Chapter 15

3.4K 128 2
                                    

Amber' POV

Naramdaman ko naman ang mahigpit na hawak ni Sam sa aking braso

"I think we should go na!" Pero pinigilan ko sya nang akma na syang aalis

"Sandali lang" Turan ko Kay Sam na sinunod naman nya.

Pinanuod ko pa ang mga ito. Nakatabi na ang mga istudyante, kaya malaya ko na silang nakikita. Nakatayo ang lalaking nanampal sa guro. Napakuyom ako ng kamao ko. May lumapit sa kanyang dalawang istudyante. Tsaka nila ito inalalayan.

Napansin ko naman na may tao nang nakatayo sa likod ng lalaki. Parang pamilyar sya. Pagkaharap ng lalaki ay bigla itong natumba dahil sinuntok sya ng isa.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang makilala ko ang taong iyon. Nakatakip ang isa kong kamay sa aking bibig samantalang ang isa ay napaturo sa direksyon nya, nanlalaki din ang mga  mata ko

"S-sya y-yon!" Bigla akong napatingin kay Sam na nakakunot ang noo pero bigla itong nagbago.

"I think kailangan na talaga nating umalis!" Pinipilit nya ako na hinihila paalis doon.

Napalingon ako sa kanya. Naka-upo na ito sa ibabaw ng lalaki at pinagsusuntok. Nagtaka naman ako nang bigla itong napahinto. Napatingin sa kanyang kamay at sa lalaking nakahandusay na. Nanginginig ang kamay nya at pinakatitigan ito

"Anong nangyari sa kanya?" Bigla kong tanong dahil para syang na-istatwa.

Sisigaw sana ako para paalalahanan sya dahil may lalaking sisipa sa kanya. Pero hindi na natuloy dahil nahuli na ako. Nakahiga na sya. Bigla syang dumapa, kinoberan ang kanyang ulo at batok nang kanyang mga kamay at braso. Tapos pinagsisipa na sya ng apat na lalaki.

"Sam! Awatin mo sila! Baka mapano sya!" Akma sanang lalapit ako sa kanya nang pigilan ako ni Sam kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Umiiling sya, kita ko din ang takot sa kanyang mga mata

"Huwag na tayong makialam sa kanila" malamig na turan nya.

Ano bang sinasabi nya? Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nya. Wala na din syang pinagka-iba doon sa mga tao kahapon na hindi tumulong sakin. Winaksi ko ang braso ko sa kanya. Tsaka ako naglakad patungo doon pero agad din akong napahinto

"Hindi ka dapat lumapit sa kanya! She's a psycho! Lahat ng istudyante dito ay iniiwasan sya dahil isa syang psychopath. Mapapahamak ka lang kapag lumapit ka sa kanya. Kaya kung ako sayo ay ngayon pa lang iiwas na ako sa kanya! Kung ayaw mong mapahamak! She's the popular unknown psychopath ng university na ito. Walang nakakakilala kung sino ba talaga sya, nang tungkol sa buhay nya. Pero kilalang-kilala sya bilang psychopath!" Dahil sa sinabi nya ay napalingon ako sa kanya na nagbabaga ang aking mga mata sa galit

"Ikaw na ang nagsabi, walang nakakakilala sa kanya. Pero anong karapatan mo, nila, natin na husgahan agad sya. Di ba nga sinabi mo hindi nyo sya kilala. Pero paano nyo nasabi na isa syang psycho? Paano mo nasabi na mapapahamak ako oras na lumapit ako sa kanya? Bakit kayo natatakot kaya nyo sya iniiwasan? Di ba nga hindi nyo sya kilala? Huwag kang maging katulad ng ibang tao Sam. Wala tayong karapatan na paratangan ang isang tao na kesyo masama sya, na psychopath sya dahil in the first place we didn't know a thing about her. Don't be narrow minded couz. Be open minded. Hindi mo masasabi ang katangian ng isang tao kung ibi-base mo lang ito sa mga naririnig at nakikita mo. You should know the root, and the truth before we judge" Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Pero napahinto ako nang nagtakbuhan paalis ang mga istudyante. Nakita ko rin ang mga lalaking napahinto. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pito, kaya napalingon ako. Nakita ko ang mga gwardya na tumatakbo patungo sa direksyon nila.

Tumakbo ang mga lalaki, habang inaaalalayan nila iyong isa nilang kasama na wala nang malay. Halos wala nang natirang istudyante sa pwesto na iyon. Kundi yung isa na lang na nakahandusay at yung tatlo.

Lumakad ako nang mabilis sabay lapit sa kanya. Lumuhod ako sa tabi nya yumuko ako upang silipin sya. Hinawakan ko sya sa kanyang kanang balikat para ipatihaya. Medyo mabigat sya ah. Pero nagtagumpay din naman ako.

Biglang nalaglag ang aking buhok at tumabon sa aking mukha. Agad ko naman itong hinawi at inipit sa likod ng aking tenga. Napahinto naman ako nang makita ko ang mukha nya habang ang kamay ko ay nasa tenga ko pa din.

Pinagmasdan ko sya, ako ang naawa sa sinapit nya. Ang medyo makapal nyang kilay na patungo sa mata nyang nakapikit na. Mahahabang pilik mata, ang pointed nose nya pati ang kissable lips nya na may pasa sa gilid at nagdudugo. Kita ko din ang pisnge nyang maga at putok din ang kilay nya kaya umaagos ang dugo nito.

Bigla kong naramdaman si Sam na pilit akong pinapatayo. Pero tinulak ko ang kamay nya

"Sam! Tumawag ka ng ambulansya!" Hindi sya kumilos nakatingin lang sya ng diretso, blangko ang mga mata nito. Napa-iling na lang ako sa kanya.

Bigla namang lumapit ang isang lalaki. Nasa kabilang gilid sya nitong misteryosong babae na nakahandusay sa harapan ko. Hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisnge nya sabay tapik

"Hoy! Brad gumising ka!" Sabay tapik nito sa mukha. Pero hindi ito nagising

"I think we need to take her to the hospital" Turan ko na. Bigla naman syang tumango.

Inalalayan naman nya ang babae na mapa-upo, tinulungan ko din ito. Pumuwesto naman ang lalaki sa harapan nya nang nakatalikod. Pinakapit nya ang magkabilang braso ng babae sa kanyang likod. Tinulungan ko sya hanggang sa maipasan na ito ng tuluyan.

Medyo nahirapan pa syang tumayo dahil na rin malaking babae din ito. Hindi ata nagkakalayo ang tangkad nilang dalawa kaya siguradong nabibigatan ito. Nagmadali naman syang naglakad. Nakasunod din naman ako sa kanila. Sumunod na din ang dalawa.

Lakad-takbo ang ginagawa namin ngayon, samantalang wala namang ibang ginawa ang mga istudyante dito kundi panuorin at magbulungan lang.

Bigla akong nakaramdam ng disappointment sa mga istudyanteng ito. Hindi ko din alam kung bakit nakasunod ako sa kanila. Patungo na kami sa parking lot.  May hinahanap sila. Siguro sasakyan.

Kaya nagpresinta na akong ipagda-drive ko na lang sila. Nagkatinginan muna sila tsaka tumango. Kaya naman pinasunod ko na sila sakin. Malapit lang kasi ang kotse ko sa pwesto namin. Agad naman nilang isinakay ito sa backseat. Ako naman ay sa driver seat.

Agad kong kinabit ang aking seatbelt. Tiningnan ko muna sila sa likod kung naka-ayos na sila. Yung teacher at yung lalaki ang kasama nya sa likod. Samantalang ang katabi ko ay si Sam. Hindi na sumama samin yung isang babae. Pinasabi kasi ng teacher na may emergency kaya sya na muna ang bahalang magsabi sa klase at sa guro nila. Nalaman kong class president pala nila iyon.

Nang maka-ayos na ang lahat ay agad kong pinasibad ang sasakyan patungo sa malapit na hospital.

...
....
.....

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now