kabanata 30

2.5K 71 0
                                    

"Aray! Ano ba, masakit ah!" Daing niya ng batukan sya ng kaibigan nyang kauuwi lang galing sa mahaba nitong bakasyon. Ito ang pasalubong nito sa kanya pagkapasok ng campus.

"Engeng ka! Hinawakan ka lang sa puson, umarte ka na naman. At tyaka kung ako naman talaga ang makakakita sayo na may kasamang lalake at hinanap ka pa maghapon, ayun din magiging reaksyon ko." Aniya nito.

"Eh! Wala naman kaming ginawa ah, nilibre pa nga kami e. Tyaka hinanap ko rin sya. At tyaka hindi parin niya dapat ginawa yun dahil... natakot niya ako sa ginawa niya." Mahina ang pagkakasabi niya ng huli.

"Hindi mo ba maintindihan? Mallari mahal ka niya, kaya niya nagawa yun kasi nagseselos sya." Ani Olivia.

"P-pero, paano nalang kung lumagpas lang sa ganun ang ginawa niya, edi napakalaking prob--"

"Loka! Sa tingin mo ba ipapahamak ka niya?" Sambit nito na nagpatahimik sa kaniya. Wala syang maisagot.

Buti nalang talaga at lumiban ngayon ang kanilang unang guro, kaya nakapag-uusap silang dalawa sa oras ng klase nila.

"Magsi- cr lang ako." Aniya ng wala ng masagot. Tumayo na sya at lumabas.

"Whoo! Iwas- iwas din Mallari Alcantara. Hahahaha! Ganda mo kasi e," rinig nyang sigaw ng baliw nyang kaibigan. Napailing sya.

Pumasok lang sya sa cr para tingnan ang sarili sa salamin. Lumabas rin kaagad sya duon.

Paglingon nya nanlaki ang mata niya ng makita duon si Darth na nakatayo.

.

.

Isang linggo ng nagdudusa si Darth sa pag-iwas sa kanya ni Mallari, sabayan din ng pangungulila ng anak nito dito.

Hindi lang ang anak niya ang malungkot, nangangayayat, umiiyak sa gabi, at nanaginip dito dahil imaging sya ay ganoon din. Mistulang lantang halaman nga sya ng pumunta sa Xladest. Tinawanan lang sya at kinutya ng kaibigang si Reena pagkakita sa kanya.

Kaya nabuhay ang dugo niya ng makitang lumabas si Mallari ng silid-aralan nito ay sinundan niya kaagad ito.

"Sir !" Napalingon sya ng may tumawag sa kanya mula sa silid. Nakakalokomg ngiti ni Olivia ang nakita nya. Nginitian naman niya ang iba pang estudyanteng bumati sa kanya, na akala mo'y kinikiliti.

Sa cr ito tumuloy. Buti nalang at ito lang ang naroon kaya makakausap niya ito. Halatang nagulat ito ng makita sya, kaya ng tumalikod ito para bumalik sana muli pumasok ay niyakap niya na ito sa likod. Napahinto si Mallari. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya dito ng maramdamang kumilos ito.

"Mommy... Please come back to our home," pagmamakaawa niya. Naramdaman niya ang pagbagsak ng mga luha niya.

"H-hindi na pwede," sagot nito.

"Bakit? Dahil ba sa ginawa ko? I'm sorry please! Kailangan ka namin ni Grey." Aniya. Desperado na syang maibalik sa kanya si Mallari.

Hinarap niya ito sa kanya tyaka sya lumuhod. Yumuko sya, tuloy parin ang pag-agos ang mga luha niya. Itinaas ni Mallari ang mukha niya at tyaka pinunasan nito ang mga luha niya sa pisngi.

"H-hindi na pwede... Pinagbawalan na ako ni tatay." Sagot nito. Wala syang naitugon.

"Sorry..." Sambit nito. Dinampian sya ng halik sa labi nito tyaka sya iniwan nito.

Nayukom nalang niya ang kanyang kamao at natiim ang bagang niya.Naulit na naman.

"Kaya pala pamilyar ka" Napalingon sya ng marinig ang tinig na iyon.

Napakunot noo sya ng makita ang lalaking kasama nuon ni Mallari.

"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis nyang bulaslas.

"Estudyante ako dito. You know what, diba estudyante rin si Mallari at teacher ka pala dito, so ano yung nakita ko kanina?" Ani nito na tila may pinupunto. Sumilay pa sa labi nito ang isang nakakalokong ngiti.

"A teacher- student affair, huh!" Sarkastikong sambit nito.

"Wala kang alam." Aniya at tyaka lalagpasan na sana niya ito nang magsalita muli ito.

"Asshole! Hindi mo ba alam ang mangyayari kapag nalaman ng buong Xladest ang relasyon mo?"

Dali-dali nyang hinawakan ito sa kwelyo ng uniporme nito.

"Huwag kang mangialam samin." Banta niya dito.

"Tss..." Anito. Binitawan niya na ito at umalis duon.

.

.

"Tumigil ka na Mallari, kanina ka pa iyak ng iyak. Pugto na yang mata mo oh!" Pag-aalo ni Olivia sa kanya.

Tuloy lang sa pagiyak si Mallari. Matapos ang nangyari kanina. Nasasaktan sya sa kalagayan ni Darth. Gustuhin man nyang sundin ito ay may parte sa kanya na pumipigil at hindi niya matukoy iyon. Ginawa lang din nyang dahilan ang sinabi ng tatay niya.

Napatunayan din niya kanina na tama si Olivia sa mga sinabi nito at naintindihan niya na ang side ni Darth.

PARENT FOR HIRE  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt