Chapter 59

1.6K 63 0
                                    

Amber's POV

"Hey! Cous tulala ka na naman dyan?" Agaw  atensyon sa akin ni Samantha dahilan kaya napabalik ako sa aking ulirat mula sa malalim na pag-iisip.

"Ah! Cous! N-nandyan ka na pala? Kanina ka pa ba? Bakit di ka naman nagsasabi dyan? Nagulat ako!" Turan ko sa kanya tsaka napatikhim. Napakunot lang ang kanyang noo, then hinila nya ang upuan paharap sa aking table sabay cross legs at cross arms nya pagkaupo na pagkaupo nya, nakataas ang isa nyang kilay habang nakatitig sa akin.

Bigla naman akong na-concious sa way ng pagtitig nya sa akin, yumuko ako upang tingnan ang sarili ko kung may kakaiba ba. Normal at ayos lang naman ang itusara ko, pasimple ko ding hinawi ang aking mahabang buhok upang ayusin  tsaka ako muling tumingin sa kanya na nakatitig pa din sa akin, kaya naman di ko na napigilang mapakunot noo dahil sa ginagawa nya.

"Ano ba cous! Huwag ka ngang tumitig ng ganyan sakin, para akong kriminal na nagtatago sa way ng pagtitig mo eh!" Sita ko sa kanya dahil hindi ako komportable sa way ng kanyang pagtitig. Nag-uumpisa na akong mainis nang magsalita sya

"Kasi naman cous, kanina pa po ako dito. Kanina pa nga ako tawag nang tawag sayo pero daig mo pa yung walang tenga. Tapos ngayon sasabihin mo ginugulat kita? Haleer, gaga! Tulala ka lang talaga! Kaya di mo ako napapansin" napahinto naman ako dahil sa sinabi nya at napatikhim tsaka nag-iwas ng tingin.

"Ganon ba. Pasensya na cous masyado lang akong busy" sabay yuko ko at kunwaring binabasa ang mga files na dapat kong basahin kasama ang mga proposal na dapat kong approbahan at ang mga reports ng marketing department

"Nakikita mo naman di ba?" Tanong ko sa kanya sabay sulyap. Nagbuntong hininga lang naman sya, yumuko lang akong muli sinusubukan na itutok ang aking atensyon sa mga files na nasa harapan ko

"Look cous, can you please be honest with me. Hanggang ngayon ba sya---" hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin, padabog kong inilapag ang ballpen sa lamesa tsaka tumitig sa kanya.

Hindi sa nagagalit ako, ayoko lang talaga pag-usapan ang tungkol sa kanya. Dahil magpahanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang sakit ng dibdib ko, magpahanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa din ang sugat nito dahil sa mga alaalang tumatak sa isip ko.

"Cous! Please! Stop! Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo! Pwede? Please lang cous! Please huwag ngayon lalo na madami akong pinoproblema sa company, kaya kung pwede lang. Please!" Pakiusap ko sa kanya tsaka napapikit ng madiin sabay hawak sa aking sentido dahil sa sunod-sunod na pag-agos ng mga alaala ng nakaraan.

"Cous naman eh! Hindi ba pwedeng yung sarili mo naman ang isipin mo? My God Amber! It's been 6 years pero heto ka pa din! To be honest cous I'm sick of this situation, can you please set yourself free from the past? Let her go! Stop holding to something na kahit na kailan ay hindi na matutupad pa, hindi na mangyayari pa dahil wala na! Wake up cous! She's gone! Can you hear me? She's gone! At kahit na kailan ay hindi mo na maibabalik ang isang tao na matagal nang wala!" Sigaw sa akin ni Samantha, marahas na bumababa-taas ang kanyang dibdib dahil sa galit na sumabog. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata na puno din ng sakit at lungkot.

Napayuko na naman ako nag muli ko na namang maramdaman ang pamumuo ng aking mga luha dahil sa mga alaalang iyon. To the nth time, heto na naman ako. Lumuluha habang ang aking puso ay muli na namang nadudurog ng paulit-ulit dahil sa mga alaalang hindi ko malimot-limutan.

"Cous naman! Pakawalan mo na ang sarili mo mula sa nakaraan, maraming taon na ang lumipas. Maraming bagay na ang nagbago, pero ikaw. Huwag mo namang hayaan na mabulok ka sa nakaraan. Naka-move on na ang iba, kaya dapat ay ikaw din. Dahil kahit anong pagsisisi ang gawin mo hindi mo na maibabalik at mababago ang nakaraan dahil nangyari na, tapos na at ilang taon na ang lumipas. Karapatan mong maging masaya isa pa, sigurado ako na hindi sya matutuwa seeing you like this" pahayag nya pa sa akin, isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa dalawa kong palad

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now