Ika-dalawampu't anim

Start from the beginning
                                    

Isang buntong hininga ang kumawala bigla sa akin. Kalma lang... Tapos na iyon. H'wag ng isipin. Pero kasi...

"Kailan ba ulit tayo mag-ha-hang out with James and the group?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig iyon. Sabay na nagtama ang paningin namin ni Meriah.

Hindi yata alam ni Chustine ang nangyari...

"James!" Napalingon kami kay Nat. Kasama niya si Andeng, marahil ay tapos na sa defense nila. "Meriah..." nakangiti rin namang bati ni Nat, medyo nahihiya at 'di mapakaling nakatingin kay Meriah.

Sa pagsulyap niyang muli sa akin at kay Andeng na kasunod niya–na wala man lang ekpresyon, alam ko na kung bakit... Nanghingi man ng tawad si Andeng, hindi pa rin sila nagkakaayos ni Meriah.

Pabagsak na naupo sa tabi ko si Andeng habang nahihiya namang ngumiti si Nat kay Meriah nang tabihan niya ito.

"Is that Natasha?"

Dumapo ang tingin namin sa cellphone na nakapatong sa mesa. Kahit si Andeng man na pinananatiling matigas ang ekspresyon ay napatingin.

"Uhm... yes, Chust," halos bumulong na lang si Meriah.

"Hey, Natasha," rinig kong bati ni Chustine.

Nahihiya man ay unti-unting dumikit si Nat kay Meriah upang makita siya nang buo sa cellphone.

"H-hello, Chust..."

Oh. Chust... Talaga lang, Nat, ha? Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa, ah?

Nawala rin naman ang tensyon nang humaba ang usapan nina Chustine at Nat. Nakikisali rin sa tawanan si Meriah dahil parehong palabiro ang dalawa. Samantala, nanatili namang tahimik si Andeng. Siguro nga ay ayaw pa rin niya kay Meriah, pero natuto naman na siyang manahimik at respetuhin na lamang ang mga pagkakataong kasama namin ito.

"Ngiti naman d'yan," pabulong kong biro kay Andeng.

Sinulyapan niya lang ako... Napabuntong hininga siya at unti-unting bumagsak ang balikat. Ayos na 'yon. Alam kong pinipilit naman niyang maging maayos.

Nahuli ko namang nakatingin sa amin si Meriah, na agad din namang umiwas, nang ibalik ko sa harap ang aking tingin.

Maya-maya pa ay natanaw na namin si Jef na papunta rito. Kasama niya si Kelsey na siyang partner niya sa research paper.

Alam naman ng karamihan na ayaw niya kay Meriah. Kaya naman ang makita niyang kasama pa namin si Meriah, lalo na't kasama rin nina Andeng at Nat na sila palang dating nagkakampihan sa pagkamuhi kay Meriah, ay nagdulot upang mapawi ang kaniyang ngiti. May sinabi ito kay Jef, pagkatapos ay nakasimangot na itong umiba ng daan.

"What's up, guys?" bungad ni Jef sa matigas na paraan ng pagsasalita, papresko lamang ang dating at hindi pinapansin ang pagkakasama-sama ng tatlong babae.

Sa halip, ako ang binigyan niya ng nakakalokong tingin. Mataman ko siyang tiningnan.

"Magkamali kang loko ka..." Natawa siya. Tingin ko nama'y nagkaintindihan kami sa pamamagitan lamang ng tingin. Bwisit ang lokong ito.

Inilapag nito ang dalang suit case sa batong mesa, makaagaw-pansin tuloy ang tunog ng pagkakalapag nito... Halatang mabigat. Nagtanggal siya ng americanang suot at niluwagan ang neck tie.

"Kumusta naman ang hearing, Atty. Cervantes?" biro ni Nat kay Jef.

"Panira 'tong suit case, e, 'no?" Halos umismik si Jef pero natawa na rin. "At least..." Ipinagbahagi niya ang kaniyang mga braso na tila mo ba may yayakapin at nagkibit-balikat... nakangisi at nagyayabang.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now