Chapter 26

2.7K 106 2
                                    

Third Person's POV

*Bar and Club*

Maingay ang buong lugar dahil sa malakas na musika mula sa malalaking speaker na syang nagpapawala sa mga taong nagkakasayahan.

Mapababae man o lalaki, bakla man o tomboy, may asawa o wala, mag-girlfriend/boyfriend o fling lang ay makikita sa bawat sulok ng bar.

Tawanan dito, sayawan dito, inuman dito at syempre hindi mawawala ang landian. Hanggang sa mag-init ang kanilang mga katawan.

Iba't ibang tao ang nandito. May mga student na walang ibang ginawa kundi ang mag-party all night kaysa mag-aral at gawin ang kanilang mga assignment at home task.

Mga magto-tropa na naggi-girl hunting, pustahan sa kung sino ang unang makaka-score at kung ano-ano pang game.

Lahat ng bagay ay posible sa loob ng club na ito. Drugs, sex, pornography, affairs, alcohols at marami pang iba.

Mga taong kagagaling lamang sa trabaho na naisipang magtungo dito para makapag-relax. Mga taong broken dahil sa iniwan at niloko ng mga mahal nila.

Mga hopeles romantic na umaasang matatagpuan nila sa club na ito ang the one nila.

Mga taong mahilig sa adventures, one night stand at laro-laro.

Mga taong gusto lang magrelax mula sa mga problema sa buhay.

Mga taong suki na ng bar club kung saan walang katapusang pagsasaya at pagpapabaha ng alak ang ginagawa habang may mga upahang babae na syang magpapaligaya sa kanila.

Samantalang may mga tao din naman na napilitan lang sumama dahil sa udyok ng mga kaibigan at barkada.

Mayroon din namang grupo ng mga kabataan na walang ibang hangad kundi ang maglibang lamang at magsaya habang sumasabay sa bawat beat ng tugtugin kasabay ng tibok ng puso nila.

Habang busy ang mga tao sa kanilang pagsasaya ay sya namang pagdating ng isang tao.

Nakasuot ng black skinny jeans, white t-shirt at black leather jacket na pinarisan nya ng black boots.

Sa simpleng pananamit na iyon ay nagagawa na nyang paikutin ang leeg ng mga taong nadaraanan nya dahil sa taglay nyang karisma.

Hindi lamang iyon, dahil halos lahat ng taong nakakakita sa kanya ay napupuno ng paghanga na para bang nahipnotismo, lalo na kapag nakita na nila ang namumula at nagbu-blue nitong mga mata.

Napapasunod nya ang mga ito sa anuman ang gusto nyang ipagawa. Ang ng kanilang mga atensyon ay nakukuha nya sa isang kisapmata lamang, at agad na napapasakamay na nya ang lahat ng gusto nya.

Dire-diretso lamang itong naglakad patungo sa bar counter, hindi binibigyang pansin ang mga matang nakasunod ng tingin sa kanya.

Napapatabi ang lahat ng taong madaraanan nya upang bigyan sya ng daan, parang may kung anong force ang humahawi sa mga taong ito upang malaya syang makaraan.

"One bottle of beer"  malamig nyang utos sa bartender na natulala pa ng bahagya ng tapunan nya ito ng tingin

Tila natuklaw ng ahas at di na nagawa pang kumilos. Napalingon naman si Ms. Black nang mapansin nyang hindi pa rin kumikilos ang bartender.

Kaya umayos sya nang upo tsaka hinarap at pinakatitigan ito. Napakurap-kurap naman ang bartender bago napatingin sa kanya at sa hawak nyang baso.

Tinanguan lang nya ang bartender bilang signal na dapat na syang kumilos. Tsaka naman natauhan ang bartender at mabilis na kumuha ng isang bote ng beer, mabilis nya itong binuksan pinunasan ang bunganga gamit ang tissue at tsaka binalutan ang katawan sabay abot kay Ms. Black

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora