kabanata 33

2.2K 63 3
                                    

Chapter 33

Parang kahapon lang ay magdamag silang magkasama, nagkwentuhan at nagdamayan, ngayon ay naririto na naman sa kanilang tahanan ang kaibigang si Olivia. Ano naman kaya ang kailangan nito? Kahapon kasi dumalaw lang pala ito sa kanya para makichismis at kamustahin narin sya, at mabuti nalang dahil gumaan din ang pakiramdam nya kahapon.

"Anong ginagawa mo na naman dito, aber? Ala-sais palang ng umaga at nanggagambala ka na." Aniya dito habang kinukusot ang kanyang mga mata. Umupo sya mula sa pagkakahiga.

Tumayo ito upang siguraduhing nakasara ng mabuti ang pinto at sinilip pa talaga ang kapatid niyang himbing ang tulog. Nagtaka sya bigla sa inasal ng kaibigan.

"Hoy! Ano ba talaga kailangan mo?" Kunot-noo nyang tanong dito.

Umupo ito sa kanyang higaan katabi nya.

"Sshh! Hinaan mo boses mo." Aniya nito.

"Ano ba kasi meron? Natatakot ako sa kinikilos mo eh!" Mahina nyang sambit.

"Si Ma'am Reena, pupunta sya dito mamaya," Anas nito.

"Bakit naman?" Pagtataka nya.

"Ewan, pero feeling ko tungkol to kay Sir Darth. Ang balita ko hindi na ito pumapasok simula nung huling araw na pumunta sya dito. Kaya pala hindi ko na sya nakikita."Pagkwento nito.

Bigla naman sya nakaramdam ng pag-aalala. Bigla ay bumilis ang tibok ng puso nya na tuluyang gumising sa kaninang himbing nyang diwa.

"Bakit, anong nangyari? Si Grey, kamusta sya?" Tanong nya.

" Nagtanong ka pa kung bakit, malamang dahil sa iyon sa nangyari sa inyo. At si baby Grey, alam ko ay nasa bahay siya ni Ma'am Reena, ewan ko kung bakit." Anas nito.

"Ano na naman bang ginagawa ng ama ni Grey?" Aniya tila naiinis ngunit mas matimbang parin ang pag-aalala nya sa bata at sa ama nito.

"Baka nambababae!" Biglang sabat nito. Nanlilisik nyang tinignan ito.

"Hehehe! joke lang, ito naman hindi mabiro!" Aniya nito na nangingiti.

"Hindi nakakatawa ang biro mo." Aniya na seryoso.

Malaman lang talaga nya na nambababae ang hinayupak na ama ng musmos ay talaga namang masasapok niya ito.

...

Nang dumating ang tanghali ay totoo ngang pumunta si Gng. Palma sa kanilang bahay. Sakto namang kaaalis lang rin ng kaibigan na sa kanila na nag-almusal.

Hindi nya mabatid kung sya ba'y napaparanoid lang o talagang masama ang aura ng guro sa kanya. Wala kasi syang mabasang emosyon sa magandang mukha nito.

Nakaupo sila sa mahabang sofa ng kanilang sala. Nakaupo sya katabi ang kanyang mga magulang at kaharap nya si Reena.

"Magandang umaga po sa inyo, narito po ako upang kamustahin ang inyong anak. Ipinarereport po sa akin ng Guidance Councilor ng Xladest kung bakit o anong dahilan nya at bakit hindi na sya pumapasok." Magiliw na litanya nito.

"Hindi na sya papasok sa eskwelahan na iyon." Sa haba ng sinabi ni Reena ito lang ang nakuha nitong sagot sa kanyang ama.

Tumayo na ang kanyang ama at pumasok na sa silid nito.

"Pasensya na sa inasal ng asawa ko. Napagdesisyunan naming mag-asawa na ilipat na ng papasukang eskwelahan si Mallari." Aniya nito.

"Naiintindihan ko po."Sagot ni Reena at tyaka yumuko. Pagtango lang ang isinagot ng kanyang ina bago nito sinundan ang tinahak ng ama.

Sila nalang ang natira sa sala pagkaalis ng kanyang mga magulang.

"Anong nangyari kay Grey?" Paglalakas loob nyang tanong. Hindi alintana sa kanya ang biglang pagbago ng emosyon nito.

"Mabuti ang lagay nya sakin.Pero si Darth..." Aniya nito. Napabuntong hininga ito dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"A-nong na-nangyari sa k-kanya?" Kinakabahan nyang tanong.Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Please, puntahan mo si Darth. Puntahan mo ang tarantado kong kaibigan..."Aniya nito bago yumuko. Naramdaman nya ang tubig na tumulo sa kamay nya.

Pati ito ay nasasaktan sa nangyayari sa kanila. Hindi nya makaya na pati ang mga taong nakapaligid sa kanila ay madamay.

Gustuhin man nyang puntahan si Darth, ngunit hindi nya alam kung paano.

Paano ba!?

Z


PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now