Naalala ko kung paanong halos suntukin ko siya nang malaman ko ang ginawa niya sa binatilyong Vince. Yes, we had agreed on an arranged marriage between Myca and Vince, but if only none of them falls in love with another person when they turn 21.

Pero nagmahal ng iba ang anak niya. At hindi ako ganoon kasama para tanggalan ng kasiyahan hindi lamang si Vince kung hindi pati na ang anak ko.

"And where did that lead him now? Sa anak mo. Kay Myca pa rin, diba?" sabi niya.

I looked at him in disbelief.

"Kai. Don't tell me you planned this all along?!"

Hindi ko kahit kailan maaarok ang takbo ng utak ng isang 'to. He was shrewd, both in business and his family affairs.

"Of course not, Eli. Ganyan na ba ako kasama sa paningin mo?"

"Oo."

Muli siyang natawa bago muling nagseryoso ang mukha.

"Nagawa ko iyon sa anak ko noon dahil ayaw kong masira ang buhay niya. I told you before, right? He was too young to handle that kind of responsibility. I don't want to see him break before my eyes. It was okay if he hated me, but I can't let him hate himself once he realizes he fucked up. Pero hindi ibig sabihin no'n na papabayaan ko ang apo ko. Believe me, I did everything I could to make up to Sugar, but it was too late. Dadalhin ko na hanggang sa hukay ang pagsisisi ko sa pagkawala ng apo ko."

Malalim ang pinakawalan kong buntong-hininga. Parang nanikip ang dibdib ko sa mga narinig ko.

"I will never understand you, Kai."

"Well, I never wanted you to, so don't even try, Eli."

I shook my head.

"I don't care about us not being business partners anymore, but Vince will marry my daughter. Hindi pwedeng hindi."

Sumandal siya sa upuan niya.

"I have learned my lesson in the hardest way possible. Kaya ang pagpapakasal ni Myca sa anak ko ay nasa desisyon na ni Vince. Hindi ko na hahayaang kamuhian niya akong muli dahil sa pakikialam ko sakanya."

I grinned.

"Good. Let Vince do it on his own, and don't get in the way."

"We'll see."

-MYCA-

Napaunat ako at marahang hinilot yung batok ko nang makaramdam ako ng pagod.

Napatingin ako sa relo ko. Mag-a ala sais na pala.

Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang dami ng pananaliksik at pag-aanalisang ginawa ko.

At nasaan ba si Dad? Bakit hindi na niya ako binalikan?

Inayos ko ang mga papeles sa mesa at pinatay ko na ang computer saka na ako lumabas ng opisina.

Nagulat ako nang makita ko ang sekretarya ni Dad na nasa pwesto pa rin niya.

"Ms. Carmi, bakit nandito pa ho kayo? Dapat umuwi na po kayo kaninang ala singko diba?"

Masuyong nginitian lang niya ako.

"Ayos lang po, Ma'am. Inihabilin po kayo sa akin ni Sir Eli."

Sabay na naglakad kami papunta sa elevator at sumakay. Halos wala ng mga empleyado. Tanging yung mga housekeeping at guards na lang ang narito.

"Nasaan nga pala si Dad? Pagkatapos naming mag-lunch kanina, hindi na niya ako binalikan."

"May importanteng appointment lang pong pinuntahan si Sir at hindi na po niya kayo inabala para magpaalam."

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon