[2] Morgan Williams

Start from the beginning
                                    

Napansin ko naman na may mga students pang mga naka tambay rito kaya naman lumapit kaagad ako sa kanila. "Go back to your classroom now." Utos ko. Tumayo naman kaagad sila at nag bow sa akin at patakbong umalis. Napa iling na lamang ako. Tinahak ko na rin ang daan papunta sa classroom namin. Pumasok na kaagad ako at pumunta na sa silya ko.

"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nag punta?" Tanong kaagad sa akin ni Nicole habang inaayos ko ang bag ko. "Alam mo na ba?" Tanong pa muli nito. Naka kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Ang alin?" Tanong ko rin.

Inilapit naman niya ang armchair niya sa akin at bumulong ito. "Hindi mo pa talaga alam?" Tanong pa muli nito. Kaagad ko siyang binatukan ng magising siya sa katotohanan. "Ano ba talaga? Commonsense naman, Siyempre hindi." Sagot ko. Tumawa lang naman ito.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya. Napa tingin naman ako sa pinto dahil sa pag ingit nito, May isang babae na mahaba at straight na buhok ang dahan dahan pumasok. Katulad rin namin siya na naka uniform ng Hilton University. Naka shoulder bag ito at simple lang ang ayos niya naka clip lang ito. Kasunod naman nito ang Prof. namin.

"Okay class. We have a new Transfer. Please be good to her." Naka ngiting sabi ni Prof. Ciriaco. "Kindly introduce yourself Miss. Ortiz." Giit ng Prof namin. Ngumiti lamang siya.

"Good Morning Everyone. I'm Micah Ortiz. 18 years of existing. Lumipat kami rito sa Philippines galing akong, Australlia. I hope we can be friends." Naka ngiting sabi niya. "Siya yung New Girl." Bulong sa akin ng katabi ko.

Kaagad ko naman siyang nilingon na saktong naka tingin rin sa akin si Nicole. "Huh?" Sabi ko. Napa iling na lamang ito sa akin. "Yan pa yung sinasabi ko sayo kanina, Morgan's girlfriend." Bulong ni Nicole. Lumingon naman kaagad ako sa babaeng nasa harapan. Napa takip ako sa bibig ko, Tama nga. Siya yung babaeng nasa wallpaper ng iphone niya. Siya yung babaeng magandang wallpaper ni Morgan. Siya yung babaeng pinalit sa akin...

"Alam ko." Tanging salita na lumabas na lamang sa bibig ko. Hinawakan naman kaagad ako sa braso ni Nicole. "What?!" Tanong kaagad nito. Dahilan naman para makuha namin yung Atensyon ng lahat, umiwas na lamang ako ng tingin. Rinig ko na lamang ang pag tawa niya. "How?" Pabulong na tanong nito sa akin. Lumingon naman ako sa kanya.

"Sinabi niya sa akin. He's pretty amaze." Sabi ko. Naka tingin lamang ako sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Ano kaya ang ugali niya? Mabait ba siya? Maasikaso? She's so lucky. "Siya talaga mismo nag sabi sayo?" Tanong ni Nicole. Dahan dahan akong tumango na pirmis parin akong naka tingin sa babaeng nasa harapan. "Grabe, Mabuti at hindi ka umiyak." Sabi niya.

Dahan dahan naman akong napa lingon sa kanya. "Siyempre Hindi." Sabi ko. "Okay, Miss Ortiz. Sa Tabi ka nalang ni Mr. Dela Cruz." Utos ni Sir Circiaco. At sa harapan ko pa talaga ah? Napa tingin ako muli sa kanya habang papaupo sa tabi ni Thobie, Bahagya akong nagulat ng mag tama ang tingin naming dalawa. Iiiwas ko na dapat ang tingin ko sa kanya pero nginitian niya ako. "Hi." Bati niya.

Napa ngiti na lamang rin ako sa kanya. "Hello." Nasabi ko na lamang. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit, Napaka anghel ng boses niya. Siguro kapag kumakanta siya pweding maka tulog ang nasa tabi niya dahil ang lambing lambing ng kanyang boses at ang amo amo ng mukha niya. Hindi ko katulad.. Boses Kipay. Ugh.

"Himala, Nakipag batian ka." Bulong sakin ni Nicole, Pinukol ko na lamang siya ng masamang tingin. "Okay Class Open your Book on page. Number 12. Answer the activity One Go." Utos ni Sir Circiaco. Kinuha ko naman narin ang Libro ko sa History at nag labas na ako ng ballpen mula sa bag ko. "Hilig magpa activity." Bumubulong na si Nicole.

Mag sasagot na dapat ako pero hindi ko maiwasan hindi siya tingnan kahit naka talikod na siya. Jess Wake up! Nawawala nanaman ako sa concentration ugh. Umiling na lamang ako at sinagutan ko na ang activity one.

"Done." Napa tingin ako sa kanya ng sabay naming iyon sabihin at parehas pang naka taas ang kamay. "Wow! May kasabayan ka na ngayon Miss Jung." Sabi ni Sir Circiaco. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya tumayo naman narin ako at mas naunang nag lakad patungo sa kanya upang i-pass ang History Book.

Hanggang sa matapos na ang klase. Pumunta ako sa Student Council Room, Para ito sa amin. Nag patawag ako ng meeting dahil nga sa sinabi ng isang Prof na kailangan namin bumili ng materials para sa gaganapin na Charity Event na hindi ko naman alam kung saan. Hindi naman silang lahat pinapunta ko. Ang Vice President lang at ang Secretary.

"Hi Jess!" Napa tingin ako sa pumasok. Si Morgan.. Yes. Siya yung Vice President kaya.. Ugh! Napa tayo naman kaagad ako sa kinauupuan ko. "Ikaw lang ba?" Tanong ko kaagad. Umiling naman kaagad ito sa akin. "Nope. She's here, Our New Secretary." Sabi niya. Kumunot naman kaagad ang noo ko. "What?" Tanong ko. "Ay, Sorry. Hindi pa pala nasabi sayo ni Mam Rivera na. Umalis na si Mitch dahil sa lilipat na sila sa Korea. So May bago na tayong secretary. And She's Micah." Ngiting ngiti niyang sabi.

Dahan dahan nag bukas ang pinto at iyon nga si Micah, Naka ngiti siyang pumapasok na kaagad naman siyang sinalubong ni Morgan. Napa ngiti na lamang ako sa kanila.

Ito na nga lang yung time para magkasama kaming dalawa. Nawala pa.

Buhay nga naman oo.

--

Vote and Comment. Thanks! :*

Lovelots.

Mrs-Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now