhok niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa kamay nito ang hawak na matalim na gunting. Tinutulak niya ito at pilit na nagpupumiglas sa hawak nito ngunit mas malakas ito sa kanya dala narin siguro ng galit nito sa hindi niya malamang dahilan. She was crying madly.

"Fuck! Let her go Iris." Sigaw ni Darth. Agad niyang naramdaman ang yakap nito sa kanya at pumagitna ito. Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Mallari sa nangyari. Nakita pa niya ang mga nagbagsakang buhok sa sahig na mas lalong nagpahina sa kanya at nagpalakas ng iyak niya.

"No I will kill that bitch!" Anito na hindi papapigil. Tuloy pa rin ito sa pag abot sa kanya.

Nanginginig ang buong katawan ni Mallari sa takot. Hindi niya na alam pa kung paanong napalayo sa kanya ang nagwawalang babae. Patuloy siya sa paghagulgol habang nakatuon ang mga mata sa mga buhok nyang nagupit sa sahig. Marami rami rin iyon.

Isang mahigpit na yakap naman ang ginawa ni Darth pagkalapit sa kanya. She felt safe in his arms. Halos hindi niya parin matanggap ang biglaang nangyari. Wala siyang kalaban laban doon dala ng sobrang gulat.

Ngayon ay tila natanto na niya ang rason bakit ito ganoon. Marahil ay sa pagmamahal nitong sobra kay Darth, maging ito siguro ay hindi tanggap ang ilang araw nitong hindi pagpapakita.

"Ssh...baby I'm here." Napahigpit siya sa yakap dito nang marinig ang mga iyon kay Darth. Unti-unti naman siyang pinapakalma nito.

"Nababalew na iyon si Ma'am Ires ser. Obsis na sa siya sayo malamang." Rinig niya pang sambit ng katulong.

Yeah, she is madly and crazy inlove with him. Aniya sa isip.

"Huwag niyo na hahayaan makapasok pa siya rito sa pamamahay. Talk to my lawyer and file a case to her also." Mariing utos pa ni Darth sa mga katulong na agad namang sinunod ng mga ito.

"I will not let her come near you baby, hush now." Bulong ni Darth sa kanya bago pa siya nito binuhat at hinatid sa kwarto nito. Sa pagod kakaiyak ay nagawa niya nang makatulog. Ngunit bago tuluyang bumigat ang mga talukap niya ay naramdaman niya pa ang pagtabi, pagyakap at paghalik nito sa noo niya pagkahiga sa kanya kaya naman siniksik niya ang mukha sa dibdib nito.

Nagising si Mallari sa mahimbing na pagkakatulog. Naalala niya na susunduin pala niya si Kelly ngunit dahil sa nangyari kanina ay nakaligtaan niya na. Malalagot na siya rito malamang. Patayo na siya nang mapansin ang mabigat na brasong nakapulupot sa kanya at ang hitang nakapatong sa kanya. Nakakulong siya sa bisig ng lalake na hanggang ngayon ay mapayapang natutulog sa tabi niya. Dahan dahan niyang kinalas ang yakap nito sa kanya dahilan para magising ito. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya kaya nilingon niya ito. Marahan nitong binuksan ang mga mapupungay nitong mata. Ang tingin nito ngayon sa kanya ay punong puno ng pag aalala. Mabilis na umupo siya upang matagumpay na makakalas sa bisig nito.

"May pupuntahan pa pala ako." Aniya. Nakita niyang umupo narin sa tabi niya si Darth.

"I'm sorry for what happened." Banggit nito. Napapikit si Mallari ng mariin sa dahil sa malamyos na tinig nito. Hindi niya magawang sagutin ito.

"Are you ok?" He asked. Halatang nag aalala parin ito sa kanya.

"Yes I am. I just need...to cut my hair properly." All she could say. Pigil ang hinings sa hindi malamang dahilan.

"Papapuntahin ko rito---" she cut him off.

"No, sa salon nalang ako. Susunduin ko after si kelly sa Airport." Aniya pa.

"I'll come with you then." Sagot nito na hindi niya pa sinagot pa. Ok na rin na kasama niya ito, hindi niya maitatanggi ramdam niya ang seguridad sa tabi nito. She needs it right now.

Note: may bago akong story check ninyo hahaha! Thanks.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now