Chapter 45

1.5K 65 4
                                    

Amber's POV

"What the hell is your problem?!" Galit kong turan sa babaeng tumalisod sa akin kaya naman nakasalampak na ako ngayon sa sahig. Sinubukan kong tumayo ngunit itinulak lang nila ang aking balikat, then yumuko ang isang babae sabay duro sa aking noon.

"Ano ba?!" Hasik ko sa kanya sabay hampas sa kanyang kamay palayo sa aking noo. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang aking uniform dahil bahagya itong nadumihan

Nandito kami ngayon sa likod ng library, hindi ko alam kung ano ang problema nila dahil bigla na lang nila akong kinaldkad at tinalisod ng magtangka akong magkalakad palayo sa kanila.

Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanila, dahil sa pagkakatanda ko ito ang kauna-unahang pagkakataon na may gumanito sa akin. Pero nagkakamali sila sa pag-aakala na aatrasan ko sila, kahit na maliit lang ako ay hindi ko sila aatrasan.

"Ano bang problema nyo sakin huh?! Sabihin nyo nga, may masama ba akong ginawa sa inyo kaya nyo ginagawa ito?!" Galit na tanong ko sa kanila ngunit ang tatlong babae ay nagkatinginan lang tsaka tumawa ng malakas.

Tiningnan muna ako ng pinakalider nila yung nakatayo sa gitna habang naka-cross arms at may bubble gum pang nginunguya. Maluwag ang pagkakatali ng kanyang necktie at ang dalawang bottones nito sa taas ay nakabukas. Samantala ang dalawa ay ganoon din, para silang mga siga na babae. Siga na nga.

Tiningnan ng lider ang dalawa nyang alipores tsaka tinanguan sabay nila akong binigyan ng maangas na ngiti. Then nagulat ako nang lumapit sa akin ang dalawang babae tsaka hinawakan ang magkabila kong braso. Sinubukan kong manlaban ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa aking braso.

"Bitawan nyo nga ako! Take your filthy hand out of my wrist you bitches!" Sigaw ko sa dalawang babae ngunit tinawanan lang nila ako

"Aah!" Daing ko nang maramdaman ko ang malakas na suntok ng lider nila na tumama sa aking tiyan kaya napayuko ako. Isinandal nila ako sa pader tsaka lumapit ang lider sa akin sabay hawak sa aking baba ng sobrang diin

"Hmm... I just want to play with you" turan nya then binitawan nya ang aking baba ng marahas. Akala ko ay hanggang doon lang ngunit biglang nag-init ang aking pisnge ng lumapat ang kanyang palad sakin dahil sa malakas na sampal

"Argh!" Daing ko nang sampalin nyang muli ang kabila kong pisnge. Bigla nyang hinila ang buhok ko ng sobrang lakas, pakiramdam ko ay hihiwalay na ang buhok sa anit ko.

Nakatingala ako sa kanya dahil hinila nya ang aking buhok pababa upang mapatingala ako sa kanya. Nakangiti lang syang nakatingin sa akin then sinampal na naman nya ako. Nalasahan ko na lang ang dugo sa aking labi, gusto na ring tumulo ng aking luha dahil sa sakit ng aking mukha at nang aking ulo dahil sa pagkakasabunot nya.

"I wonder ano kaya ang magiging reaksyon ng psycho na iyon oras na makita ka nya sa ganitong kalagayan?" Nakaramdam ako ng pagsikdo ng aking dadamin ng mapagtanto ko kung bakit nila ginagawa ito sa akin

"You pathetic ang immature creature! Ano ba ang kinalaman ko sa kanya! At ginagawa nyo ito sakin" umiling lang sya tsaka ngumiti ng nakakaloko

"Do you think hindi namin nakita ang nangyari sa cafeteria? Now we know how to make her cry and beg, through you" sabay lapit nya ng kanyang mukha sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kilabot ng dilaan nya ang aking leeg

"Lumayo ka sakin! You filthy bitch! Sinasabi ko sa inyo ngayon pa lang ay itigil nyo na ang ginagawa nyo, para rin ito sa kapakanan nyo!" Pagbibigay babala ko sa kanya. Ngunit tumawa lang sya habang umiiling at muli akong sinampal

"Binabantaan mo ba kami? Parang sinasabi mo na pwedeng mangyari samin ang nangyari sa mga bully noonn sa cafeteria? Bakit papatayin nya rin ba kami tulad ng ginawa nya? Hmm?" Sabay amoy nya sa aking leeg, ramdam ko ang pagdampi ng kanyang labi sa kanyang leeg. Gusto kong masuka dahil sa ginagawa nya. Ngunit mas nangingibabaw ang inis ko sa kabila ng sakit na nararamdaman ko

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon