Hinampas ko ang kamay niya.

Gago 'to, ah.

"Hindi marumi ang kamay ko!" usal ko habang binabawi ko ang mga iyon sa pagkakahawak niya.

"Marumi iyan. Hinawakan niya ang mga kamay mo kaya marumi na ang mga iyan," sabi niya at nanggigigil na kinukuskos ang mga ito.

Hindi ko na napigilan at natawa ako.

"Seryoso? Napakaseloso mo!"

Tiningnan niya ako nang tuwid sa mata.

"Hindi lang ito pagseselos. Akin ka, Blade. At ayaw kong may ibang humahawak ng kamay mo," seryosong sabi niya.

Naiiling na hinawakan ko ang likod ng ulo niya at hinila iyon palapit sa mukha ko.

"Hawak mo naman ang buong puso ko kaya wala ka nang dapat ikaselos, Yuzon," sabi ko at hinalikan siya.

I heard him groan before he responded to the kiss and took over.

"I love you, Klint... and thank you," I said in between kisses.

"Damn... I love you more, Blade. Let me show you how much. My place, alright?" aniya bago binuhay muli ang makina ng sasakyan.

Kahit na anong bigat ng pangyayari ngayong araw, hindi maitatanggi no'n na isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Akala ko habang buhay kong pagsisisihan ang pag-abandona ko sa anak ko.

But today, I have been redeemed. I was able to easily forgive when I thought it was the most difficult thing to do.

It's amazing how that one thing I was so scared to do will be the same thing that freed me.

Ngayon, masasabi kong kaya ko nang mahalin nang buo ang lalaking ito na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako.

Just you wait, Klint. I'll make you fall even deeper. Hanggang sa pareho na lang tayong malunod sa kawalan.

-MYCA-

"Sigurado kang hindi ka na dito matutulog? Pwede naman tayong magsabi kina Dad. I'm sure papayag sila," sabi ko kay Vince.

Magkahawak-kamay na hinatid ko siya sa labas ng bahay.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, dinala kaming lahat ni Daddy Kai sa isang restaurant at pinakain kami.

Kung noong una ay balot na balot ng katahimikan ang sasakyan, kabaligtaran no'n ang nangyari nung kumain kami.

Unang beses na nakita ko si Mine na tumatawa kasama ni Vann at ang tatay niya.

Kung tutuusin, pareho kaming outcast ni Klint sa grupong iyon.

Wala kami noong panahong pinagdaanan nila ang bangungot na iyon.

Pero simula nang hawakan ni Vince ang kamay ko noong nasa sementeryo pa kami, hindi na niya iyon binitawan, na para bang sinasabi niyang manatili lang ako sa tabi niya.

Pagkatapos no'n ay hinatid kami pabalik sa kompanya nina Vince. Sina Klint at Sugar ay sumakay sa sasakyan nilang basag ang windshield habang si Vann ay binalikan ang sasakyan niya.

Si Vince naman ay nagprisintang ihatid ako kaya pinauna na lang namin si Kuya Edu.

"Hindi na. Nakakarami na ako kay Tito, baka bumingo na ako," sabi lang niya.

"Hmmm. Sa akin ba ayaw mong makarami para bumingo na tayo?" maluwang ang ngiting pagbibiro ko.

Humarap siya sa akin at pagkatapos ay pinitik ako sa noo.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now