kabanata 53

674 21 6
                                    

Nang mga oras na iyon ay sa hindi malamang dahilan biglang naalala at nagmamadaling umalis si Olivia. Naalala nito na may flight pala itong hahabulin. Hindi na sya nagtanong pa kung saan ang byahe nito kung paalis ba ng bansa o hindi. Hinayaan nya nalang itong umalis pagkapaalam.

Hindi nya sana iisipin e. Hindi sya sana mangangamba. Ngunit hindi maiwasan. Magkahalong kaba at galit ang namumutawi sa kanya habang iniisip ang mga hindi dapat maisip. She was in deep deep thought. Aminado rin sa sarili na paranoid sya right at this point, kahit hindi naman dapat.

That night din kasi after ng encounter nya kay Olivia, sa hindi malamang dahilan hindi umuwi si Darth. Wala rin nakakaalam sa lahat ng taong nasa bahay kung nasaan ito ngayon, kahit ang kanyang anak. She must not think of him, matanda na ito at bahala na ito dapat sa mga gusto nitong gawin. But then, she can't just help it.

Overthinking is eating her up. Madaming pumapasok sa utak nyang hindi maganda. Kung nandon ba ito ngayon sa babae nito at kung anong ginagawa nila o kasama nitong pumunta kung saan man ang nagmamadaling si Olivia kanina.

Ala una ngunit ito sya panay ang pag iisip at pag ikot sa loob ng kwarto nya. She can't sleep. Nagpupuyos ang damdamin nya ngunit hindi nya maiwasan ang mag alala. Kanina nga ay nagawa niya itong tawagan ng dalawang beses, ngunit hindi na umulit pagkatapos ng dalawang tawag nyang walang sagot.

Napatigil sya sa kakaikot sa kwarto nya ng biglang bumukas ang pinto ng dahan dahan. Nainis sya sa sarili nang makaramdam ng pagkabigo nang makita ang anak nya pala ito. Aminado sa sariling nag akala syang si Darth iyon.

Isang ngiting tila natatae ang iginawad nya sa anak na kumukusot pa sa mata. Tinignan sya nito na tila nagtataka kung bakit sya gising pa at nakatayo doon.

"You are waiting daddy?" Tanong nito.

"No anak, I mean nakauwi na ba sya? Nevermind, bakit gising ka pa?" She asked.

"I had a bad dream, can I sleep with you?" Mahinang sambit nito na tila nahihiya pa. Napangiti sya. Saglit na nakalimutan ang panggigigil nya sa ama nito.

"Sure Grey, come here." She said. Agad nyang inayos ang higaan at iniya na ang anak. Agad naman itong lumapit at humiga. Halatang nagising lang sa mahimbing na tulog.

"Thank you."

"As long as for you anak." She smiled. She gave a soft kiss in his head at hinayaan na pumikit ito at bumalik sa pagtulog.

Umupo sya sa higaan. She can't sleep. Sinubukan naman nya ngunit ayaw sya dalawin ng antok. Dagdag pa na hindi parin nya matanggal sa isip ang hindi pag uwi ni Darth.

Is he with Olivia? Paulit ulit nyang tanong sa isip. Nakakainis dahil kahit kumbisihin ang sarili na hindi at nagkataon lang ay hindi nya parin maalis ang bumabagabag sa kanya na baka nga magkasama ang dalawa.

Kaya naman ng gumising sya mula sa dalawang oras na tulog ay bumangon na sya. Sumilip sya sa bintana, agad na sinalubong ang malamig na simoy ng hangin habang tanaw ang asul na langit at dinig ang himig ng mga ibon sa paligid. She sighed. The morning is good and pleasant, she isn't. Alas singko palang ng madaling araw ngunit napagdesisyunan nya ng tumulong sa paghahanda ng almusal.

Kagabi ay hinintay nyang umuwi si Darth hanggang sa makatulog sya. At pagkagising ay iyon agad ang ginawa nya, icheck ito sa kwarto nito. At batay narin sa mga kasambahay hindi ito umuwi simula pa kagabi. Ngayon nanggigigil na sya sobra dito. Sobra!

Malamang nga ay magkasama ngayon ito at si Olivia kung saan man sila. Nang sumapit ang alas otso nagawa na rin nyang tumawag sa opisina nito ngunit ang sagot sa kanya ng kabilang linya ang nagpainis sa kanya lalo. Pareho itong hindi pumasok simula pa kahapon. Maging si Reena ay tinawagan nya sa kadesperadahan.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now