Chapter 62

1.9K 54 3
                                    

Zeventheen's POV

Tahimik lang akong nakayuko habang nagsusulat sa aking kwaderno nang maramdaman ko ang taong nakatayo sa aking gilid. Nag-angat ako ng uli tsaka ko sya tiningnan, nakatingin sakin si Jeff kaya nagtaka ako sabay abot nya ng isang maliit na sobre. Kinuha ko ito tsaka tiningnan, invitation card pala

"Gusto sana kitang inbitahan sa birthday party ko next Friday, kung hindi ka busy pwede bang umattend ka? Please? Aasahan kita doon huh?" Tumango lang naman ako, napasuntok naman sya sa hangin tsaka tumawa ng mahina. Napapalakpak sya tsaka patakbong nagtungo sa upuan ni Cathy.

Nagkibit balikat lang ako at muling pinagmasdan ang card na binigay nya tsaka lumingon sa kanilang dalawa. Nahuli ko pa silang nakatingin sa akin kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin. Nagkunwari na may pinag-uusapan sila. Inilagay ko na lang ang invitation card sa bulsa ng aking bag tsaka ipinagpatuloy ang pagsusulat ko.

Nagpasya na rin ako na umattend sa klase tulad ng mga pangkaraniwang student dito sa GSU, ang kaibahan lang ay ang mga bodyguard na laging nakapalibot sa akin. Pero minsan ay nagi-i-stay ako sa penthouse upang doon ipagpatuloy ang mga special activity lalo na sa tuwing gusto kong mapag-isa.

Nagsisimula na din akong pag-aralan kung paano magpatakbo ng company sa tulong ni Mr. Smith. Sinisend na lang nya via email ang mga files at repost na dapat kong basahin at pag-aralan, kaya naman ay madalas akong walang tulog.

Tumayo na ako tsaka naglakad palapit sa table ni Ms. Manangan upang ipasa ang mga natapos ko nang activity at reports sa subject nya. Napatitig sya sakin, nakikita ko sa kanyang mga mata na may gusto syang sabihin. Tumingin ako sa mga kaklase ko na busy sa mga ginagawa nila.

"Maam may I talk to you?" Tanong ko sa kanya, nagulat naman sya bago tumango. Kinuha ko na muna ang aking bag tsaka lumabas na ng room kasunod si Ms. Manangan na tahimik lang

"Alam kong may mga gusto kang itanong Ms. Manangan, hindi ka na rin naiiba sa akin. Itinuring na din kitang kaibigan at pamilya dahil isa ka sa mga nanatili sa tabi ko noong mga panahong nahihirapan ako. At nagpapasalamat ako sa bagay na yun, pasensya na po kung ngayon lang ako nakapagpasalamat sa lahat ng ginawa mo, nyo nila Jeff, Cathy, Samantha at ...." napahinto ako dahil parang may bikig na biglang humarang sa aking lalamunan. Umuurong ang dila ko, nahihirapan akong banggitin ang pangalan nya dahil sa tuwing naririnig o nababanggit manlang ang pangalan nya ay nararamdaman ko ang sakit ng dibdib ko

"Alam ko wala ako sa lugar upang magtanong, pero seeing and watching you two na nagkakaganyan ay hindi ko mapigilang masaktan. Dahil tulad nga ng sabi mo hindi na rin kayo naiiba sakin, para ko na kayong tunay na anak o mas maganda kung sasabihin ko na parang kapatid na ang turing ko sa inyo. Kaya naman hindi ko mapigilang mag-alala sa inyo, lalo na sayo. Dahil napansin ko ang malaking pagbabago sayo nitong nagdaang mga araw. Natuwa ako noong nalaman ko mula sa kay Jeff na nagkaayos na kayong dalawa ni Amber, pero taliwas naman sa aking nakikita ang sinabi nya. Tell me, ano na ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Baka may maitulong ako sa inyo" pahayag nya. Napabuntong hininga lang ako tsaka napayuko habang hinahaplos ko ang aking labi at baba.

"Sa totoo nyan Ms. Manangan hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Maayos naman na ang lahat, naipasok na namin sa kulungan ang mga salarin. Malinaw na sa amin ang mga nangyari noon, akala ko magiging maayos na kami. Sobrang saya ko nga noong mga oras na napatawad na nya ako at nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Sobrang gaan sa pakiramdam nang maamin ko sa kanya yung tunay kong nararamdaman para sa kanya at ganoon din sya. We were so happy that time, kaso akala ko lang pala ang mga yun. Nakakatawa dahil umaasa ako na magiging maayos na ang lahat at magiging masaya na kami. Pero bakit ganon Ms. Manangan?" Tanong ko sa kanya. Napatitig lang sya sa aking mga mata, napaiwas ako ng tingin sa kanya at napatingala sa kalangitan nang maramdaman ko ang namumuong luha sa aking mata. Then itinaas ko ang aking braso tsaka tumuro sa kalangitan habang puno ng pait na nakangiti

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon