kabanata 23

2.5K 85 0
                                    

Tahimik silang apat na nagsasalo sa pagkaing binalot niya.Nakangiting sinusubuan niya si Grey na hawak- hawak ang mumurahing kotseng laruan niregalo niya.Nakakatuwa ang musmos dahil kahit bata palang ay marunong na magpahalaga sa natatanggap, mamahalin man o mumurahin.

"Pasensya na baby kung yan lang ang kaya ni Mama.Yaan mo next time I bought -"

"No mommy, it's the best.Wait!" Nakangiting sambit nito.

Tumayo ito at tyaka tumakbo paakyat.Tinawag pa niya ito para sabihang huwag tumakbo.Maya- maya ay bumaba rin ito kaagad hawak ang kung ano na nakatago sa likod.

"Ano yan baby?" Tanong niya.

"Here mommy, this is from daddy and this is from me." Aniya nito.

Inilabas nito ang dalawang maliit na karton.Ang isa ay parihaba at ang isa naman at ang isa ay parisukat na mas malaki.

"Thanks baby!" Nakangiti nyang sabi.

Inabot niya ang dalawang regalo pero hindi niya binuksan.

Pagkatapos nila kumain ay umakyat na sina ng musmos para patulugin ito.Hindi nya parin pinapansin si Darth.Nakahiga na sya katabi si Grey na nakayapos sa kanya ng mahigpit.

"Sleep na tayo baby."

"No, I don't.You'll leave me again if I sleep.Please! Mommy don't leave." Humigpit ang pagkakayakap nito pagkatapos sabihin iyon.

Napabuntong- hininga sya.Ayaw man nyang umalis sa tabi nito ay hindi pwede.

"I will not baby.Kaya sleep na tayo." Nasabi nalang niya.

"Promise." Sabi nito na nakasiksik sa katawan niya.

"Pr-promise."

Maya- maya lang ay nakatulog na din ito.Dahan- dahan syang lumabas ng silid ng musmos.

Napapitlag sya ng makita si Darth pagkasara niya ng pinto. Pero hindi niya pinahalatang nagulat sya sa presensya nito.Lalagpasan na sana niya ito ng ipasandal sya nito sa pinto at ikulong sya sa bisig nito.

"Uuwi na kami." Malamig nyang sabi.

Hindi niya pinahalatang naiilang sya sa sobrang pagkalapit ng mukha nito sa mukha niya.

"I miss you..." Sinserong sambit nito.

"Namiss mo pala ako nyan ah! Pero humanap ka na agad ng bagong mommy ni Grey! Just wow!" Sarkastikong bulaslas niya.

"She's just a friend Mallari." Paliwanag nito sa namamaos na tinig.

"Pero mama na tawag ni Grey sa kanya.Ilan bang ina ang gusto mo para sa anak mo huh? Tatlo o libo?"

"Its not what you think.Tita talaga ang unang tawag sa kanya ng anak natin pero sya ang nagpilit na tawagin sya ni Grey na mama.At isa lang ang gusto kong maging ina niya, ikaw lang." Aniya nito.Parang musika sa tainga niya ang sinabi nito.

"Kailan pa sya pumalit sa pwesto ko?" Tanong niya.

Napabuntong hininga si Darth bago magsalita.

"Nang minsan pinasyal ko sa park si Grey dahil tahimik na sya since you leave.Nawala na naman sya nun at si Qri ang nakakita sa kanya na hinihika. Dinala namin siya sa hospital.Hindi sya umalis sa ospital hanggat hindi nailalabas si Grey.Lagi syang nakikipaglaro kay Grey."Litanya nito.

"Tss... Pero nung nasa cellphone akala mo kung sino makapagtanong.O baka naman plano mo na syang asawahin?" Naiinis nyang sambit.

"Kung may plano man akong asawahin, ikaw lang iyon." Pagkatapos sambitin ni Darth iyon ay natigilan sya.Naubusan sya ng naibabato mo dito.

"Sa susunod na makita ko pa sya kasama nyo, malalagot ka sakin!" Banta niya. Kwinelyuhan niya ito.

"But-"

"Gusto mong hindi na ako bumalik.Try me Darth." Paghahamon niya.

"Tsk! Fine." Umirap na pagsuko nito.Napangiti sya.

"Good boy! Oh! Sige uuwi na kami ni Miranda at baka hanapin kami nila nanay."

"It's that all?" Tanong nito na tila may hinihintay.Tumango sya.

"Oo. Dumalaw lang kami ngayon.At uuwi na kami." Nakangiti nyang sabi.

"Fine." Tila diamayadong ani nito.Tumalikod na ito.

Pero bago pa ito makapaglakad ay tinawag niya muli ito.Pagkaharap nito ay mabilis nyang dinampi sa labi nito ang labi niya.

"Bye Daddy!" Nakangiti nyang sabi.

"Bye mommy, I love you!" Niyakap pa sya nito sandali.

Hindi pa sya sumagot.Gusto niya pang mas lalong mapatunayan ni Darth na sinsero ito sa nararamdaman nito sa kanya.

Bumaba niya sya.Ginising pa niya si Miranda na nakatulog na sa sofa.Nakangiti syang umalis ng mansyon.

"Parang baliw kapatid, kanina may paiyak- iyak kang nalalaman tapos ngayon ngumingiti kang parang nababaliw." Naiiritang sambit ng pakielamera nyang kapatid.

"Che!" Inirapan lang niya ito pero hindi parin naaalis ang ngiti sa labi niya.


PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now