Chapter 19

2.8K 109 0
                                    

Cathy's POV

"Eh kayo naman Cathy pano kayo naging close na dalawa? Kasi base sa kwento ni Jeff, aloof ang mga kaklase nyo sa kanya. Pero ikaw parang close na kayo tulad ni Jeff. Hindi ba kayo natatakot sa kanya?" Natawa ako habang naiiling sa sinabi ni Amber.

Ang totoo nya noong una iwas at takot ako sa kanya dahil sa mga sabi-sabi ng mga kaklase ko at lahat ng mga istudyante sa school. Simasabi nila na Psychopath daw ito.

Pero napapa-isip ako kung paano nila nasabi iyon. Dahil kung tititigan mo sya ay wala namang kakaiba sa kanya, bukod doon sa outfit nya. Lagi lang din syang nasa tabi tahimik. Kung hindi nakatingin sa labas ng bintana ay nakadukdok sa kanyang table. Natutulog habang may pasak na earphone sa kanyang tenga.

Mula nang pumasok sya ay ganoon ang routine nya. Walang palya, para bang nakaprogram na ito sa system nya. Ewan ko hindi ko maiwasang mag-isip kung ano nga bang pagkatao ang meron sya.

Sa totoo nyan walang nakakakilala sa kanya. Kahit ang aming teacher ay di sya kilala. Meron lang syang codename. Kung sa mga student ang codename nya ay psycho. Sa room namin ang codename na meron ang mga teacher namin para sa kanya ay Ms. Black.

Iyon ang palaging tawag sa kanya ng mga teacher namin. Maging sa attendance ay iyon din ang nakalagay. Kahit sa name tag nya. Wala syang I.D name tag lang na personalized at exclusive lamang para sa kanya. Kaya minsan naiisip ko na napaka-misteryoso nya talaga.

Sinubukan ko ngang makakuha ng information tungkol sa kanya sa tulong ng kakilala ko na namamahala sa mga records ng mga students.

Sobra akong umasa na matutulungan nya ako, pero nang sabihin ko kung kaninong info ang kailangan ko ay bigla syang natigilan

"Pasensya na Cathy, pero kasi confidential ang info ng mga student lalong lalo na ni Ms. Black. Wala akong hawak dito, ang pagkakaalam ko sa head office nakalagay ang mga documents tungkol sa kanya at sa head office din dumideretso ang lahat ng mga grades nya at lahat ng report ng mga teacher regarding sa kanya" Nagtaka ako dahil sa lahat ng istudyante sa senior high ay sya lang ang namumukod tangi.

"Bakit kaya ganon?" Puno ng curiosity kong tanong, nagkibit-balikat lamang ito

"Hindi ko din alam eh. Basta Cathy wala kang pagsasabihan na ibang tao tungkol sa kanya huh! Kasi baka mapa-alis ako sa iskwelahan na ito"
Tinanguan ko lang sya at nginitian. Pagkatapos ay lalag ang balikat ko na naglakad pabalik sa room namin dahil malapit nang mag-umpisa ang klase.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon. Sino ba kasi sya?

"Uy Pres! Ano yan? Anong tinitingin-tingin mo sa kanya? Wag mong sabihin may crush ka sa psycho na yan!" Napasimangot naman ako sa sinabi ni Anna. Purkit nakatingin may gusto na

"Gaga! Wala! Umalis ka na nga dyan!" Singhal ko na lang sa kanya tsaka itinutok ang aking atensyon sa harapan

"Ang creepy nya noh?" Dahil sa sinabi nya ay napalingon akong muli sa kanya

"Ewan ko ba sa school na ito kung bakit tumatanggap sila ng mga taong katulad nya. Tingnan mo, ang weird nya talaga at sobrang creepy. Haixt! Kinikilabutan ako pagnakikita ko sya!"
Napasimangot naman ako kay Anna habang pinapanuod sya na naglalakad patungo na sa upuan nya na nakapwesto sa harapan ni Ms. Black. Nakatingin ito sa kanya kaya biglang napahalukipkip si Anna

"Bakit? Anong tinitingin-tingin mo?! Wirdo! Wag ka ngang tumitingin sakin, nasisira ang araw ko sayo. Pwede ba, kailan ka ba aalis sa school na ito?! Kasi alam mo hindi ka nababagay dito! Wirdo! Creepy! Psychooo!" Yumuko lang naman si Ms. Black ni walang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now