Someone's POV
Nagmulat ako ng aking mata tsaka muling napapikit at muling nagmulat.
Wala akong ibang makita kundi ang kadiliman na bumabalot sakin.
Ramdam ko ang paglutang ng aking katawan na parang nahuhulog sa walang katapusang hukay na ubod ng lalim.
Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang naghihintay sa akin sa dulo oras na marating ko ito.
Ngunit sa bawat paglipas ng segundo, minuto, oras, at araw? Gaano na nga ba ako katagal sa lugar na ito? Hindi ako sigurado.
Pakiramdam ko ay sobrang tagal ko nas lugar na ito, kung saan binabalot ng walang katapusang dilim at lamig.
Napatingin ako sa taas kung saan may nakikita akong bilog na puti. Sinubukan ko itong abutin, ngunit parang sobrang layo nito dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko ito mahawakan
Hindi ako sigurado kung ilaw ba ito o ang butas kung saan ako nahulog.
Habang palayo ako ng palayo ay paliit ito ng paliit. Hanggang sa singlaki na lamang ito ng baseball ball
Hindi ko alam kung paano at bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Ano nga ba ang purpose nito?
Bakit nga ba kailangang mapunta ako dito?
Bakit?
Paulit-ulit na tanong ko sa aking isip, habang patuloy na umaasa na may taong darating upang iligtas ako
Patuloy akong umaasa kahit na kasing liit na lamang ng liwanag na iyon ang aking pag-asa na may darating
Bigla akong napapikit ng madiin at napakuyom ang aking kamay nang maramdaman ko ang napakalakas na force na syang humihila sa akin pababa ng sobrang lakas at sobrang bilis
Napamulat ako tsaka sinubukan uling abutin ang liwanag na iyon. Sumigaw ako s abot ng makakaya ko
Ngunit tila napipi na din ang aking boses dahil walang lumabas na isang salita mula sa aking mga labi
Ang kalabog lamang ng aking dibdib ang tanging boses at ingay na aking naririnig.
Sobrang bilis dahilan para bumilis at bumigat din ng aking paghinga. Ngunit parang napakabigat nito sa aking baga.
Unti-unti na akong nawawalan ng hangin, ramdam ko na din ang pagbagal ng tibok ng aking puso.
Unti-unting nagsara ang aking mata hanggang sa mawala ang liwanag at muling nilamon ng panibagong dilim ang aking katauhan
Narinig ko na lamang ang aking katawan na nahulog sa malalim at malamig na tubig.
Nagpupumiglas ako, pinipilit na lumangoy pataas, ngunit parang napakabigat ng aking mga paa't binti, maging ang aking mga kamay at braso
Sumigaw akong muli habang nasa ilalim ng tubig, nakikita ko lamang ang bulang lumalabas mula sa aking bibig habang nararamdaman ko ang unti-unting pagpasok ng tubig sa aking baga.
Napatingin ako sa aking harapan, parang may kung anong paparating. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malakas na paghampas ng alon na syang tumangay sa aking katawan.
Napaubo ako ng napaubo nang makaangat ako sa ibabaw ng tubig.
Labis ang pagtataka, ako'y naguguluhan. Inilibot ko ang aking paningin
Paano?
Paano ako nakarating dito?
Paanong nangyari na nasa gitna ako ng karagatan?
ČTEŠ
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...