kananata 22

2.7K 82 0
                                    

Lubos ang pasasalamat niya ng makasalubong niya si Ma'am Reena sa supermarket na binilhan nila ng panghanda para sa mamaya ng ina niya.Sya ang unang lumapit dito dahil hindi naman sya kaagad nakita nito sa sobrang dami ng tao.Buti nalang talaga at inikot niya ang paningin niya sa paligid.Nagawa nyang makuha ng lihim dito ang numero ni Darth kahit nakaharap ang ina niya. Nag- senyasan lang sila. Napagtanto nyang ngayon lang niya nalaman ang numero nito simula ng makilala at makasama niya ito.

Nasa kwarto sya ngayon kasama ang kapatid niya.Nae-excite sya.Hinihintay nilang sagutin ni Darth nila ang tawag.

"Hello?" Sagot sa kabilang linya.

Napatakip sya sa bibig.Gusto nyang maiyak ng sa wakas ay muli nyang narinig ang tinig na iyon.Hello palang ang sinambit nito pero parang awit na sa tainga niya ano pa kapag humaba na.

"Darth!" Napasigaw nyang sabi dahil sa galak.

"Sshh!" Sita ng kapatid nya

"M-mallari?" Paninigurado nito.

"Kamusta kay—" Naputol ang sasabihin niya ng may nagsalita muli sa kabilang linya.

"Darth sino yan?" Anas ng di pamilyar na boses ng babae.

"Ah...eh!"

Nagtangis ang bagang niya.Kumulo na naman dugo niya.Gusto niya pisain ang teleponong hawak niya.Lumalandi na naman ang loko!

"Mallari nandyan ka pa?" Rinig nyang sabi ni Darth.

"Hinayupak ka! Pupunta ako mamayang ala-una ng madaling araw.Malalagot ka sakin." Maladragong banta niya.

"Hey! babe it's not what you think.She's —" Pagdedepensa ni Darth.

"Babe? Ulol wag mo ko matawag- tawag na babe.Huwag mo ko igaya sa mga kalantari mo.Huwag kayo matutulog agad masasapak kita!" Bulyaw niya.

"Hey—" aareglo pa sana ito ng putulin na niya ang linya.

Kaya pala nakakaramdam sya ng mali.Ang hinayupak naglandi na naman!

"Wow! Ate selos ang peg?" Aniya ni Miranda na nang-iinis.

"Che!"

"Hahaha! Nagseselos ang ate? Bakit ka magseselos, kayo ba?" Mula sa pagtawa ay nagseryoso ito ng sambitin iyon.

Aw! Tinamaan sya ruon ah! Tama ang baliw nyang kapatid, nagseselos sya.Hindi naman niya pipilipitin sa isip ang babaeng kalandian ni Darth kung hindi diba? Nagulo nalang niya ang buhok sa inis.

"Argh! Piste kang Darth ka!" Sigaw niya.

"Hahaha! Ang cute ni ate magselos!" Biglang anas muli ng kapatid niya na tumatawa.Baliw!

Kating- kati na sya sa kakahintay pagsapit ng ala-una.Gusto niya ng pumunta sa mansyon pero alas- nuebe palang ng gabi.Ilang oras pa ang hihintayin niya.Nagluluto sila ng nanay niya ng pancit habang ang kapatid niya at ama niya ay nanunuod sa sala.

Alas- onse na ng gabi ng matapos silang magluto ng ina.Isang oras na lang alas- dose na pero pagsapit ng ala- una ang hinihintay niya.Nasa labas silang mag-anak nagkakantahan kasama ang mga kapit- bahay.Nilabas niya ang ibang handa para ibahagi sa mga kapit- bahay.

Alas- dose, bisperas. Ala- una.Sumapit na ang oras na iyon ngunit hindi parin sya nakakaalis.Gising pa kasi ang mga magulang niya.Samantalang si Miranda ay tumba na.Nagkakantahan at may konting inuman parin ang mga magulang niya kasama ang mga kapit- bahay nila, nagsasaya.

Hindi na sya makapaghintay na bumagsak na ang mga magulang niya.Pumasok sya sa kusina.Pinagbalot niya ang iba nilang handa para pasalubong kay Grey. Oo, kay Grey lang dahil nabubwisit sya sa ama nito.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now