kabanata 28

2.9K 63 5
                                    

"Mommy let's go there!" Hinatak sya nito papunta sa malaking carousel.

Sa enchanted kingdom nila napagdesisyunan magtungo. Nilibot nila ang kabuuan nito, hindi kasi sila pwedeng mag- rides at pumasok sa mga ghost house dahil baka atakihin ng sakit nito ang musmos. Kahit hindi naman nila nagagawa ang mga iyon ay namamangha naman sila sa mga nakikita nila.

Huminto sila ni Grey sa isang palaruan. Napatingin sya sa naglalaro, binabato nito ang mga boteng nakahilera gamit ang mga maliliit na bolang hawak nito.

"Mommy can you get that to me?" Tanong ng musmos. Napadako ang tingin niya sa tinuturo nito- malaking spiderman na manika.

Haruko, jusko po! Nasaan na ang pisting Darth na iyon? Nilibot niya ang paningin sa paligid.Bigo nyang nakita ang hinahanap.

"Wait lang baby ah!"Kinarga niya ito tyaka lumapit sa mamang sa tingin niya ay ang may- ari nun.

"Ah, manong pwede po bang bilhin yung manikang iyon?" Tinignan nito ang kanyang tinuro.

"Nako! Pasensya na miss, hindi pwede eh. Papremyo kasi yan, kung gusto mo maglaro ka nalang." Sambit nito at hinaya ang kamay nito sa palaruan.

Napakamot sya sa kanyang ulo. Hindi sya marunong nun e, hindi tuloy alam kung ano ang dapat gawin.Gusto iyon ng musmos kaya dapat ay maibigay niya iyon.

"Kahit po doblehin ko yung presyo kung magkano niyo po binili?" Dagdag pa niya.

"Hindi talaga pwede miss eh!" Umiiling na sagot nito.

Napatingin sya sa musmos. Kumikinang ang mga mata nito habang nakatuon ang tingin sa manika.Nakaguhit sa mga labi nito ang kagalakan sa pinagmamasdan.

"Kuya please! Dali na, gusto kasi ng anak ko talaga yun e! Kuya please, bilhin ko nalang!" Pagmamakaawa niya sa mama, yinugyog pa niya ang magkabilaang braso nito.

"Ang kulit mo miss, sabi ng hindi pwede eh!" Nakukulitang ani nito. Napakamot pa ito sa ulo.

"Dali na kuya please!" Pagmamakaawa niya.

"Sabi ng--"

"Kuya palaro ako." Nabaling ang paningin niya sa likod nang marinig ang napakalalim na tinig na iyon.

"Ah! Sige." Inabot ng mama ang ibinibigay nitong bente.

"Miss, may gagawin pa ako e. Maiwan na kita dyan." Pagkatapos sambitin iyon ay pumasok na ito sa loob para itayo ang mga bote.

Nanlulumong tinignan niya ang paglalaruan. Pumwesto na ang lalaki, at naghanda na para maglaro. Limang maliliit na bola ang hawak nito. At sa limang iyon kailan makatama ka ng tatlong bote. Medyo malayo ang pwesto sa titirahing bote.

Pinagmasdan, inobserbahan at pinag- aralang mabuti ni Mallari kung paano maglaro ito. Sa umpisa ay natalo ito, kaya nag isang laro muli ito.Sa una at pangalawa muling tira ay wala muli itong natamaan.Napangiwi sya, mukhang sa palagay niya hindi rin ito marunong at walang pag- asa sa larong iyon gaya niya. Sa tanya niya ay nasa dalawanpu na ang edad nito.

Ngunit hindi sya makapaniwala ng pagdating sa huling tatlong tira ay magkakasunod nitong nakatumba ng bote. Napapalalpak pa silang sabay ni Grey pagkatapos.

"He's cool, mommy!" Puri ng musmos.

Natigil sya sa pagtalon at pagpalakpak ng mapatingin sa kanya ang lalaki ng nakangiti. Umiwas sya ng tingin. Pahiya ka ateng! Biglang narinig niya sa isip ang tinig ng kanyang kapatid. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya kaya iniling- iling niya ang mukha.

Lumapit ang lalaki sa salaming kahon na pinaglalagyan ng manikang spider man.

"Pumili na po kayo ng gusto niyo ser." Anang ng mama sa lalaki.

Nagulat sya ng kuhanin ng lalaki ang manikang kanina pa niya pinupuntirya. Hinatak niya papalapit si Grey papalapit sa lalaki.

"Kuya, huwag yan ang kunin mo, pangit yan I swear!" Anas niya sabay ng turo sa manika na hawak nito.

Imbis na sumagot ay gumuhit muli sa labi nito ang abot langit na ngiti. Palapit ito ng palapit sya kanya ng hindi inaalis ang tingin at matamis na ngiti nito sa kanya. Natahimik tuloy sya.

Nilapit nito ng sobra ang mukha nito sa kanya dahilan para mapaatras ang ulo niya. Akala niya lalapit pa itong lalo, ngunit binabala nito ang katawan para lumuhod.

"Gusto mo ito, right?" Pagkausap nito sa musmos. Nakita nyang tumango ang mga ito.

"Take it. It's my gift for you." Kasiyahan ang namayani sa mukha ni Grey sa sinabi ng estranghero, maging siya ay nagulat. Ibig sabihin naglaro ito para ibigay ang gusto ng musmos.

Dagli- dagling hinablot ni Grey ang manika at niyapos ng mahigpit. Ginulo ng estranghero ang buhok ni Grey bago tumayo.

Nang tumingin muli sa kanya ito ay ngumiti muli ito.

"Sa-salamat Mr." Ani ni Mallari na nahihiya.

"Your welcome. Nakita kitang kinukulit ang mamang iyon, that's why I played." Sambit nito.Napayuko sya ng maramdaman ang pag- init ng pisngi niya. Dyahe! Haba ng hair ko... Aniya sa sarili.

"Thank you, again.Sana hindi mo na ginawa yun." Parang tangang sabi niya.

"Wala yun.By the way, I'm Dlight." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Nakipagkamay sya dito.

Hindi pa ba niya nababanggit ang tinataglay nitong karisma. Lalaking- lalaki ang aroma nito. May kalakihan din ang katawan nito, kaya bumagay dito ang long sleeve na v- neck at black pants na suot nito. Pagdating naman sa mukha nito- ang buhok nito ay makapal sa itaas at gupit sa ibaba, may kanto ang mukha nito, patusok ang matangos nitong ilong at nakasalamin ito ng parihaba ang lente. Mala- Aaron Yan ang mukha nito.

"Mallari..." Anas niya. Sya ang unang nagbawi ng kamay.

"Kayo lang ba ang magkasama ng--"

"Mommy look, spidey man is cute!" Anas ng musmos.

"Oh! He's your son, I thought... Hahaha! Hindi halata ah!" Ani nito.

"Anak ko nga sya. Siya si Grey. At para sabihin ko sayo magkamukha kami ng anak ko, right baby?" Anita. Pinagdikit pa niya ang pisngi nila ng musmos.

"Yes, mommy!" Sagot ng musmos na nakangiti

"Ang cute niyong dalawa. Kayo lang ba ang magkasama?" Tanong ni Dlight.

"Ang totoo nyan kasama namin ang hinayupak nyang ama e, kaso ayun nag- iba na naman ng landas." Naiinis nyang sambit. Nanggigigil sya sa kakaisip kung saan napadpad si Darth.

"I thought so..." Anas nito.

~kruu!~

~kruu!~

Nanlaki ang mata niya ng marinig at maramdaman iyon.

"Hahaha! Sabay pa ang tyan natin. Would you mind kung ayain ko kayo kumain dyan lang sa tabi.Then, I help you to look your husband." Aya nito sa kanya. Nakakahiya naman tumanggi kaya tumango nalang sya.

Lumakad na sila para pumunta sa pagkakainan nila. Habang tinatahak nila ang kanilang paroroonan ay may tanong na biglang sumagi sa isipan niya.

Husband? Pwede ko na ba syang ituring na asawa kahit hindi pa kami kasal?

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now