Kabanata 41

2.3K 55 11
                                    

Isang gabi na magpatotoo sa nadarama nila sa isa't isa,
Saksi ang langit na nagkukubli na nagtatago sa dilim,
Ang hangin na yumakap sa kanila patunay na sila ay nagmamahalan,
Tila naging isang mapait ng panaginip sa pagsapit ng umaga,
Dahil naging isang pabaon na lang ito ng taong naging bula.
.
.
.
.
Mga nakakalasing na inumin ang hawak ni Darth matapos ng mga pangyayari. Dalawang linggo makalipas ang pag-uwi nila ng kanyang anak galing sa bakasyon.
Bakasyon na akala nya magiging napakamemorable dahil sa masasayang pangyayaring kanilang inukit.
At tama kayo ng nabasa kanina. Dalawa na lamang sila ni Grey umuwi pagkatapos mabigo syang mahanap ang babaeng huling nakasama nya sa iisang kamang kanilang pinagsaluhan.
Matapos ng magandang panaginip na iyon, ginising sya kinaumagahan ng walang bakas nito.
Ilang araw pa silang namalagi sa bahay bakasyunan na iyon ngunit kabiguan lamang ang sinampal sa kanya ng paraiso.
Ang anak nya, hayu't hinahanap sa kanya ang babaeng hinahanap nya rin.
"Umalis lang si mommy sandali, she'll come back grey, just wait." Nakakagago man isipin ngunit maging sya ay ayun ang pinanghahawakan.
Binabaliw sya ni Mallari. Ang emosyon nya, di na mawari, ang pag-iisip nya kumikitid din, san nga ba nya hahanapin si Mallari?
...
Kinaumagahan isang malamig na tubig ang gumising sa lasing na Darth.
"Fuck you Darth. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? You're a mess. Nakikita mo ba ang sarili mo? Ang bahay mo?" Isang nakakairitang tinig ang bumulahaw sa kanya.
Basang-basa sya dulot ng ibinuhos sa kanyang isang basong tubig. Ang mga lata at bote nagkakalat sa sahig, maging ang mga frames, baso at jars ay nagkalat, patunay na nagwala sya.
"What are you doing here?" Aniya sabay hilot ng sintido. Napaingos sya sa sakit ng ulo nya.
"Ano ginagawa ko dito? Ano pa nga ba Darth? Ilang araw ka ng ganyan, pati anak mo pinababayaan mo na. Sa tingin mo ba babalik sya pag sinira mo sarili mo? Man, what's going on with you?" Mababakas ang panggigil sa kanya ng kaibigan.
"Alagaan mo muna si Grey, wag mo muna sya iuuwi rito." Malamig nyang sambit. Tumayo na sya at akmang aakyat upang matulog uli sa kwarto nya nang...
"Darth Lucas Donovan!" Matigas at malakas na sigaw ng babae.Napairap nalang si Darth.
"Go find her! Dont be stupid!" Sambit nito.
"Reena I can't find her! Where on earth is she!?"
...

Masakit man ang ulo dulot ng sobrang nainom, kahit papaano ay natauhan sya sa pinamukha ng matalik na kaibigan sa. Kanya. Kay Reena na muna niya pinaubaya ang anak hanggat sirang sira pa sya. Alam niyang mapapabayaan nya ang anak sa sitwasyon ngayon ng puso niya. Ayaw nyang madamay ang musmos sa kalugmukang nararamdaman niya.

Go find her! Don't be stupid!

Indeed he is stupid for his first reactions on what happened, but who can blame the hurt ones?who? And to think he is clueless where is she made him frustrated more and more.

Pinuntahan niya ang tirahan ng magulang nito. At batay sa kawalan ng mga bakas, naging malinaw sa kanya ang lahat lahat. Umalis ang mag-anak nang malinis at walang nakakaalam. Nagtanong tanong sya sa mga kapit-bahay at mga nakakakilala dito, ngunit wala rin silang kamalayan sa pag-alis ng kapit-bahay nila.

Sinubukan din magtanong tanong ni Darth sa mga kaklase at kaibigan ng dalaga ngunit maging ang mga ito ay gulat sa pagkawala ng mga ito.

Mapanglaw at naghihinagpis man ang puso  sa mga nalalaman nagpatuloy parin sya. Napapagod man ay hindi nya ininda. Mahal nya ang babae at yung ang sigurado sya.

PARENT FOR HIRE  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu