Chapter 65

1.9K 45 0
                                    

Amber's POV

Masaya  ako habang nakatayo lang na pumapalakpak at nanood sa mga kapwa ko students na masayang naglalaro, parang mga bata sa park na malayang tumatakbo at nagsasaya.

"Oh! Ilag!" Sigaw namin sabay-sabay nang babatuhin na ng bola si Jeff. Ngunit dahil malaki din ang pangangatawan ni Jeff at dinaig pa nya ang babae sa pagiging mahinhin ay hindi sya nakailag. Tinamaan sya sa kanyang noo kaya naman tawa kami nang tawa at tuwang-tuwa dahil talo na naman ang seksyon nila.

"Ano ba yan Jeff! Napakalamya mo talaga kahit kailan!" Bulyaw ni Cathy kay Jeff dahil sila naman ang taya. Napakamot lang naman si Jeff sa kanyang namumulang noo at ilong dahil sa lakas ng pagbato sa kanya ng kaklase ko

"Yes kami na! 1-0!" Sigaw ni Samantha dahil wala pang 15 minutes ay na-out na kaagad sila kaya tuwang-tuwa si Samantha habang kinakatyawan ang ibang seksyon lalo na si Jeff na namumula pa din ang mukha

"Sige ganyanin mo lang ako Samantha, ikaw ang pupuruhan ko!" Pikong pahayag ni Jeff habang nagtitigan sila na para bang may kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata.

"Okay game!" Sigaw naman nila, kaya kami na ang nasa gitna at ang section naman nila Jeff ang nambabato.

Tawa ako nang tawa lalo na si Samantha dahil pati sa pagsalo ay hindi magawa ni Jeff laging sa mukha nya dumidiretso o kaya ay hindi nya maabot dahilan kaya sya nadudulas.

"Jeffersooon!" Inis na sigaw ni Cathy mula sa kabilang side tsaka umuusok ang ilong nitong pinuntahan si Jeff na hinahabol ang bola. Napahinto kami't pinanuod lang sila

"Ano bang silbi ng mga muscles mo na yan?! Nang katawan mo na yan! Pati pagsalo ng bola hindi mo magawa!" Sigaw ni Cathy kay Jeff mas nauna pa syang makuha ang bola kaya naman ang sumunod ay nagpatawa na sa amin ng sobra.

"Ano ba yan Cathy?! Hindi ako ang kalaban! Magkakampi tayo! A-aray! Bakit mo ba ako binabato!" Reklamo ni Jeff habang wala syang katapusang binabato ni Cathy ng bola na bumabalik sa kanya at mabilis nyang nasasalo kaya kawawa na si Jeff. Habanggang sa tumakbo na si Jeff na walang humpay namang hinahabol ni Cathy para batuhin sa ulo, kaya tawa lang kami nang tawa habang pinanunuod silang dalawa na paikot-ikot sa amin

"Mas gugustuhin kong ikaw na lang ang batuhin!" Sigaw uli ni Cathy tsaka muling binato. Tumayo sya tapos umunat akala mo isang baseball player na bumabato ng bola. Tamang-tamang paglingon ni Jeff ay lumipad ang bola na akala mo nag-aapoy habang umiikot ito patungo sa direksyon ni Jeff, parang nag-slow motion ang lahat hanggang tumama na ito mismo sa noo ni Jeff. Pagkatapos ay nakita na lang naming nakahiga si Jeff, nilapitan namin sya nakadilat ang kanyang mga mata habang may bukol ang kanyang noo na parang isang bola. Kaya tawanan na naman kami

"Okay sige na  humanda kayo!" Sigaw ni Jeff, kaya naman nagsiyukuan na kami upang maghanda sa pagbato ng bola papunta sa amin. Bigla akong yumuko nang ako ang puntiryahin ni Jeff.

Ilang minuto ang tinagal hanggang sa ma-out na kami at sila naman ang babatuhin, nagreklamo si Samantha dahil nabawian sya ni Jeff.

"Jeff look at me ganto ka dapat lumaro" pagtuturo ni Zev kay Jeff habang nag-time freeze muna sila parang sa basketball na humingi ng time out. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang seryoso silang nakatingin sa isa't isa

"Sige ano yun?" Determinadong tanong ni Jeff

"Ganto dapat ang gawin mo Jeff, huwag ka dapat matakot sa pagtama ng bola sa iyong katawan o mukha. Isipin mo na yung bumabato sayo ay ang buhay natin, then yung bolang ibinabato sayo ay ang mga problema, sakit, pagsubok na ibinabato sa atin ng reyalidad. Hindi mo dapat katakutan iyon, dahil kung patuloy mo lang itong iiwasan at iilagan walang mangyayari sayo. Mapapagod ka lang kakatakbo at kakaiwas sa mga ito, ang paglalaro natin ng batuhan bola ay parang buhay natin yan. Matira matibay, ngunit hindi habang buhay kang tatakbo at iilag. Saluhin mo ito nang buong tapang at buong loob upang makamove ka, para maka-score at mabigyan mo ng chance yung ibang tao na pumasok sa laro mo like yung mga iba pa nating kasamahan. Tandaan mo ang huling matitira ay syang inaasahan ng lahat sa buong team. Kaya magpakatatag ka Jeff, harapin mo ang bolang tatama sa mukha mo man o katawan, pero ito ang tatandaan mo Jeff. Sa pagsalo ng bola hindi mo dapat minamadali, dapat mo ring isipin kung iyon na ba ang tamang pagkakataon o oras para saluhin mo ito o pansamantalang ipagpaliban. Huwag kang magmadali, dahil hindi lahat ng sasaluhin mo ay kaya mo, kaya relax and wait for the right moment. That's is life, minsan panalo minsan talo. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang laro" namangha ako sa sinabi nya dahil hindi lamang simpleng tip sa paglalaro ang itinuro nya kundi maging ang reyalidad kung paano natin haharapin ang mga balakid sa ating daan.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now