kabanata 24

2.6K 86 0
                                    

Limang araw na ang lumipas simula ng dumalaw sya sa mansyon.Hindi na sya gaanong nangungulila sa mag- ama dahil lagi nyang nakaka- Skype ang mga ito tuwing gabi.Binilhan kasi siya ni Darth ng sariling laptop at pocket WiFi.

Binigyan din silang magkapatid ng tig- isang Sony xperia nito. Iba pa yung regalong kwintas nito sa kanya ng pasko. Pouch naman na hello Kitty ang laman ng regalo ni Grey sa kanya.Nakakahiya tuloy sa musmos dahil mas mahal pa ang regalo nito kaysa sa robot na niregalo niya.

Nang tanungin ng nanay at tatay nila kung saan galing iyon ay sinabi nilang pinag-ipunan talaga nila yun na pawang kasinungalingan naman.

Disyembre 31 ngayon.Ilang oras nalang ay bagong taon na. Ang bilis ng panahon. Nasa supermarket na naman sya ngayon kasama ang nanay, tatay at ang kapatid niya.

Pumasok sila sa Chopsticks- isang Chinese fast food chain, nang makaramdam sila pare- pareho ng gutom. Sa haliging salamin sila malapit umupo.

Habang hinihintay nila ang inorder ay inikot muna nya ang paningin sa paligid.Sa dami ng tao sa malaking Mall na iyon ay napansin niya ang pamilyar na bulto.

Napatayo siya sa kinauupuan ng tumakbo palayo iyon.Para itong nawawala.

"Uh! nay, tay naiihi po ako." Bago pa makasagot ang mga ito ay nakalabas na sya ng fast food chain.

Tumakbo sya hanggang huminto sya sa gitna. Inikot niya sa paligid ang kanyang paningin. Bigo syang makita ang hinahanap kaya napagdedisyunan nyang bumalik.

Bagsak ang kanyang balikat at ulo habang naglalakad pabalik sa Chopstick.

"Ate uy!" Rinig nyang tawag sa kanya ng kapatid.

Inangat niya ang kanyang ulo at ibubuka palang niya ang bibig niya ng maramdaman nyang may yumakap sa likod ng hita niya.

"Mommy!" Anas ng pamilyar na tinig.

Nanigas sya sa kinatatayuan.Nabitin sa ere ang naka- nganga nyang bibig.Kilala niya ang may- ari ng tinig na iyon.Hindi sya pwedeng magkamali lalo pa' t isa lang naman ang tumatawag sa kanyang mommy.

Totoo nga nandito si Grey. Bakit sya narito? Sino ang kasama nito? Nasaan ang hinayupak na ama nito? Sunod- sunod na tanong niya sa sarili.

"Anak sino yan?" Aniya ng kanyang ama.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang magulang at kapatid niya sa kanya.

"Hello baby Grey!" Magiliw na bati ng kapatid niya sa musmos.

Lumebel ang kapatid niya sa musmos na nakayapos parin sa hita niya.Ngumiti ng ubod ng tamis ang kapatid niya ng tingnan ito ni Grey.

"H- hello Auntie..." Nahihiyang sagot ni Grey.

"Anak sino ang batang iyan?" Tanong ng ina niya.

Hindi niya alam ang isasagot. Kung magpapaliwanag sya ay kailangan nasa pribado silang lugar- tulad ng tahanan nila. Mahaba- habang oras ang kakailanganin.

"Mommy let's go home, I'm scared." Natatakot na sambit nito.

Ngayon lang niya napansing nangangatog ito kaya binuhat na niya ito.

"Tinawag ka nyang mommy?" Pagtataka ng ina niya.

Nang mapatingin sya sa ama niya kita nyang napaarko ang isang kilay nito sa narinig. Bigla syang kinabahan. Kailangan niya ng maghanda mamaya.

"Uh nay, tay mamaya na po ako magpapaliwanag. Mauna na po kayo umuwi, may aasikasuhin lang po ako. Miranda samahan mo ako.Dito na po kami." Paalam nya.

"Si- sige, mag-iingat kayo." Nag- aalangang sambit nito.

Pagkalayo ng mga ito ay hinila na nya ang kanyang kapatid para simulan ang paghahanap.

"Hey kapatid ano ba! Huwag mo nga ako kaladkarin." Reklamo ng kapatid niya.

"Bilisan mo kasi, kailangan natin mahanap kaagad si Darth. Mag- iisip pa ako ng mga sasabihin ko na paliwanag kayla tatay. Saan na ba ang hinayupak na iyon!" Naiirita nyang sambit.Inikot niya ang paningin sa paligid.

Magdamag silang naghalungkat sa malaking Mall na iyon.Pinuntahan nila kahit sulok ngunit bigo silang makita ang hinahanap.

Magtatanong sana siya sa musmos kung nasaan ang ama nito at kung bakit mag- isa ito ngunit nakatulog na pala ito sa leeg niya.

Hindi niya rin dala ang cellphone niya at lowbat naman ang sa kapatid niya kaya hindi rin nila matatawagan ito.

Sa huli ay napagdesisyunan nilang umuwi nalang din kasama si Grey.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now