"Wag ka na magmaktol dyan bunso. At para naman sa mga tanong mo kanina, magbabakasyon ako dito ng one month. Bale wala akong trabaho for one month kaya madami tayong time together" Natuwa naman ako sa sinabi nya kaya napangiti na ako maging sila mama at papa.

Sobra ko talagang namiss si ate.

Sya yung pinaka-favorite ko sa lahat kasi sobrang sweet at caring nya sakin. Lahat ng gusto ko ay binibigay nya. Protective din at strick pagdating sakin. Kaya sigurado ako na tuwang-tuwa sila mama at papa dahil nandito na sya.

Isang sikat na model ang ate ko sa America at halos doon na sya nakatira, minsan lang syang umuwi dito kaya minsan lang kami magkasama.

Kaya naman sobra-sobra ang saya ko nang sabihin nyang mag-i-stay sya ng one month dito.

"Mabuti na lang Asharlie at umuwi ka nang mapagsabihan mo yang kapatid mo na yan" Napayuko ako nang tiningnan ako ni ate habang nakataas ang isang kilay nya. Talagang pagdating dito kay ate ay tumitiklop ako

"Wala nang ibang inatupag yang kapatid mo kundi makipagbasag ulo. Lagi na lang umuuwi nang may bangas ang mukha minsan sinusundo pa namin sa presinto dahil nakisali sa rambulan" Pagsusumbong ni mama kay ate

"Eh sila naman ang nauuna mama eh! Tsaka nadamay lang naman po ako!"

"Tumigil ka na sa pagpapalusot mo"

Hindi naman ako nagpapalusot sinasabi ko lang naman yung totoo eh

"Bilisan mo dyan bunso mali-late ka na sa school" Rinig kong turan ni ate kaya naman nagmadali akong lumabas ng kwarto ko pagkakuha ng mga gamit ko.

Naabutan ko syang naka-upo sa couch sa sala at nakabihis ito ng maong short,  white sneaker at puting long sleeve polo na nakatupi hanggang siko nya at naka-tucked-in ang sa harap.

Ang ganda talaga ng ate ko kahit sa simpleng damit lang.

"San ka pupunta ate?"

"Ihahatid ka! Mamaya susunduin din kita at sa susunod na mga araw" Pagkasabi nya non ay umalis na sya para lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang kotse napasunod lang ako sa kanya

"Ano pang hinihintay mo? Sakay na!" Napakamot na lamang ako ng aking batok bago sumakay....

~~~~~#~~~~~

*Alarm clock ringing!

Bigla akong napa-ungot dahil sa ingay na nanggagaling sa aking alarm clock. Agad ko itong inabot sa aking study table na nasa kaliwang parte ng aking kama.

Bumangon na ako at bigla na lamang akong napadaing nang maramdaman ko ang sakit sa aking tiyan. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago dahan-dahang tumayo.

Lumapit na ako sa aking closet upang kumuha ng black pants, white polo shirt, sando at isang black hoodie jacket. Pagkakuha ko ay dumiretso na ako sa bathroom upang makaligo na.

Medyo natagalan akong maligo dahil sumasakit ang buo kong katawan sa bawat paglapat ng aking kamay. Pero di nagtagal ay nakapag-adjust na din ako hanggang sa hindi ko na iniinda ang sakit na nararamdaman ko.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now