chapter 11

3.9K 145 8
                                    

Somebody's POV

"MAGNANAKAAAW!!" Rinig kong sigaw ng isang boses. Kaya napatingin naman ako sa direksyon na pinagmumulan nito. Nandito kasi ako ngayon sa harap ng drug store para bumili na rin ng gamot para sa sugat.

Kakalabas ko lang nang marinig ko ang boses na iyon. Parang pamilyar sakin, kaya tiningnan ko ito. Nakita ko ang nagkakagulong tao dahil sa panunulak ng isang lalaki at sa di kalayuan ay ang isang babae. Hindi ko pa masyadong makita ang kanyang mukha dahil medyo malayo pa. Pero pamilyar sya sakin parang nakita ko na sya.

Malapit na ang lalaki sakin kaya ang ginawa ko ay gumilid ako kaunti. At nang masukat ko na malapit na sya sakin. Mga dalawang hakbang na lang ang pagitan namin ay agad akong umikot patalikod at itinaas ang aking kanang paa.

At hindi nga ako nagkamali ng sukat dahil saktong sakto sa kanyang sikmura. Nakatalikod na ako sa kanya agad kong binaba ang aking paa. Lumingon ako sa kanya nang hindi pa rin humaharap ang buo kong katawan. Nakaluhod na sya kaya hinarap ko na sya at nilapitan.

Napansin ko naman ang mga taong papalapit na habang hawak ang kani-kanilang cellphone. Agad kong inayos ang hoodie ko bago ko dinampot ang bag. Nakaluhod pa din ang lalaki dahil sa pamimilipit sa sakit.

Mukang napalakas ata ang pagsipa ko.

"Excuse me! Makikiraan!" Rinig kong turan ng isang boses na nangibabaw sa aking pandinig kahit na sobrang ingay ng paligid. Dahil sa mga dumadaang sasakyan at ingay ng mga tao na paparoo't paparito

"Patawarin mo na ako! Hindi ko na uulitin!" Pagmamaka-awa ng lalaki sa akin. Bakit sya sakin magmamaka-awa eh hindi naman ako ang nabiktima nya. Dapat na sa may ari. Ini-angat ko naman uli ang bag sa harap ng lalaki bago nagsalita

"Hindi sakin. Dapat sa may ari nito" Bigla naman syang tumuro sa kanyang likuran

"Nakasunod sakin yung may ari" pahayag nya na kinatango ko lang

"Eh di magsorry ka sa kanya" Turan ko lang sa kanya. Bigla namang may sumingit

"Excuse me!" Napatingin naman ako sa taong iyon. Ngunit bigla akong nagulat at parang nanigas ang aking katawan nabg makita ko ang isang babae na nasa harapan ko na kasama ang iba pang mga chismosa. Bumilis din ng pagtibok ng aking puso.

"Akin yang bag na yan. Ako ang may ari" Tiningnan ko ang bag at ang mukha nya.

Tinanguan nya lang naman ako. Mga ilang sandali ay may mga pulis na dumating sinigawan ang mga taong tumabi. Ngunit napansin ko ang babae na wala atang planong tumabi kaya ang ginawa ko ay hinila ko sya.

Dahilan kaya napasandal sya sa aking dibdib. Kung saan nagwawala ang aking puso. Nakatingin ako sa kanya habang nakayuko dahil nga mas maliit sya sakin. Nag-angat din sya ng tingin, nagtama ang aming mga mata kaya mas lalong nagwala ang puso ko

"Amber! Couz! Okay ka lang ba?"
Biglang may tumawag na babae at lumabas mula sa nagkukumpulang mga tao. Napahiwalay sya sakin, sabay ng pag-abot ko ng bag nya. Humarap sya sa babaeng tumawag sa kanya.

Kaya ang ginawa ko ay agad akong umalis sa lugar na iyon. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Pagkatapos ay patakbo akong nagtungo sa aking kotse. Pagkasakay ko ay agad ko itong pinaandar at pinasibad

Delikado kapag nagtagal pa ako sa lugar na iyon. Baka bigla na lang akong atakihin sa puso

Ang turan ko sa aking sarili. Kinapa ko ang aking kaliwang dibdib kung saan sobra pa rin ang kabog nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Pakiramdam ko ay babaligtad na naman ang sikmura ko.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now