At sa balitang iyon, pinakita ang iba't ibang pictures namin ni Myca na magkasama.

Nariyang kalalabas lang namin ng bahay, nasa mall, nasa parke, nasa restaurant.

Pero hindi lang iyon ang mga litratong nasa balita.

Mayroon din silang litrato ni Vann. Nasa isang shop, isang salon, paakyat ng condo.

And the pictures were taken in a way that they will appear malicious.

I started breathing heavily. Halos ibato ko ang laptop na hawak ko sa galit na unti-unting gumagapang sa dibdib ko.

Parang may pumitik na kung ano sa ulo ko lalo na nang ilabas ang headline ng balita.

BREAKING NEWS!

Glen Henarez calls off engagement and wedding with Myca Lee! Lee: caught having an affair with two guys! And what's more shocking? She's living with these two in one house!

Putangina! Ipapakulong ko ang tanginang naglabas ng basurang balitang iyon!

Mabilis na isinara ko ang laptop at tumayo.

I need to see Myca. Fuck. I can't let her see this shitty news alone.

"Kuya, can I come?" pagsunod sa akin ni Vann.

Tinanguan ko na lamang siya.

"You drive," sabi ko sabay hagis sakanya ng susi ng kotse. Dahil sa lagay ko ngayon at panginginig ng kamay ko sa sobrang galit, hindi ko alam kung makakapag-drive pa ako nang maayos.

Wait for me, Mine. I'll send that bastard to hell.

-MYCA-

"Dad?" mahinang tawag ko sa Daddy ko habang tahimik na kumakain kami ng almusal.

"Yes, Myca?" sabi niya at sinimsim yung kape niya.

"Can I come with you today? I want to visit the company."

Tiningnan niya ako.

"Are you really sure about this, anak? I don't want to put pressure on you."

"Dad, para saan pa at pinag-aral niyo ako sa magagandang school kung hindi ko gagamitin iyon para matulungan kayo, diba?"

They wanted me to take a course related to my hobbies, but I took up Business Administration instead because I genuinely wanted to help my Dad expand his business.

He sighed.

"If that's really what you want. Eat up, we'll go to the office together," sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nginitian lang si Mom na tahimik lang na nanood sa amin.

Ganito pala kapag nasasabi ang lahat ng nararamdaman, kapag nakakapag-usap nang maayos.

Pagkaalis ni Vince kagabi, nagkaroon kami ng heart-to-heart talk ni Dad.

"Dad?" mahinang tawag ko nang pumunta ako sa study room niya.

Nagtaas siya ng tingin. He removed his reading glasses and smiled at me.

Tumayo siya at pagkatapos ay ibinuka niya ang dalawang kamay.

"Come here, Myca."

Umiiyak na tumakbo ako papunta sa kanya at mahigpit na niyakap siya.

Bumuhos bigla lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Saya dahil tanggap pa rin nila ako. Lungkot dahil nagawa ko iyon sa kanila. Pasasalamat dahil may dahilan kung bakit nangyari ang dapat mangyari.

Naramdaman kong hinahaplos niya yung likod ko at yung buhok ko.

"D-dad, I-I'm sorry. I'm so sorry," humahagulgol na sabi ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now