Chapter 33

2.2K 85 1
                                    

Third Person's POV

"Kamusta na kaya sya? Nasaan na kaya sya? Ano kaya ang ginagawa nya? Ayos lang kaya sya?" Ang paulit-ulit na tanong ni Amber sa kanyang sarili habang tahimik lamang na nakatulala sa labas ng bintana ng kanyang kwarto

Ilang araw na halos isang linggo na din matapos ang huli nyang makita si Ms. Black sa kanilang school. Iyon nga ay noong araw na may pinahambalos syang lalaki sa isang nerd dahil sa pangbubully ng mga ito sa kanya.

Labis ang takot na nararamdaman ni Amber sa tuwing naaalala nya iyon, natatakot at nag-aalala sya sa maaaring mangyari kay Ms. Black. Hindi man nya maintindihan ang kanyang sarili kahit na anong pilit nyang pigilan ang kanyang sarili ay hindi nya ito mapigilan na mag-isip nang mag-isip

"Haixt!" Inis na sigaw ni Amber tsaka nya ginulo at hinawakan ng madiin ang kanyang buhok. Nakasimangot sya habang nakatingin na ngayon sa kanyang laptop kung saan nakadisplay ang litrato ni Ms. Black na kinuhaan sa cafeteria habang may binubugbog na lalaki

"Nakakainis ka na talaga! Bakit ba kasi hindi ka mawala sa isip ko?! Ano bang pakialam ko kung ano man ang mangyari sayo?! Bakit ba ako isip nang isip ng mga bagay tungkol sayo?! Nakakainis na talaga! Sa tingin ko'y mababaliw na ako! Pwede bang umalis ka na sa isip ko!" Galit na kausap nya sa walang malay na picture, pagkatapos ay napapadyak sya dahilan upang makagawa ng ingay

Ilang sandali ay narinig na lamang nya ang sunod-sunod na katok sa kanyang pinto, mabilis naman syang tumayo patungo sa pinto. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Samantha nang makita nya ang itsura ng kanyang pinsan na si Amber. Gulo-gulo ang buhok at hindi maipinta ang kanyang mukha

"Ano bang nangyayari sayo Amber? Daig mo pa ang taong pinagsakluban ng langit at lupa eh! Nakita mo na ba ang itsura mo? Subukan mo kayang tumingin sa salamin nang malaman mo" panenermon ni Samantha sa kanyang pinsan, ngunit tila walang narinig si Amber.

Pagkatapos nyang pagbuksan ng pinto si Samantha ay mabilis nya itong tinalikuran tsaka padabog na nahiga sa kanyang kama. Kaya naman napakunot noo si Samantha dahil sa kinikilos ng kanyang pinsan.

Sinarado kaagad ni Samantha ang pinto ng kwarto ni Amber at ni-locked bago nya lapitan ito. Nakatayo lang sya sa paanan ng kanyang pinsan habang naka-cross arms. Nakasimangot syang nakatingin kay Amber na ngayon ay nakahiga lang sa kanyang kama at nakatulala sa kisame, wari'y wala sa sarili.

"Haixt!" Biglang sigaw ni Amber kaya naman labis ang pagkagulat ni Samantha sa pangalawang pagkakataon. Napahawak pa si Samantha sa kanyang dibdib dahil pakiramdam nya at tatalon palabas ng kanyang rib cage ang kanyang puso

"Ano ba Amber?! Bakit ka ba bigla na lang sumisigaw dyan?! Nakakagulat kaya!" Sigaw ni Samantha sa kanyang pinsan bago ito hampasin sa binti

Wala naman ibang naging reaksyon si Amber sa ginawang paghampas ni Samantha kundi ang dumapa lang sa kanyang kama tsaka kinuha ang unan nya sabay takip sa kanyang ulo

Napapailing naman si Samantha dahil nawiwirduhan na sya sa kinikilos ng kanyang pinsan, labis ang kanyang pagtataka kung bakit ganito ang mood ni Amber. Napansin nya kasi na madalas ang mood swing ni Amber nitong mga nakaraang araw, bigla na lamang itong naiinis ng walang dahilan.

Nag-cross arms lang muli si Samantha habang pinagmamasdan ang kanyang pinsan, pilit inaalam kung ano ba ang nangyayare dito. Ngunit wala namang kakaiba sa pisikal na anyo ng kanyang pinsan, pwera lang sa kinikilos nito.

Kaya naman nagpasya syang tingnan ang buong paligid ng kwarto hanggang sa napako ang kanyang atensyon sa laptop ni Amber. Mabilis na napatakbo palapit si Samantha sa lamesa ng mapagsino nya ang nasa larawan. Napakunot ang kanyang noo dahil nagtataka syang kung bakit larawan iyon ni Ms. Black, napatingin naman si Sam kay Amber. Nakadapa pa din ito habang nakatakip ng unan.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now