Chapter 54

1.6K 61 21
                                    

Amber's POV

"Cous naman! Tahan na! Ilang araw ka nang ganyan aba! Nag-aalala na kami sayo. Ano ba kasing problema? Sabihin mo!" Niyakap ko lang sa bewang si Samantha tsaka sumubsob sa kanyang leeg at doon umiyak nang umiyak. Hinagod nya lang ang aking likod at buhok

"Kasi si Ms. Black eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I don't want to lose her but I don't know how to keep her. She told me to forget her, pero paano ko naman iyon magagawa? Kung kailan namang sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya ganoon pa ang mangyayari! Naiinis din ako sa sarili ko dahil masyado pa akong nagpaka-choosy. Sana pala ginawa ko na yung suggestion mo dati na ligawan sya, hindi yung naghintay pa ako na sya mismo ang umamin. Pero hindi nga ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman nya para sakin, kaso nakita mo naman di ba kung ano yung mga ginagawa nya sakin kaya naman hindi ko maiwasang maisip na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isat. Iyon nga lang masyado akong naging dakilang pa-choosy, ayan tuloy. Napagod na ata sya sakin at nasaktan ko din sya dahil sa narinig nya nang sabihin ko na boyfriend ko si Jake. Pero promise nasabi ko lang naman iyon cous dahil nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Clariz. Hinabol ko sya para ipaliwanag ang lahat, pero yun na nga sinabihan nya akong kalimutan ko na sya at patawarin. Hindi ko sya maintindihan ang gulo nya cous, and hirap nya spelling-en"   mahaba kong pahayag kay Samantha habang walang tigil na umiiyak, wala na akong pakialam kung tulo na sipon ko.

"Bakit kasi hindi mo pa ginawa iyon cous eh! Yan tuloy! O baka naman cous may malalim pa syang dahilan kaya nya nagawa iyon?  Nakita ko naman kung gaano ka nya kamahal kahit na hindi nya sabihin ay nakikita namin iyon ng mga kaibigan natin kahit na madalas syang cold. Pero ramdam namin na mahalaga ka para sa kanya kaya ka nya pinoprotektahan. Hindi ba nya sinabi kung ano ang dahilan kung bakit?" Umiling lang naman ako bilang tugon

"Wala, wala syang sinabi. Sinubukan ko syang tanungin pero hindi nya sinabi sakin ang dahilan. Sabi pa nya na hindi pa ito ang tamang oras para malaman ko ang totoo. Kaya mas lalo akong naguguluhan sa kanya, tapos wala syang katapusang humihingi ng tawad sakin cous. Natatakot tuloy ako kung ano ba ang dahilan nya kaya nya sinabi na kalimutan ko na lang sya. Hindi kaya may fiancee na sya? Tapos ikakasal na sya? O baka may pamilya na sya tapos kasal na sila? Pero hindi eh, imposible dahil masyado pa syang bata" tsaka ako humiwalay kay Samantha. Tinitigan nya lang ang itsura ko tsaka hinawi ang aking buhok na tumatabon sa aking mukha sabay pahid nya sa aking mga luha

"Kausapin mo uli sya kapag nagkaroon ng pagkakataon, sabihin mo sa kanya na sabihin nya sayo ang lahat para maintindihan mo. Wala namang problema ang hindi nareresolba kung hindi pag-uusapan eh. Pero ang tanong cous handa ka ba sa mga maririnig mo? Handa mo bang tanggapin iyon?" Napahinto ako sa tanong nya, dahil ang totoo ay hindi ako sigurado

"Hindi ko alam cous, may part kasi sakin na natatakot akong marinig ang katotohanang itinatago nya sakin" tugon ko

"Hmm... okay cous, tahan na. Mas mabuting ipagpahinga mo na muna yang mga mata mo, halos mawala na ang mata mo eh. Dahil sa ilang araw mong kakaiyak" pahayag ni Samantha

"Paanong hindi ako iiyak? Kahit sa school ay hindi ko sya makita. Sinubukan ko syang puntahan at hintayin sa labas ng penthouse nya ang kaso hindi ko sya namataan. Maging si Clariz ay hindi na din ako kinakausap di ba? Anong gagawin ko? Pakiramdam ko ay iniiwasan nya ako" muli na naman akong napaiyak nang maalala ko yun

"Sabing pagpahingahin mo muna ang mga mata mo sa pag-iyak eh" turan ni Samantha tsaka pinilit na tuyuin ang aking mga luha

"Paano ko ba gagawin iyon? Kahit ang mata ko ay ayaw tumigil sa pag-iyak? Kaya paano ko gagawin iyon? Lalo na masakit talaga cous, ang sakit-sakit dahil yung taong mahal mo ay iniiwasan ka na. Kasalanan ko din kasi ito eh" tsaka hampas sa aking dibdib dahil sa pananakit nito. Hinawakan naman ni Samantha ang aking kamay upang pigilan tsaka nya ako niyakap

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant