Chapter 7

4.5K 150 9
                                    

Somebody's POV

"Bro tara na!" Biglang akbay sakin ni Jade kaya bigla akong napadaing dahil ang bigat ng braso nya.

Nakapamulsa lang naman ako habang nakayuko, dahil malaking tao itong naka-akbay sakin. Sya naman ay sumisipol lang habang nakasukbit sa kanyang kaliwang balikat ang kanyang bag.

Tahimik lang akong naglalakad kasabay nya, ngunit bigla syang napahinto. Nagtaka ako kaya napahinto din ako, naramdaman ko ang marahas na pagtanggal ng kanyang braso sa aking balikat

"Aray!" Sigaw ko habang hinihimas ko ang likod ng aking ulo dahil bigla nya akong sinapok sa di malamang dahilan. Kaya nilingon ko sya at binigyan ng nagtatanong at nagtatakang tingin.

"Sino ka?! Sabihin mo!" Bigla nyang sigaw habang nakaturo sakin na nanlalaki ang mga mata. Kaya lalo akong napatanga dahil sa ginagawa nya. Pinagtitinginan na din kami ng mga ka-schoolmate namin.

Biglang nataranta sya at may kinuha syang maliit na kulay maroon na libro sa bulsa ng kanyang bag. Mas nagulat ako nang ginawa nyang panangga ang maliit na libro sa harapan namin na nakatapat sa mukha ko. Nanlalaki naman ang mata kong binasa ito

"Bagong Tipan" Usal ko. Bakit naman kaya?

Kaya naman inilihis ko ang ulo ko upang silipin sya sabay taas ng isa kong kilay. At ang walangya hindi lang akong pinansin, may inilabas pa sya mula sa dibdib ng kasuotan nya. At tumambad sakin ang silver nyang kwintas. Yung rosary na silver.

"Sabihin mo! Nasan ang kaibigan ko?!" Pasigaw nyang tanong sakin habang hawak ng kanyang kaliwang kamay ang "Bagong Tipan" na nasa pagmumukha ko at sa kanan naman ay ang silver rosary na nasa harapan ko din.

Nababaliw na ata ang taong ito.

"Sabihin mo!" Nagulat naman ako sa malakas nyang pagsigaw. Kaya mas lalong dumami ang mga nanunuod samin. Nilibot ko ang aking paningin.

Pagtataka

Yan ang mababasa sa kanila. Samantala ang iba ay natatawa.

"Jade! Bro!" Biglang narinig ko ang ilan pa naming katropa. Mula sa likuran ko kaya napapihit ako sa likod. Nagtataka at nagtatanong sila, ako naman ay nagkibit balikat na lang. Si Desiree naman ay sumenyas nang nababaliw na siguro.

Dahil inikot-ikot nya ang kanyang daliri sa gilid ng kanyang ulo at itinuro si Jade.

"Nyare sa inyo bro?" Pagkalapit sakin ni Mike. Aakbay sana sya sakin pero napahinto ito dahil sumigaw si Jade

"Wag! Lumayo kayo dyan! Madali!" Lumayo naman ang mga bugok. Akala mo naman may nakakahawa akong sakit.

"Bakit bro? Baki?!" Tanong nila pagkalapit kay Jade at nagtago sa likod nya.

"Ano yan?!" Tanong naman ni Grace habang nakaturo sa bible at rosaryo

"Bible!" Sagot naman ni Jade

"Oo alam ko. I mean para saan?"

"Para sayo! Demonyo ka!"

*aaah!

Kaya ang nangyare pinaghahampas sya ni Grace at Desiree.  Napahinto na sila at sakin naman humarap

"Hoy umayos ka nga Jade! Para kang ewan" Nagsalita na ako dahil di ko sya maintindihan. Hindi na naman siguro naka-inom ng gamot kaya ina-atake na naman ng kabaliwan

"Mike! Kaibigan natin nawawala!" Nanlalaki ang kanyang mga mata habang palipat-lipat ang kanilang tingin sa akin at kay Jade. Naguguluhan

"Anong ibig mong sabihin?" Bigla namang napaturo sakin si Jade kaya tiningnan ko ang sarili ko at sa likod ko.

"Ikaw! Ibalik mo ang kaibigan namin! Kung sino ka mang demonyo ka lumabas ka sa katawan ng kaibigan namin" Bigla nyang sigaw sakin at ang mga ugok ko ding mga katropa ay biglang pumalibot sakin naghawak-hawak kamay sila tapos pumikit habang nakatingala. Ang siste parang mga kulto ang mga ito tapos ako yung inaalay.

Nasa gitna ako habang si Jade ay nasa harapan ko nakatayo habang hindi pa rin nya inaalis ang bible at rosary sa pagmumukha ko.

Samantalang sila Desiree, Mike at Grace ay magkakatabi habang magkakahawak kamay. Kasama ang iba pa naming tropa na sila Tope, Bornok at iba naming kaklase na mga gago. Pinagtatawanan na kami ng mga istudyante dahil sa kagagawan nila.

"Tumigil na nga kayo"Pero siste di manlang ako nila pinansin.

"Masamang isperitu lumabas ka sa katawan nang kaibigan namin. Kung sino ka man, doon ka na lang pumasok sa katawan ng hindi na bergin. Maawa ka, ibalik mo ang aming kaibigan, dahil hindi pa nya nararanasang magka jowa. Wag mo munang kunin ang aming kaibigan. Hindi kami papayag na mawala sya ng bergin pa" parang mga kulto na nag-cha-chant

"Putang*ina ninyo!" Di na ko nakapagpigil isigaw ba naman na virgin pa ako. Pero totoo naman eh, kahit na kilala nila akong playgirl.

Kinuha ko ang aking bag na nakasukbit sa aking likod. Hinawakan ko ito gamit ang dalawang kamay, hinampas ko ito sa mukha nya kaya napabaling ang kanyang mukha sa kaliwa dahil sa lakas ng paghampas ko.

Good thing ilang pirasong notebook at papel lang ang laman nito. Kaya ayon tumba sya habang nakahawak sa mukha nyang tinamaan ng bag ko.

Nilibot ko naman ang aking mga mata. Bigla ko silang nginisihan at napatayo sila ng tuwid na parang mga tuod

"HA HA HA HA!" Tawa ko na parang demonyo. Pagkatapos ay winasiwas ko paikot ang aking bag, kaya ang kinalabasan lahat sila ay nasa sahig hawak ang kanilang mga mukha at ulo.

Ako naman ay nakatayo lang at tawa nang tawa habang nakasampay sa aking balikat ang bag ko at nakapamewang.

Tawanan din ang mga kaklase at schoolmate ko.
Pagkatapos ay umalis na ako sa harapan nila. Tawa ako nang tawa dahil nakaganti ako. Akala nila huh. Narinig ko naman silang sumunod sakin.

"Grabe ka bro! Ang sakit noon!" Buti nga sa inyo yan. Gawin ba naman akong taong nasapian. Inakbayan naman ako ni Mike at Jade nasa pagitan nila ako. At ang dalawa namang babae ay nasa tabi nila magkabilaan. Sila Tope at Bornnok naman ay nasa tabi din nila Grace at Desiree.

Magkaka-akbay kaming naglalakad kaya ang mga nadadaanan namin ay napapatabi kung ayaw nilang masagasaan.

"ANG HUMARANG GIBAAA!" Sigaw namin nang sabay-sabay kaya ang mga istudyante ay nagkakandarapang makatabi dahil tumatakbo kami habang magkakaakbay.

"HAHAHAHTawanan namin dahil yung mga ka-schoolmate namin halatang natakot ang iba naman ay naiinis pero meron namang natatawa lang dahil sa mga kagaguhan naming magkakaibigan.

......

Sana ganoon lang kasimple ang buhay ko, I am longing for those days... When I was living as normal as they are.

Sometimes ordinary things, ordinary day means so much.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang